Chapter Eleven

47 1 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

"Oo nga pala, Sheena will visit here tomorrow. Kailangan mong magtago." Sabi ni Atara habang kumakain. Tinignan siya ni Eustace na nagtataka at napatigil ito sa pagkain.

"Why?" Tanong nito. Ngumiti lang si Atara at nagpatuloy na kumain. "Why would I hide?" Tanong ulit ni Eustace sa kanya.

"Have you forgotten na criminal ka? She might tell the police if ever na nakita ka niya." Sabi ni Atara. Ngumiti ng malaki si Eustace at tinaas baba niya ang kanyang mga kilay.

"You cared for me, right? That's why you want me to hide." Sabi ni Eustace. Nabulunan si Atara sa sinabi niya habang si Eustace naman ay natatawang inabutan siya ng tubig.

"With that reaction of yours, totoo nga na you care for me. Ayaw mo akong ipaharap sa kaibigan mo eh." Sabi ni Eustace habang nakangisi.

"O-of course not!" Depensa ni Atara sa kanyang sarili. Why would she? Hindi pweede bang ayaw lang nitong maibalik sa kulungan?

' Ayaw mo ngang ipabalik sa kulungan. Mamimiss mo siguro noh? Kaya ka ganyan. Just tell him na you care.' Pag-sangyon sa kanya ng Hypothalamus niya. Namula si Atara at napainom biglaan ng tubig.

"Or you want me all by yourself? Oh baby, sayong sayo na nga ako eh. Kahit naman andyan yang kaibigan mo, kung mas maganda pa sayo aba'y aalis ako dito." Sabi ni Eustace.

"Wow, pagkatapos kitang tanggapin dito sa bahay ko ganun ganun na lang ba yun?" Naiinis na sabi ni Atara. ' Ang kapal ng mukha! Pagkatapos ng lahat lahat! Pweede naman siyang manatili dito! Maganda naman ako ah!' Naiinis na bulong ni Atara.

Ngumiti ng matamis si Eustace at tinignan si Atara. "Joke lang, I'm all yours baby. I'm head over heals to you." Sabi nito.

"Ewan ko sayo, kumain ka dyan ng magisa!"

' Nagalit.' Bulong ni Eustace at tinapos ang kanyang kinakain. Ng matapos na siya, agad niyang hinanap si Atara.

Without Atara, parang may kulang sa kanya na something dearest to his heart. Hindi niya kayang iwan si Atara. His body and heart says he will never leave her, but his brain controlled everyone—to stick with the plan.

"Atara? Baby!" Sigaw ni Eustace. Nakita niyang nakaupo ito ngayon sa sofa habang hawak-hawak ang cellphone nito.  Maingat niya itong sinilip para hindi siya nito mapansin.

Nagtaka siya sa ginagawa nito. Bakit siya nago-online shopping? Maskara? Para saan naman? Hindi nagpahalata si Eustace at sinisilipan pa rin si Atara sa likod nito.

"Ito na lang. Since bagay sa kanya yung itim." Sabi ni Atara habang tinitignan ang mask na napili. Mas nagtaka ito sa tinutukoy ng dalaga.

Magsasalita na sana siya ng bigla siyang napigilan at namula sa sinabi ni Atara. "Bagay na bagay to kay Eustace. Siguro naman hindi na siya aalis sa bahay at pupunta sa bahay ni Sheena." Sabi nito.

"Bakit naman ako aalis? I'm all yours baby, ikaw lang talaga." Sabi ni Eustace sa likod ni Atara. Nabigla ito at napatili. "Eustace! Nakakagulat ka!" Sabi nito habang namumula at nakatayo sa sofa.

Napatayo ito dahil nagulat siya. Natawa si Eustace at hinawakan sa kamay si Atara at hinila ito papalapit sa kanila. Ang namamagitan lang sa kanila ay ang sofa na niluluhudan ni Atara.

Yakap-yakap siya ni Eustace ng mahigpit. Napalunok ito at hindi makagalaw, namumula si Atara habang nakayakap sa kanya si Eustace.

"N-narinig mo yung sinabi ko?" Nauutal na tanong ni Atara sa kanya. Napatango si Eustace at isinubsob nito ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga.

