Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta ng classroom namin pero laking gulat ko nang makita ko doon si Fabio. Narinig ko naman na mahinang natawa si Agnes pero hindi ko na iyon pinansin.

So, ito pala yung class niya? Malamang sa malamang ay transferee siya.

Tahimik lang siyang nakaupo sa upuan niya. Nag decide ako na umupo sa upuan na tabi sa kanya at hindi tumabi kay Agnes na dalawang row lang ang layo sa amin.

"Hi, Fabio." Bati ko sa kanya.

Nakita ko kung paano siya nagulat nang makita niya ako. Pero ngumiti rin naman siya sa akin makalipas ang ilang segundo.

"Oh, hi there Camila."

"So you're a transferee huh?" Tanong ko sa kanya.

"Well, yeah, I am. Paano mo nalaman yun?" He asked me back.

"Basic logic, first time lang kita nakita rito sa classroom and since lahat naman kami rito ay magkakaklase na simula pa noong first year kaya naman nafigure out ko kaagad na transferee ka. No brainer at all." Sagot ko sa kanya with my smug look sa mukha ko.

"Talino mo pala Camila." Saad niya lang at ngumisi lang ako sa kanya.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa dumating na ang professor namin. Nagsimula na siyang magdiscuss kaya naman nakinig na ako.

Kalagitnaan ng discussion ay napalingon ako kay Fabio at muntik nakong matawa sa itsura niya. Dahil mukhang konti nalang at bibigay na siya at makakatulog sa klase. Gusto ko mang tawanan siya ay hindi ko magawa dahil baka mapagalitan kaming parehas ng professor namin kaya naman nanahimik nalang ako at nakinig nalang ulit sa klase namin.

After ng mga klase namin at lunch time na ay naisipan ko siyang ayain na sumabay sa amin maglunch. Nararamdaman ko sa likuran ko na naka ngisi lang si Agnes sa akin habang inaaya ko si Fabio. Mabuti nalang at hindi niya napansin ang ka-weirdohan ni Agnes at pumayag naman siya sa invitation ko.

That is how our story started.


PRESENT TIME


Kasalukuyang nagpapahinga ako sa doctors' quarters ng ospital dahil kakatapos ko sa isang operasyon ng may biglang kumatok sa pinto.

"Come in!" Sigaw ko habang nakapikit pa rin at nakasandal lang sa swivel chair ko.

Bumukas ang pinto kaya naman dumilat ako para tignan kung sino iyon.

"Yes?" Tanong ko sa nurse na pumasok.

"Doc. Camila kailangan po kayo ngayon din po sa O.R. 1." Sagot niya sa tanong ko.

Tumango naman kaagad ako at tumayo para lumabas na ng quarters. Ganito naman talaga minsan kahit wala ka pang sapat na pahinga kailangan mo pa rin magtrabaho dahil buhay ang nakasalalay sa mga kamay naming mga doktor kaya walang oras para magreklamo.

"What happened?" Tanong ko sa nurse habang mabilis kaming naglalakad papunta ng O.R. 1.

"May pagsabog mong nangyari sa isang medical mission na malapit po rito sa ospital. Marami po ang sugatan at i sinusugod as of now sa mga ospital." Sagot niya.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya at sa mga susunod niya pang sasabihin na impormasyon sa akin.

"Ang pasyente po ay si Doctor Fabio Serrano. Malubha po siyang nasugatan dahil sa pagsabog."

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ng asawa ko.

"Fa-Fabio? No, no, no, no, oh god! No please!"

ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTSWhere stories live. Discover now