If Ever You're In My Arms Again

186 7 0
                                    

IF EVER YOU'RE IN MY ARMS AGAIN

A CAMBIO×EMMA AU

Dis oras na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Camila Dela Torre. Nakapantulog na ito na puting night gown pero nandito pa rin siya sa salas ng mansyon. Hindi siya mapakali dahil wala pa sa bahay ang kaisa isa niyang anak na si Vida. Nasa bahay ito ng ama nito ngayon pero hindi pa ito nakakauwi.

Hindi naman nagsabi ang anak na doon ito matutulog kaya naman hinihintay niya itong umuwi. Nagaalala ito dahil baka mapano ang anak sa paguwi. Kahit alam naman ni Camila na kaya ni Vida ang sarili niya ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang mag-alala.

Na dako ang tingin niya sa itim na grand piano na nasa gitna ng sala. Naalala na naman niya ang pinakamamahal niyang tao dahil dito. Tumingala siya at pinagmasdan ang malaking larawan na naka dikit sa pader tapat ng piano. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para ilabas iyon at idisplay diyan.

Tumayo si Camila mula sa kinauupuan na couch at lumapit sa grand piano. Naalala niya pa kung paano niya tinuran ang pinakamamahal niya kung paano ito tugtugin. Lingid sa kaalaman ng anak niya na marunong siyang tumugtog nito at ang alam niya na ang katangi-tanging lalaki lang sa buhay nila ang marunong nito.

Nang makalapit siya sa piano ay marahan niya hinaplos ang itaas na bahagi nito bago siya umupo at binuksan ito. Bumungad sa kanya ang mga mapuputing piano keys. Hinaplos niya gamit ang kanyang mga mahahaba niyang daliri sa mga ito at lumikha ito isang magandang huni.

Naisipan niyang tumugtog muna habang naghihintay siya sa kanyang anak. Isang pamilyar na piyesa ang simulan niyang tugtugin.

It was If Ever You're In My Arms Again by Peabo Bryson.

"It all came so easy~" Biglang sabay ni Camila na pagkanta habang tumutugtog.

Halos nagflashback lahat ng mga alaala na pinagsamahan nila habang tumutugtog at umaawit siya.

"How your touch was so tender~"
"It told me you cared~"
"We had a once in a lifetime~"
"But I just couldn't see~"

Lahat ng panghihinayang at pagsisisi ay nararamdaman niya sa kanta na ito. Kung maiibabalik lang ang panahon ay ginawa niya na. Para masabi man lang niya ang totoo.

Ang totoo na mahal na mahal niya rin siya.

Na mahal na mahal ni Camila Dela Torre si Fabio Serrano.

"Thanks sa pag hatid dad." Pagpapasalamat ni Emma kay Vito.

Binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan ng ama niya, tunay niyang ama at bumaba.

"No problem nak." Sagot naman ni Vito kay Emma bago magsara ang pinto ng sasakyan.

Galing si Emma sa bahay ng mga Dela Cuesta para makabonding si Luna at dahil ginabi na siya doon ay inihatid na siya pauwi ng dad niya. Sinubukan pang pilitin ni Luna na doon na magpalipas ng gabi si Emma pero hindi siya pumayag. Hindi niya kayang iwan magisa ang mama niya sa mansyon.

Hinihintay muna ni Emma na makaalis sa drive way at mansyon ang sasakyan ng dad niya bago siya pumasok sa loob ng mansyon. Pero pagbukas palang niya ng pinto ay may narinig na siya na kakaiba.

Isang musika na nanggagaling sa grand piano ng mansyon. Sino naman kaya ang tumutugtog nito? Yun ang nasa isipan ni Emma pagkapasok niya ng mansyon.

Maaari kayang ang mama niya na si Camila ang tumutugtog ng piano? Pero kailanman ay hindi niya pa narinig na tumugtog ng kahit anong instrumento ito ni kumanta ay hindi pa rin naririnig ni Emma. Marunong kumanta si Emma pero hindi niya nahiligan ang matuto tumutog ng piano. At isang tao lang ang alam niya may kayang tumugtog ng piano sa bahay na ito.

ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTSWhere stories live. Discover now