Prologue

115 11 0
                                    

Naiinip na si Barbie kakahintay kay Ken sa kanilang tagpuan sa bench ng simbahan. Bago kasi ang date nila ay nangako si Ken na magsisimba muna bago sila kakain sa labas.

"nakakainis ka talagang lalaki ka"
naiinis na sabi ni Barbie sabay tayo nito at dirediretsong pasok sa simbahan.

"Sorry na Baby!" sabi ni Ken habang tumatakbo papunta kay Barbie.

"napasarap kasi kami ng kwentuhan ni Derrick sa may kanto eh!"

"Sus palusot ka pa! halika na nga! naguumpisa na yung misa eh" sabi ni Barbie sabay hawak sa kamay ni Ken sa may unahan.

"Marami ang ayaw sa mga pangako, commitments at sa mga vows. Marami na ngayon ang gusto sa relasyon na walang kasamang pangako. Kapag gusto pa, nagsasama. Kapag ayaw na, eh di hiwalay!" sabi ng Pari sa kanyang homily na dahilan para magtinginan sila Barbie at Ken.

"Tanungin mo nga ang katabi mo! Takot ka ba sa commitment?" sabi ng Pari.

"Takot ka ba sa Commitment?" sabay na sabi ng dalawa at dahilan upang sabay na mapangisi ang mga ito.

Pagkatapos ng misa ay pumunta ang dalawa sa isang Mall at doon ay humanap ng restaurant para kumain.

"Bakit dito tayo? Allergic ako sa mga Shellfish!" sabi ni Barbie

"Aww sorry baby sige hanap na lang tayo ng bago!"

Nauwi ang dalawa sa pagkain sa Karinderya.

"Alam mo Ken! mas masaya ako na kahit sa ganitong kainan mo lang ako dalhin ang mahalaga yung kumakain tayo ng sabay at masaya" sabi ni Barbie na nagpangiti naman kay ken

Pagkatapos nila ay naglibot muna sila sa Mall. Hinatid naman ni Ken si Barbie sa kanila.

"Kita na lang tayo sa School bukas ah!" sabi ni Barbie kay Ken

Kinindatan ito ni Ken at umuwi na rin sa kanilang bahay. Hindi alam ni Ken na ito na pala ang huling paalam ni Barbie sa kanyang pisikal na katawan.

Soul SwitchWhere stories live. Discover now