Chapter Eighteen

37 0 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Never in Sheena's life made her feel like this. Guilty siya sa nangyari kay Atara at sinisisi niya ang sarili niya na siya ang may kasalanan ng lahat nang ito.

Napa-upo siya sa upuan malapit sa Operating Room—kung saan ginaganap ang opera ng mga doktor kay Atara. A situation of life and death.

Ilang oras ang nagtagal at lumabas ang doktor na nago-opera sa kaibigan niya. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang gloves nitong may mantsang dugo—halatang- halata talaga na onoperahan ito.

"A-ano pong nangyari sa kaibigan ko?" Tanong ni Sheena habang nanginginig sa takot at pangamba. Ngumiti ang doktor ng pilit at pilit na inalis ang nakahawak na kamay ni Sheena sa kanya.

"First, bitawan mo muna ako at maialis ko ang gloves." Sabi ng doktor. Binitawan naman ito ni Sheena at hinawakan ang sariling kamay.

"The patient is fine. Pero masyado talagang nayupi ang kanyang katawan at dagdagan mo pa ng pira-piraso ng salaming nakaturok lahat sa kanya. It wasn't easy, lalo na at may ibang piraso na dumiretso sa tyan na at ang lalim pa. Whoever, the operation is now success." Sabi ng doktor at agarang umalis.

Nanlaki ang mga mata ni Sheena at napahawak sa kanyang baba. Napahikbi siya at napaluhod sa sahig. Buhay si Atara. Buhay ang kaibigan ko.

"Ito po lahat ng gamit ng kaibigan mo. Tsaka pakitawagan na lang ang parents ng babae. Hanggang ngayon hindi pa rin sinasagot eh." Sabi ng babae at binigay lahat sa kanya dala-dala nitong gamit.

"Salamat." Sabi niya. Ngumiti ang babae at yumuko bago nilisan ang hospital. Then something about that girl made her feel so familiar. Hindi niya kilala ang babae pero nakakaramdam siya na nakita na niya ito sa paaralan.

Umiling na lang si Sheena at tinignan ang cellphone ni Atara at nagulat na sila pala iyon. Napaiyak ulit siya at nararamdaman niya ulit pagkaguilty at sinisisi na niya naman ang kanyang sarili dahil sa nangyari.

Napayakap na lang si Sheena sa bag at cellphone ni Atara. Gusto na niya talagang humingi ng paumanhin. Pero nasa OR pa rin si Atara at maya-maya ay itratransfer nila ito sa Private Room.

Kaya niya naman ang billings ng hospital kaso hindi niya dala ang credit card niya at maliit lang ang dala-dala niyang Pera.

"Teka bat ako ang magbabayad?" Napailing si Sheena at agad na binuksan ang cellphone ni Atara. Ngumiti siya ng makitang si Eustace at si Atara magkasama at nakangiti pareho.

Pero naglaho iyon ng mapansing hindi na niya nakikita si Eustace sa bahay ni Atara. At ang natataka rin siya kung bakit ganun na ang inasal ni Atara sa mga taong nakapalibot sa kanya.

"I should call her parents." Bulong ni Sheena at agad na tinawagan ang parents ni Atara. Ilang minuto ang nakalipas at sa apat na tawag ni Sheena sa mga magulang ni Atara ay hindi ito sinasagot.

Kumunot ang noo ni Sheena. Bakit hindi sinasagot ng parents ni Atara ang kanyang mga tawag? Bakit hindi na nila ito sinasagot? May nagawa ba si Atara sa kanila?

Maraming katanungan ang nasa isipan ni Sheena. At parang lahat ng sagot sa kanyang mga katanungan ay nasa kay Atara.

"Kung ayaw nila itong sagutin edi huwag—" Hindi natuloy ang sinasabi ni Sheena ng tumawag ang parents ni Atara. Napailing siya sa hangin at hinintay muna ang ilang minuto bago sinagot ang tawag nito.

