Chapter Twenty-Four

39 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

"Kamusta ang pagtratrabaho mo, Mahal?" Nakangiting tanong ni Atara habang hawak-hawak ang panyong pamunas kay Eustace.

Days went by at mas naging close sila sa isa't-isa. Much closer this time, they act like they were an actual couple—married to each other. Sobra-sobrang tuwa ang naranasan ni Atara simula ng umalis sila sa bahay na iyon.

"Okay naman. Yun nga lang, ang mga anak ni Don. Santiago, hindi ako tinitigilan sa pangungulit." Sabi ni Eustace at niyakap si Atara.

"Tss. Sabihin mo na kasi na kasal ka na sakin." Naiinis na sabi ni Atara. Tumawa ng mahina si Eustace at hinalikan ang buhok nito.

Simpleng pamumuhay ang naranasan ni Atara. Nang kinupkop sila ng Pamilya Villaflor, pinatira sila sa maayos na bahay at binigyan naman ni Don Santiago ng trabaho si Eustace sa mansyon.

"Hindi ko pa rin inaakala na ganito kayaman si Don. Santiago." May ngiting saad ni Atara habang pinupunasan ang noo ni Eustace.

"Kung hindi ka nagmakaawa na tulungan ko siya, siguro walang grasya ang makukuha natin. I'm always thankful to you, mahal."

Listening to Eustace made her heart beats faster than before. His sweet talks can make her knees wobbles kaya napakapit siya sa braso ni Eustace para maiwasang mahulog sa lupa.

"Pablo! Pablo!" Sigaw ng kung sino. Sumilip si Atara at sumama agad ang kanyang mukha ng makita ang babaeng papansin kay Eustace.

"Pablo! Samahan mo raw ako, sabi ni Ama." Sabi ng babae habang todo hawi sa kanyang buhok. Umirap si Atara at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.

Hanggang nakatira sila dito, hindi lulubayan ng babaeng yan si Eustace. Umirap siya ulit at sumalampak sa kahoy na upuan at nakatingin ng masama sa dalawa na naguusap.

"Tss."

Nang sumipyat siya ulit, nakita niyang may pahampas-hampas pa ito sa braso ni Eustace kaya mas lalong uminit ang ulo ni Atara.

Kinalma niya ang sarili at pumunta sa kusina para magluto ng kanilang—kanyang ulam para ngayong gabi. Halata naman na pumayag ang magaling niyang asawa—wait what?

Napatigil si Atara. Tinawag niya si Eustace na Asawa niya. At naramdaman niya talagang nagseselos siya. Pero kahit na ilang araw ng nagdaan, hindi niya pa rin alam kung may label ba sila ni Eustace.

'Nag a-I love youhan naman kami pero di ko alam kung may label na na kami.'

Bagsak ang balikat na nagluluto si Atara. Parang sumama ang kaniyang pakiramdam matapos isipin niya na wala silang label ni Eustace.

"Hey mahal—what the hell? Bakit ka umiiyak?!" Gulat na tanong ni Eustace at nilapitan siya. Hinarap niya si Atara at tinignan kung may masama ba.

"Huhuhu, Eustace... Pinapaiyak ako." Umiiyak na sabi ni Atara at pinahid ang kanyang luha gamit ang kaniyang kamay.

Kumunot ang noo ni Eustace habang nagtataka. Nagseselos ba ito kay Belle na anak ni Don. Santiago? Tatanungin na sana niya ulit si Atara ng makita niya ang sibuyas na hinihiwa nito.

Hindi niya mapigilang mapatawa at maiyak sa katatawa. Umiiyak pala ito dahil sa sibuyas na hinihiwa nito. Hindi niya mapigilan ang tawa niyang malakas. Akala niya pa naman umiyak si Atara dahil nagseselos, yun pala ay dahil sa sibuyas.

"Tangina, ang hapdi nito, bakit ako umiiyak? E-eustace tumigil ka nga, masakit ang mata ko." Patuloy na iyak ni Atara kaya tawang-tawa si Eustace ulit.

Ilang minuto ang lumipas at okay na ang mga mata ni Atara. Napapangiti na lang si Eustace sa tuwing naaalala niya ang pagiyak ni Atara dahil sa sibuyas.

"Anong ulam natin ngayon Mahal?" Tanong niya kay Atara na nagluluto. "Binigyan tayo ni Aleng Tina ng bagyo beans kaya niluto ko. Bali, adobong bagyo beans." Sabi niya habang nagluluto.

