Chapter 1

1K 68 4
                                    

AUTHOR's NOTE:

Paalala, ito po ay kathang isip lamang, I can not stress enough that in the story's genre, the omegaverse theme, and the timeline in the future, ay tanggap na ang mga ganito'ng sitwasyon at relasyon.

Sa kathang isip na ito, an omega can get into relationships and even get married as soon as they start their estrus period.

This does not, in any way, promote pedophelia, grooming, or child abuse in the real world. (take note, 18 na po si Josh, they are both willing adults).

Personally, naniniwala ako na hindi tamang magkarelasyon ang mga estudyante during gradeschool and highschool. Importante ang pag-aaral, 'di hamak na mas tatagal ang kaalaman na matututunan ninyo kumpara sa karamihan ng mga relasyong sumasabay sa panaho'ng ito.

Tandaan, ito po ay kathang isip lamang, work of fiction sa mundo ng mga alpha at omega na hindi kayang pigilan ang 'tawag ng laman' tuwing tinatamaan sila ng rut dahil sa estrus.

Please be guided accordingly.

inyo'ng inyo,

- ako


Take note, this is the UNEDITED and UNCENSORED edition of Good Luck Charm.
Wag basahin kung di nyo ma-take ang maling grammar at explicit sex scenes.


===========================

Chapter 1

Sabi ni mama, pinanganak daw ako'ng swerte, kasi, ipinanganak ako sa year of the Dragon. Full moon pa raw nang gabing 'yun, at may dalang white flower in full bloom ang papa ko nang pinuntahan n'ya kami sa ospital.

Pero matapos manganak ni mama, hindi na raw sila nagkita ni papa, kasi nalaman n'ya na kasal na pala si papa sa iba. Umuwi kami ng probinsiya noon nang hindi nagpaalam sa kanya.

"Napaka-swerte talaga ng baby ko, kung hindi ka pinanganak ng gabing 'yon, hindi 'ko mabibisto na may asawa pala papa mo! Kung sakali, hanggang ngayon, pareho pa rin n'ya kami'ng niloloko ng misis n'ya!" kuwento sa 'kin ni mama nang 5 years old na 'ko.

"Bakit po may ibang asawa si papa?" tanong ko.

"Kasi wala daw sila'ng anak ng asawa n'ya, kaya nga napaka-swerte ko talaga nang ipinanganak kita."

Sa lahat nga ng bagay, lagi kaming swerte.

Nanghiram si mama ng kaunting puhunan sa lolo ko sa probinsya at naglako kami ng mga panahi tuwing hapon. Lagi n'ya ko'ng kasama, matapos ang klase ko sa umaga. Ako ang living mannequin n'ya, ako rin ang tagaalok at ang taga-sigaw n'ya ng paninda. Tuwang-tuwa ang mga suki namin dahil ang cute-cute ko raw, mestizo'ng-mestizo, blue pa ang mga mata, mana kay papa. Mapa damit panglalaki o pambabae man, lahat bumabagay sa 'kin!

Nang makaipon kami nang konti, naki-hati naman si mama ng puweto sa kumari n'ya sa palengke, at nang malaki-laki na ang kita namin, bumili naman siya ng dawala pang high-speed na makina at umupa ng mananahi.

"Kita mo, anak, napaka swerte mo talaga!" lagi n'ya'ng sinasabi sa 'kin, "Di magtatagal, magkaka-fashion line na tayo, at magkakaroon tayo ng mga branches sa buong mundo!" niyakap n'ya 'ko ng mahigpit at pinaghahalikan, "Ikaw talaga ang good luck charm ko!"

Talagang mahal na mahal ako ni mama, at mahal na mahal ko rin siya. Sa lahat ng bagay, magkasangga kami, sa lahat ng problema, magkasama.

'Di nagtagal, dumami mga makina namin at mananahi, nakapag-ipon kami ng sapat at nakabalik sa Manila. Nakakuha si mama ng pwesto sa mall at nagbukas kami ng 'Pilapil Clothes Line' for young men and women na agad sumikat dahil sa ganda ng mga designs n'ya.

Good Luck Charm (omegaverse)Kde žijí příběhy. Začni objevovat