Exchange of Hearts

345 9 9
                                    

EXCHANGE OF HEARTS

AN ARVY AU

"Hon? You ready?"

Tumingala ako mula sa inaayos ko na suitcase at lumingon sa pinto ng kwarto ko. Nakadungaw ang ulo ni Arnaldo roon at nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Almost done." Sagot ko naman sabay siksik sa mga gamit ko sa suitcase bago isinara iyon.

Narinig ko na bukas lalo ang pinto at alam kong pumasok si Arnaldo sa loob. Pagtayo ko sa maleta ko sa gulong nito ay nakaupo na si Arnaldo sa gilid ng kama ko at nakatingin lang sa akin.

"Stop staring." Pabiro kong saway sa kanya.

"I can't, you're too gorgeous."

"Bolero ka masyado, Mr. Mayor." Tawa ko sa kanya bago tumabi sa kanya.

Pagtabi ko sa kanya ay bigla niya akong sinide hug at isinandal ang ulo sa balikat ko. Napailing nalang ako sa pagiging clingy niya bigla.

"Someone's being clingy." Paglalaro ko sa buhok niya.

"You're too busy these past few days. I missed you." Sagot naman niya sa akin.

Ilang araw din kasi akong nasa Manila at inaasikaso ang Aguas Realty dahil may mga big projects ang kumpanya kaya hindi kami masyadong nagkita ni Arnaldo.

"My, my, Mr. Mayor, nakakawala ng kaangasan yan." Asar ko sa kanya at mahinang natawa.

Alam ko kung gaano kaimportante sa kanya ang tough looking yet makamasa na image niya. Kaya naman naisipan kong biruan siya.

"I don't mind, you know that I'm weak when it comes to you." Saad niya bago ako halikan sa pisngi.

"Hindi na dapat Mr. Mayor ang tawag ko sayo eh, Mr. Understanding na yata dapat." Pang-aasar ko pa lalo sa kanya.

"Be my wife, and I'll show you how understanding I can be." Kindat niya sa akin bago ako nakawan ng halik.

Alam kong may halong halay ang mga sinabi niya kaya napailing nalang ako.

"You proposing or what?" Tawa ko sa kanya.

"Nope, not yet, Hon." Iling naman niya sa akin.

"But you know, I can show you how under I can be." Dagdag niya pa bago ngumisi.

"You and your sexual innuendos, hon." Pinitik ko ang noo niya at natawa.

"Hey! That hurt, hon." Reklamo naman niya kaagad.

Hinalikan ko naman kaagad ang noo niya kung saan ko siya pinitik.

"Ano masakit pa?" Pang-aasar kong tanong sa kanya.

"One more pa, Hon." Pout niya sa akin.

"Nice try, Hon. But, no." Tawa ko sa kanya. "Wag abusado masydo."

"Worth a shot, I guess." Tawa nalang niya rin sa akin.

Nakasandal lang kami sa isa't-isa nang biglang may kumatok sa kwarto. Parehas kaming napaayos ng upo at sabay tumingin sa pinto. Bukas iyon at dumungaw sa amin si Jepoy.

"Mayor, nakahanda na po ang sasakyan niyo ni Ms. Aguas." Imporma niya sa akin.

"Salamat, Madrigal. Palabas na kami pwede ka nang mauna." Sagot naman ni Arnaldo at tumango lang si Jepoy bago umalis.

"Let's go, Hon. Vacation awaits us." Tayo ni Arnaldo sa kamay at inalok ang kamay sa akin.

"Hindi halatang excited ka." Mahina kong tawa bago ko tinaggap ang kamay niya.

ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTSWhere stories live. Discover now