"You smell so fvcking good, baby." Sabi ni Eustace. "Oo narinig ko." Dagdag pa nito.

Gustong mawalan ng malay ni Atara habang niyayakap siya ni Eustace. Narinig niya lahat ang pinagsasabi niya! What a shame!

Gusto niyang kainin siya ng lupa ngayon. Sobrang pula na ng mukha ni Atara. Kung ididisplay siya sa labas, nagmumukha siyang Christmas light sa pula ng mukha niya ngayon.

"T-teka Eustace. Kailangan kong tawagan yung nagbebenta nito." Sabi ni Atara. Nilayo ni Eustace si Atara sa kanya ng ilang distansya at tinignan siya.

"Ako na tatawag." Sabi nito at inagaw ang cellphone ni Atara. Hindi sana papayag si Atara pero sinamaan siya nito ng tingin kaya naupo na lang siya sa sofa at nakinig na lang sa TV.

"Hi, I would like to buy your mask." Sabi ni Eustace. Lumapit ito sa kanya at inakbayan ito. "Baby, ang mahal ng binili mong maskara. Pweede naman yung tag bente lang."

Umiling lang si Atara at nagpatuloy sa pakikinig. Nakaakbay lang si Eustace sa kanya habang kinakausap ang seller ng maskara.

"Bukas ko kukunin. Punta ka na lang sa address na ibibigay ko sayo. And please, stop flirting with me. Jealousy is not healthy for my girlfriend." Sabi nito.

Gulat na napatingin si Atara sa kanya. ' Did he just call me his girlfriend?' Gulat na sabi ni Atara sa kanyang isipan. ' Congrats Atara. He just labelled you as his girlfriend.' Her hypothalamus said.

"Right. 7 AM? Sure." Sabi niya at agad na inioff ang call. Ibinigay ni Eustace ang cellphone nito sa kanya pabalik at isinandal lang ang ulo nito sa balikat ni Atara.

"Baby, ang mahal ng maskara. Branded pa talaga?" Tanong nito. Ngumiti lang si Atara at tumango. Hindi niya magawang nagsalita dahil kapag nagsalita ito, sigaw lang ang maiilabas nito sa bibig niya.

"Ano ba yan. Parang ikaw yung bumubuhay sa akin. Pero totoo naman. Without you, I feel like my soul has been pull out from me. Parang hindi ko na gustong mabuhay." Sabi nito habang nakatingin sa TV.

' Tama na Eustace, sobra na yung kilig baka hindi ko na kayang manahimik dito!' Pigil na sabi ni Atara. Napatawa si Eustace ng tinignan niya ito sa sulok ng kanyang mata.

Pulang-pula ang mukha ni Atara. Halatang apektado ito sa mga sinabi niya. Lihim siyang napatawa, blushing Atara is far more beautiful than her smile.

Mas maganda ito kapag namumula at pinaka maganda ito kapag namula ito dahil sa kanya. "E-eustace. Matutulog na ako, may bisita pa tayo bukas." Sabi nito at tumayo.

"Teka baby. May nakalimutan akong gawin." Sabi ni Eustace at tumayo sabay yakap kay Atara at halik sa pisnge nito. "Goodnight baby. Sleep well." Sabi ni Eustace.

Kumawala si Atara sa yakap niya at tumakbo sa kanyang silid. Kumakabog ang kanyang puso at parang gustong makawala sa hawla nito.

Her heart is beating so fast, the butterflies in her tummy are flying around uncontrollable. Sinara niya ang pintuan at dumiretso sa kama nito.

Hindi niya mapigilan ang kilig kaya nagpagulong-gulong siya at nagtatalon-talon. Sobra ang saya ng kanyang puso at umaapaw ito.

Bumagsak siya sa kama at ngumiti ng malaki sabay yakap ng unan at sumigaw ng sumigaw dahil sa kilig na bumabalatay sa kanyang katawan.

"Damn you, Valiente. Nababaliw ako sayo." Sabi niya at tuluyang napapikit sa pagod. Hindi niya napansin na bumukas pala ang pinto. Nakasandal lang si Eustace habang may ngiti ito sa kanyang labi.

THE CRIMINAL'S LOVERWhere stories live. Discover now