CHAPTER 46: Palavern

Start from the beginning
                                    

"Old but gold." Yumi exclaimed.

"Anong gold sayo? Gaga! Wala nang gold sayo! Nakuha na ni Jacob, kaya wag kang assuming!" Natawa nalang ako sa tinutukoy ni Alex.

"Ay oo no! Tama ka diyan. Mga libro ko nalang ang gold sa buhay ko at syempre si Jacob."

"Ay true. Akin si Caleb mylove so sweet!"

"Edi sana all may jowa!" Sigaw ko.

"Magjowa ka na kasi!" sabay na sabi nila sakin.

"Alex!" May tumawag kay Alex.

Kala mo Alex ang pangalan namin ni Yumi dahil pati kami napalingon.

"Matt?" Sabi ni Alex.

Matt? Narinig ko na yon ah. Saan kasi yun?

"Ay! Pak na pak! Sakto ka ng dating Matt! Come here bebe! Chloe needs bebe!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alex.

Napatingin ako doon sa Matt. He's handsome. He had these pointed nose, stubborn jawline, thick eyebrows that all woman wishing they have too. He had these mascular body, maybe his sex appeal among women.

Halatang habulin ng babae. Hmm.. manloloko to!

"Hello, Alex!" Sabi niya ng makalapit samin. Nagulat ako ng mapatingin siya sakin. "Uhm. Can i borrow this lady beside you? One minute lang." Sabi niya at tinuro ako.

Magtatanong sana ako kung bakit ako. Bakit? Kaso nagsalita si Alex.

"Oo naman! Free na free yan! Kahit 'wag mo na ibalik! Jowain mo na din! Wag kang mahiya!" hinampas ko si Alex sa sinabi niya.

"Mahiya ka nga, Alex!" Humarap ako doon sa Matt. "What is it?"

"Uhm. Privacy?" Nakuha ko naman ang sinabi niya, naglakad ako at sinenyasan siyang sumunod. Pumunta kami sa isang cafe. Siguro itetext ko nalang sila Alex kung nasaan ako.

"So?" sabi ko at nagaabang ng sasabihin niya ng matapos kaming magorder.

"Uhm. I just wanna say sorry." Sabi niya at hindi makatingin. Napansin ko ding may parang pasa siya sa may bandang labi niya.

"Why?" Bakit siya nagsosorry?

"Because i nearly kiss you that night. I can't control myself last night. That liquor, kasalanan ng alak na iyon. Tinamaan talaga ako."

Kaya pala...

"Okay lang iyon. Apology accepted."

"Oh god! Akala ko galit ka."

"Why would i? Wala namang nangyari kaya okay lang." Sabi ko at nginitian siya.

"Thank you" nginitian ko lang siya ulit at hindi na nagsalita hanggang sa dumating any inorder namin.

Naalala ko nung nasa bar kami sinabi ni Alex na Doctor din siya.

"Doctor ka din di ba?"tanong niya sakin.

"Yeah."

"So.. where hospital do you work?"

"Nah, newly grad."

"Oh, Really? So wala ka pa talagang trabaho?" Tumango ako habang umiinom ng kape. "You can work to my hospital." Napataas ang kilay ko.

"Hospital? Meron ka? Ikaw ang may-ari?" taka na may halong mangha na tanong ko sakanya.

Kinamot niya ang batok niya na parang nahihiya.

"Yeah."

"Really?"

"Yes. So, want to work with me? No interviews, i can see that you're good even you don't have experience. Based on the conversation we shared last night."

"Naalala mo yun? Ako hindi e. Sorry."

"Paano ko makakalimutan ang isang magandang dilag na katulad mo?"

"Wow. Ang lalim nun ah. Bolero!" Natatawang sabi ko. Tumawa lang siya.

"So, what's your decision?"

"I will think about it." Sabi ko. May kinuha siya sa pitaka niya at binigay sa akin. Nang tignan ko ay calling card.

"Call me if you already have your decision and take this as my apology gift."

"Hindi naman kailngan gawin to!" Natatawang sabi ko.

Nagusap pa kami. Masaya siya kasama hanggang sa niyaya ko na siyang umuwi. Itetext ko sana si Alex kaso nakatanggap ako ng text niya na nakauwi na sila.

Walangya yun. Iniwan ako!

Matt insisted that he'll drive me home kaya pumayag na ako. Libre din yun no! As I've said, i love freebies!

Nang makalabas kami ng cafe ay may nahagilap ang mata ko.

Theodore?

Kasama niya yung haliparot na babae. Napatingin din siya sa direksyon namin kaya nagtama ang mata namin. Nagaalab ang mata niya habang nakatingin samin ni Matt.

"Hey, ang dami na nating napagusapan pero hindi pa tayo magkaibigan."

"Hindi pa ba tayo magkaibigan?" takang tanong ko.

"Wala ka namang sinasabi e." Sabi niya na parang bata.

"Oo na. Friends." Sabi ko at tinapik ang balikat niya. Hinawakan ko siya sa braso ang bagal niya kasing maglakad.

Habang hawak ko siya ay may nabunggo siya.

"Oh, sorry bro" sabi ni Matt.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Napatingin ako sa nagsalita. Ang yabang niya naman. Siya na nga ang nakabunggo!

Theodore.

Oo siya. Masama ang tingin niya kay Matt at nung nilagpasan niya ay parang sinadya pa nito na banggain ang balikat ni Matt.

"What the fuck is the problem of that man?" Gigil na sabi ni Matt.

Hinila ko na siya para iwas gulo.

Anong problema nun? Napaka-yabang.

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now