Chapter 8

459 39 16
                                    

Chapter 8


Well Trained na si Beck nang binigay s'ya sa 'kin ni mama. Marunong na s'ya ng 'sit', 'shake', 'fetch' at iba pang tricks! Natutulog s'ya sa paanan ng kama ko gabi-gabi!

Napaka bait ni Beck. Pati nga mga kaklase ko, tuwang-tuwa sa kanya, hindi kasi s'ya umuungol, ni hindi tumatahol, at lagi pa'ng gumagalaw yung napaka cute n'yang putot na buntot!

Kaya lang, ewan ko ba kung bakit lagi n'yang inuungulan sina kuya.

Namimiss ko na nga sila, eh, pero sabi nga nina dad, bawal na raw ako'ng lumapit sa kanila. Bihira na rin kami magkita, lalo na kasi naging busy si kuya Win matapos n'yang maka-graduate sa medical school, si War naman ay busy sa huli n'yang taon sa engineering.

Dumaan pa ang isang taon. Nasanay na ako na kami lang ni yaya ang magkasama sa bahay namin sa likod ng malaking mansion, kasama ang baby ko'ng si Beck. Sila ang sumusundo sa 'kin sa school araw-araw.

"Josh! Bukas 'wag mo'ng kalimutan 'yung request naming design, ha?" tawag sa 'kin ng kaibigan ko'ng nakayakap sa 'kin.

"Okay, sige."

"Yey! Napaka bait talaga ng best friend namin!" niyakap din ako ng isa ko pang kaibigan. "Agahan mo pasok bukas ha?"

kinawayan ko sila bago sumakay sa kotse na minamaneho ni yaya at binati ni Beck sa back seat.

"Ano nanaman ang request ng mga kaibigan mo?" tanong sa 'kin ni yaya.

"Para po sa project namin sa fashion design, yaya." sagot ko. Arts and design kasi ang strand ko sa senior high.

"Hindi ba individual 'yan?"

"Oo, pero, hindi kasi sila magaling mag-drawing, eh, kaya nagpapagawa sila sa 'kin."

"Eh, 'di ba't may sarili ka pang project na kailangan tapusin? Inarbor na nga nila ang ibang disenyo mo, eh, ikaw pa tuloy ang na-late mag-pasa." sabi ni yaya na napasimangot, "Masyado'ng abuso 'yang mga tamad mo'ng kaklase!"

"'Uy, hindi naman sila tamad!" agad ko'ng pinagtanggol ang mga kaibigan ko, "Mas nagagalingan lang po sila sa gawa ko..."

"Hay, nako, Josh," napailing na lang si yaya na ini-start na ang kotse, "Ikaw bahala, ikaw naman ang mapapagod. Ayoko lang na may gumagamit sa 'yo."

"Yaya naman, gumagamit agad." natawa ako, "Ina-appreciate lang nila ang gawa ko!"

"Hay, sige na, para wala nang away." nagulat ako sa sinabi n'ya.

"H-hindi naman kita inaaway, eh..."

"Oo, hindi naman talaga! 'Wag ka'ng umiyak!"

Nagulat ako sa pag-uwi namin ng bahay. Nandoon si mama kahit may araw pa! Sinalubong n'ya kami, sa gate pa lang.

"Josh! Anak! Halika dali!" mukhang excited sya.

"Ano po 'yun ma? 'Di po ba pupunta kayo'ng Tagaytay ngayon?"

"Mas importatnte 'to!" kinapitan n'ya ko sa baliakat, "May good news ako at bad news." sabi n'ya. "Ano'ng gusto mo'ng marinig muna?"

"Ho?" napaisip ako, "'Yung bad news na po muna."

"Okay, anak, brace yourself," huminga s'ya ng malalim, "Patay na ang papa mo!"

"Ho?" nanlaki ang mga mata ko at naisip na nawalan nanaman ako ng daddy! "T-talaga po, ma?! Dalawang taon mahigit ko pa lang s'ya nakikilala, patay na agad s'ya? Pano ka na, ma? B'yuda ka na agad? Pano na po sina kuya Win? Alam na po ba nila?"

"Anak, hindi ang dad mo ang namantay. Ang papa mo ang patay na!"

Napaisip ako uli.

"Ah... 'yung tunay ko'ng papa?"

Good Luck Charm (omegaverse)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें