Chapter 7

420 45 1
                                    


Nang gabi'ng 'yun, kinausap ako ni mama at ni dad.

"Sabi ni War, pinilit mo raw s'ya pumasok sa k'warto mo." sabi ni dad, "Naamoy ka raw n'ya kaya 'di s'ya nakapagpigil ng sarili."

"Ho?!" nagulat ako sa sinabi n'ya! "S-si War po ang pumasok sa k'warto ko! Sabi po n'ya tutulungan n'ya ko, kasi..." natigilan ako.

"Kasi ano?"

"Kasi... may estrus ako... kaya tinulungan n'ya ako'ng magbihis..."

"Ano? Nagpapasok ka ng alpha sa k'warto mo, eh alam mo'ng may estrus ka?!" galit na bulyaw ni dad. Napakagat ako sa labi, nagpigil ng luha.

"Josh, 'di ba sabi ko sa 'yo, 'wag kang maglalalapit sa mga kuya mo, lalo na pag in heat ka?!" sabi ni mama, "'Di ba't kabilin-bilinan din namin na 'wag kang papasok sa k'warto nila? Dapat 'di mo rin sila pinapapasok sa k'warto mo!"

"Josh, alam mo namang pareho'ng alpha ang mga kuya mo, parang lason sa kanila ang amoy mo, lalo na kapag in-heat ka!" sabi pa ni dad.

"Umiinom naman po lagi ako ng gamot, eh... kanina nga lang... painom pa lang ako, kasi kakakain ko lang..." tumingin ako kay mama para kampihan ako, pero galit din ang tingin n'ya sa 'kin.

"Kahit pa may gamot ka, dapat lagi ka pa rin nag-iingat! Kita mo nga, muntik nang may mangyari sa inyo!"

"At tingnan mo nangyari sa kuya War mo! Hanggang ngayon, bagsak dahil sa sinaksak mo sa kanyang suppressant! May exam pa naman sila bukas sa university!"

"S-sorry po, dad..."

"Sorry is not enough!" sigaw nito. Si mama naman ang hinarap n'ya, "This is why I told you to send him to a boarding school!"

Napatingin ako kay mama na hindi makaimik.

"Kausapin mo 'yang anak mo." sabi ni dad. "Ayoko'ng maulit pa 'to sa pamamahay ko!"

Niyakap ako ni mama paglabas ni dad ng k'warto ko.

"Ayos ka lang ba, anak? Hindi ka ba nasaktan?"

"Hindi po, mama... totoo po ba? Gusto ako ni dad ipadala sa boarding school?" nanginig ang boses ko. "Ayaw po ba n'ya sa 'kin?"

"Hindi anak, iniingatan ka lang ng daddy mo, kaya gusto ka n'yang ilayo sa mga kuya mo..."

"Eh, mommy, bakit ang apelyido ko, Safiro pa rin, parang sa papa ko. Bakit hindi ako naging Diaz, tulad mo?" tuluyan na ako'ng napaiyak. "Dahil ba ayaw ako ni dad maging anak?"

"H-hindi, anak, a-ako talaga nagpilit noon! Ano... swerte kasi pangalan mo... kaya hindi ko pinapalitan!" hinalikan n'ya 'ko sa ulo. "Saka... 'di ba mas maganda ang Safiro kesa Diaz? Mas unique! Eh, ang dami nang Diaz sa Pinas!"

Pinunasan ni mama ang luha ko.

"O, anak, tahan na, sige ka, baka makamukha mo ang daddy mo, laging lukot ang mukha!"

Natawa ako sa sinabi ni mama. Lagi nga nakasimangot ni dad, noon ko nga lang ata s'ya nakitang nakangiti, noong sinabi n'ya na nililigawan n'ya si mama.

"Sorry talaga, mama."

"Tahan na baby ko, 'wag ka'ng mag-alala, kakausapin ko ang daddy mo para 'di na magalit, basta, tandaan mo, ha? 'Wag ka na'ng lalapit sa mga kuya mo, lalo na kay War! Noon pa man, alam ko na'ng may pagka manyakis ang isang 'yun! Pati ang kuya Win mo, 'wag ka na rin muna maglalalapit, at busy 'yun sa pag-aaral, graduating pa naman 'yun."

"Opo, ma, hinding-hindi na po ako lalapit sa kanila."

Mula nga noon, hindi na 'ko lumapit kay War. Buti na rin at dumalas uli ang pag-uwi n'ya ng gabi, kaya bihira na rin kami magkita sa bahay. Ang madalas ko'ng maabutan, si kuya Win na graduating sa kurso n'ya'ng medicine. Lagi nga lang s'yang busy sa k'warto, nag-aral.

Good Luck Charm (omegaverse)Where stories live. Discover now