"Kalimutan mo na kami Atara! Ng dahil sa kakahiyang ginawa mo sa Presidente, ang pangalan ng Gerona ang napahiya ng dahil sayo!" Sigaw ng lalaki sa kabilang linya.

Nagtaka ulit si Sheena ngunit ipinilig niya ang kanyang ulo at nagdesisyon na magsalita. "Nasa hospital po ang anak niyo." Sagot ni Sheena habang kinakalma ang sarili.

Ng dahil sa kakahiyang ginawa ni Atara, kakalimutan na agad nilang magkapamilya sila? Ano bang klaseng magulang sila at inuuna ang pampublikong larawan? Hindi niya gustong diktahan ang mga magulang ni Atara pero makikitid talaga ang utak nila.

"Sino ka ba? Bat nasa iyo ang cellphone ng anak ko ah?" Tanong ng lalaki. Kanina lang at sinabi niyang kakalimutan na nilang anak nila si Atara pero heto ang lalaki at tinatawag pa rin na anak si Atara.

"Kung ayaw mo pala kay Atara, huwag ka na lang pumunta dito sa hospital. Nakakawalang ganang ipaalam sa iyo na naaksidente ang anak mo. Tinawagan ka na ng mga nakasaksi gamit ang cellphone ni Atara ngunit di niyo sinasagot. Anong klaseng magulang ba kayo at inuuna niyo ang pampublikong larawan niyo at hindi ang taong lumalaban para mabuhay? Kung ganyan yung attitude niyo, naiintindihan ko na si Atara kung bakit umalis siya diyan sa bahay niyo at binuhay ang sarili niya. Ang toxic niyo po bwesit!" Sigaw ni Sheena at pinatay ang tawag sa kabilang linya.

Kinakalma niya ang sarili niya at naghihintay na lang na ilabas si Atara sa OR. Siya na ang magbabayad sa kwarto ni Atara. Ayaw niyang ipapasok ang mga magulang ni Atara pero wala siyang magagawa dahil kaibigan siya at magulang sila.

Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na ang katawan ni Atara at tinulak niya ito sa isang private room. Pinili niya ang sosyal at malaking kwarto para sa kaibigan niya. Ayaw niyang sa maliit at walang hangin, nasusuka siya.

Sinundan niya ang mga nurse na hinahatid ang katawan ni Atara. Ng makarating na sila sa kwarto, dumating ang isang nurse—dala-dala ang papel na kailangang fill-upan talaga.

At para na rin sa kanya nakapangalan ang kwartong ito at siya ang magbabayad.

Kinuha niya ang wallet ni Atara at nagpapasalamat na may three thousand itong dala. Kinuha niya iyon at ang kanyang pera saka binayad sa nurse na naghihintay sa kanya.

Nakatingin ito sa kanya at nagtataka kung bakit kinuha niya ang Pera ng kaibigan niya ngunit tinaasan lang ito ng kilay ni Sheena at nagroll eyes pa.

Nainis ang Nurse at umalis habang nagdadabog ang mga paa. Natawa siya at tinignan na lang si Atara na walang buhay at maputla. Maraming nakakabit na mga kawad sa katawan niyo.

Huminga siya ng malalim at tinignan lang si Atara na nakahiga sa kama at makina ang bumubuhay sa kanya. May nabasa siyang mga articles na kapag daw may naaksidente at malakas ang pagkakabunggo, may posibilidad na magkakaroon ang pasyente ng "Loss of Memories" or Amnesia.

Minsan din ang may mangyayari ding "Sleeping Dead" or Comatose para sa madaling salita.

Ayaw niyang mangyari iyon kay Atara. Natatakot siya at baka kapag nangyari ang dalawa, matagal na mabubukas ang mga mata ni Atara at mawawala pa ang kanyang mga alaala.

At alam niyang masakit iyong mangyari lalo pa't kasisimula pa ng kanilang pagkakaibigan.

THE CRIMINAL'S LOVERWhere stories live. Discover now