Napangiti si Eustace sa kanyang nakikita. Masaya siya dahil sumama sa kanya ang dalaga ng walang angal. Ngayon at walang nakakakilala sa kanila ay pweeding-pweede silang lumabas kahit saan.

"Luto na. Maghain ka na ng kanin at sabay na tayong kumain. Ihahatid ko lang to kay Aleng Tina." Sabi ni Atara habang may dala-dalang baunan.

"Magingat ka sa daan. Malapit ng dumilim. " Pagpapaalala ni Eustace sa kanya. Tumango si Atara at tuluyan ng nilisan ang bahay na pinatayo ni Don. Santiago.

Naghintay lang si Eustace kay Atara habang pasimpleng tinitignan ang pintuan. Hindi naman nagtagal at nakabalik si Atara habang may dala-dalang pagkain na naman sa loob ng baunan na dala niya.

"Pinabibigay ni Aleng Tina sa atin. Tignan mo oh, ang sarap." May ngiti sa labing sabi ni Atara at nilapag ang baunan sa kanilang lamesa.

"Adobong pusit?"

"Oo, masarap to."

Napailing si Eustace at naghain na lang ng kanin sa Plato ni Atara at sa Plato niya. "Oo nga pala, bakit di ka sumama sa babaeng Yun?" Halata sa boses nito ang inis at selos.

Lihim na napangisi si Eustace habang umiinom ng tubig. Nagseselos nga ito kay Belle. "May iba pa namang driver si Don. Santiago at nagpaalam talaga ako sa matandang yon na kung maari ay ipalayo niya si Belle sa akin dahil alam na alam kong mapapatay siya ng Asawa ko."

Inirapan lang siya ni Atara habang kumakain kaya napatawa siya. Nagseselos nga ito. "Mahal naman kita Susan eh."

Biglang nabilaukan si Atara kaya tumawa ulit ng malakas si Eustace sa kanya. Naiinis na namumula na kumain si Atara habang masamang nakatingin kay Eustace na tumatawa.

Pero sa kaloob-looban niya, gusto niyang manatili na ganito ang buhay na mararanasan niya habang buhay, kasama si Eustace at wala ng iba pa.
.
.
"Ano na ang balita?" Tanong ni Dion habang sumisimsim ng tsaa kaharap ang Ama at Ina ni Atara. Galit pa rin ang lalaki samantalang hindi na makausap ang Ina ni Atara dahil pinipilit nito na ayaw niyang may makausap.

"Wala pa ring balita sa anak at sa kriminal na kasama ng anak ko. I want that man die, Dion. Gusto kong patayin na yang kasama ni Atara." Umiigting ang panga na sabi ng Ama ni Atara.

"Don't worry, Dad. Sinabihan ko na rin si Daddy tungkol dito. His men will look for them, at kapag na hanap na sila, dadakpin natin si Eustace Valiente at kakasuhan ng Rape. Let's accused him for raping your daughter. That would lead us to success since isa kang alagad ng batas. Madali ding mapaayon ang Judge na gagamitin natin. Just pay him Dad at gagalaw Yan ayon sa gusto natin. Aasahan ko mula sayo ang magaling na Lawyer para sa kasong isasampa natin kay Valiente." Sabi ni Dion.

"As for Atara, madaliin natin ang proseso ng aming kasalan. Gusto ko ng makasal sa anak mo Dad." Sabi ni Dion habang nakangiti. Tumango si Don. Denmark at kinamayan si Dion sa plano nila.

"Pero Dad, what if magwala si Atara?" Biglang tanong ni Dion. Napatingin naman si Don. Denmark sa kanya ngunit agad naman itong sumagot.

"Ikukulong natin siya sa kwartong walang bintana. Alam ko si Atara at tatakas talaga yan." Sabi ni Don. Denmark kay Dion. Ngumiti naman si Dion at sumimsim ulit ng tsaa habang tinatago ang demonyo nitong ngiti.

Lihim na nagalit ang Ginang sa plinaplano ng dalawa. Sa kanilang mga balak, mas demonyo pa sila sa demonyo. Naawa siya sa kanyang anak kung madakip man ito SA isa sa mga tauhan ng Presidente.

Pinagdadasal niya na lumayo na si Atara—kahit ikakasakit pa yan ng puso ni Deinara.

THE CRIMINAL'S LOVERजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें