Chapter Nineteen

38 2 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

2 weeks at tulog pa rin si Atara. Ito na talaga ang kinatatakutan ni Sheena, ang mauwi sa Comatose at Amnesia si Atara. Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog nito at bumabalik na ang kasiglaan SA kanyang katawan.

Araw-araw ding pumupunta ang Parents ni Atara ngunit hindi pinapapasok ni Sheena kahit ni ilang minutong bisita lang.

/FLASHBACK/

Napabuntong hininga si Sheena at nakatingin pa rin kay Atara na natutulog. Kahit natutulog ito ay maganda pa rin—ngunit hindi mapa-ibig ang criminal na nagnakaw sa kanyang puso.

Napatawa si Sheena. Halatang-halata talaga na may namamagitan sa dalawa. The way she looks at him, parang si Eustace lang ang lalaking nag e-exist sa kanyang paningin.

Alam ni Sheena iyon, lalo't alam niya sa sarili niya na mahal niya ang Gurong iyon kahit na Trenta'y anyos yun at may jowa, willing siyang maging kabit.

' Pero tama na muna ang pagiging marupok.' Sabi ng utak niya kaya napatawa ulit siya. Wala sa sariling napabaling siya sa pintuan ng makarinig siya ng katok.

Malalakas iyon at halatang may galit ang kumakatok. Naglakad siya papalapit sa pintuan at binuksan iyon, kumunot ang noo niya ng makita ang mag-asawa na akala mo dadalo sa isang Party ng mga mayaman.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Sheena ngunit hindi ito nakinig at agad na pumasok sa kwarto kahit na hindi pa sila pinapapasok ni Sheena.

Mas lalong kumunot ang noo ni Sheena at pinagmasdan ang dalawa na umiiyak habang inaalo ang katawan ni Atara. ' Must be Atara's parents.' Sabi ng utak ni Sheena.

Halata nga at magulang ito ni Atara. The way they dress, it explains everything. "Tinatanong ko kayo ulit, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Sheena ulit.

Tinignan siya ng lalaki at sinamaan ng tingin. "Kami ang magulang kaya umuwi ka na!" Sigaw nito at ibinalik ang tingin sa kay Atara na walang malay.

Napatawa ng malakas si Sheena. Halata ang panunuya sa tawa nito. Binalingan niya ang mga magulang ni Atara at tinaasan ng kilay. Hindi niya mapigilang maging maldita sa harapan nila.

"After you shouted at me, saying you'll forget that Atara is a part of your family? Is that how you treat your Daughter, Sir? What a shame." Sabi ni Sheena at naglakad sa sofa at umupo at nagdekwatro ang mga paa.

"Wala kayong alam sa mga problema ni Atara. Imbes na tulungan ang anak niyo, you disown her? Is that how you describe parenting in your case Sir?" Pangbabara ni Sheena sa magulang nito.

Natahimik ang dalawa at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Sheena at sa anak nilang nakahiga. She can be a bitch for Atara. And only for her. Mahal niya ang dalaga dahil parang kapatid na ang turing niya sa kanya.

"Kung pweede umalis na kayo, I've taken care of her since I bought this exclusive room for my sister by heart. Umalis na kayo, I wouldn't like you staying here for a minute." Malamig na sabi ni Sheena sa kanila.

"At sino ka ba para magdesisyon niyan sa amin? Hindi mo ba ako kilala?" Halata ang pananakot sa boses ng Ama ni Atara. Napangisi si Sheena at tinignan ang matanda sa mata.

"I know you. The one who disowned Atara for such a lame reason." Sabi ni Sheena. Sekreto siyang napatawa ng makitang galit na galit na ang Ama ni Atara sa kanya at nangunguyom na ang kanyang kamao.

"Umalis na kayo! Kung ayaw niyong umalis maheheadline talaga kayo sa magazine, imagine— "The Great Mr. Gerona disowned her Daughter for a lame reason." Gusto niyo bang basahin? I could do it since we owned a Magazine Company." Puno ng kompyansang sabi ni Sheena.

"Tsk." Sabi ng matandang lalaki at naglakad paalis sa kwartong tinutuluyan ni Atara. Ayaw pa umalis ng babae at tinignan si Sheena sa mata na para bang nagmamakaawa na gusto niya pang makasama ang kanyang anak.

"Marcella!" Sigaw ng lalaki ng napakalakas. Tumalim ang matandang babae at hinalikan si Atara sa noo bago umalis ng walang paalam.

Napatawa si Sheena. Halata sa mukha ng ginang na Mahal na Mahal niya ang anak niya pero, sunod-sunoran ito sa Ama ni Sheena.

"Money over love." Mahinang sabi ni Sheena at napa-upo ng tuluyan sa sofa ng kwarto ni Atara.

/ENDS/

Hanggang ngayon ay bumibisita pa ang dalawa ngunit hindi na nagtatagal sa loob ng kwarto. Everytime Atara's parent is inside her room, the room's atmosphere is filled with Awkwardness and soffucating air.

Minsan din ay pinapabantayan niya si Atara sa personal Maid niya at dalawang bodyguards sa labas ng pintuan nito kapag may klase siya o uuwi ng bahay.

Her parents new what happened about Atara at sumusuporta lang ito sa dalaga. They were thanking Atara for her sudden change in life. Kaya Todo suporta ito ng malaman na nadisgrasya ang dalaga.

The school also knew about what happened to Atara. Some were thanking God and some were offering prayers for her.

Also, the girl who brought Atara here was the person who Atara recently bullied back when she was still standing and showing smiles—even though they were fake and true enough to make her, Sheena believe that she is fine.

Naging magkaibigan ang dalawa and it happened to be somewhat relatable problems they had. Atara's problem is Eustace is a criminal, Hers is a Teacher, and the girl named Andrea Meneses—the girl Atara bullied, is a Billionaire's mistress.

Parang pinagtagpo sila ng tadhana dahil sa mga personal na mga problema. At talagang mga 30 anyos lahat ng lalaking magugustuhan nila!

Andrea said na matagal na niyang napatawad si Atara simula ng madisgrasya ito at hindi na gumigising sa mahigit na dalawang linggo at tatlong araw sa pagkakatulog.

Alam ni Sheena na naiintindihan ni Andrea ang sitwasyon ni Atara ngayon—lalo't tungkol pala ito sa kriminal na iniibig nito.

' Patawarin mo ako Atara at nasabi ko sa iba.' Mahinang bulong ng utak ni Sheena at napakamot na lang sa batok.

"Hay nako, bakit ba kasi ginawa tayong mga kontra bida? Nahihirapan na ako lalo't may Asawa si Landon." Napabuntong hininga si Andrea habang nakatingin kay Atara.

"Ewan ko nga, may Girlfriend nga din si Xavier. Ginawa tayong kabit." Sagot ni Sheena habang nakatingin sa cellphone at naglalaro ng Candy Crush.

"Pero mas nasa malabong sitwasyon si Atara bhie, imagine. Criminal ang minahal."

Tumango siya at napatigil sa paglalaro. Tama nga si Andrea, nasa malabo at mapanganib na problema si Atara. Sa grupo ata nila si Atara ang may pinaka nakakalito na problema.

At sang-ayon si Sheena dito dahil siya mismo ang nakakakita sa dalawa na naglalampungan at nagmamahalan.

Pero hanggang ngayon, Bakit hindi pa nagpapakita si Eustace kay Atara? Tuluyan na ba siya nitong iniwan? Hindi niya ba mahal ang dalaga?

Tuluyang nalito si Sheena. Their love is a mess to begin with.

THE CRIMINAL'S LOVERWhere stories live. Discover now