☢️ CHAPTER 8☢️

Start from the beginning
                                    

The next time Twilight opened her eyes, she blinked for several times for her eyes to adjust to the dim surrounding. Napagtanto niyang nakahiga siya sa malamig na sahig at kasalukuyang nasa isang kwarto na walang ilaw at tanging ang kaunting liwanang na nagmumula sa labas papasok sa maliliit na espasyo ng exhaust fan ang nakatulong para matukoy niya ang paligid niya.

No furnitures, no bed, no other things. Just an empty dark room.

Dahan-dahang bumangon sa pagkahiga si Twilight at napa-aray siya nang makaramdam ng kirot sa sentido niya.

"Okay ka lang?"

Nagulat si Twilight sa biglaang boses na nagsalita. Tumingin siya sa paligid niya at sa isang sulok na hindi niya napansin kanina, nandoon ang lalaking estudyante at naka-upo lang. The same high school student she saw a while back. Lumapit ito kay Twilight at tinanong ulit kung okay lang siya.

Tumango si Twilight bilang sagot. "Nasaan po ba tayo, kuya? At anong oras na po ba?" She's suddenly hungry and wants to go home.

Napabuntong-hinga na lang lalaki. "Wala akong ideya kung saan tayo dinala. Pero tingin ko malapit nang maghatinggabi. Ilang oras na din ang lumipas eh."

Tumahimik si Twilight at pinakalma ang sarili kahit sobrang takot na ang bumabalot sa buong pagkatao niya.

"I'm sorry and thank you." Biglang saad ng lalaki sa mahinang boses.

"Ha?" Takang tanong ni Twilight. Hindi niya makita ng husto ang mukha ng lalaki dahil sa dilim pero bakas sa boses nito ang sinseridad sa apology nito at sa pasasalamat niya.

"Dahil sa akin nadamay ka pa. Sana hinayaan mo na lang kami. Ibabalik din lang naman nila ako. Pero thank you. Kundi dahil sayo, baka natamaan na ako ng bakal na tubo."

Kumunot ang noo ni Twilight." Paano niyo po nasabi na ibabalik ka nila? At bakit tila hindi ka takot?"

Gumalaw ang binatilyo at sumandal sa pader na nasa likod nila. Kinapa ni Twilight ang espasyo sa tabi nito bago niya ginaya ang lalaki at sumandal din sa pader hanggang sa magkatabi silang umupo at nakatingin lang sa dilim.

"Habang wala ka pang malay, nauna akong nagising," panimulang kwento ng estudyante. "at narinig kong nag-uusap ang mga kidnappers natin. Nagtatalo sila kung magkano ang hihingin nilang ransom."

Napaawang ang bibig ni Twilight sa narinig niya. Hindi siya makapaniwalang kidnap for ransom pala ito. She knows what a kidnap for ransom is. At nadamay siya dahil sa ginawa niyang pagligtas sa target ng mga kidnappers.

"Huwag kang mag-alala. Pagdating ng hinihingi nilang pera, makakalabas na tayo. Pakakawalan nila tayo."panigurado ng lalaki kay Twilight.

Napakagat ng labi si Twilight habang tahimik na lumandas ang mga luha sa pisngi niya. She's thankful for the darkness para kahit papaano hindi siya makikitang umiiyak. Takot na takot siya pero anong magagawa niya? She was just a mere twelve-year old girl na nasangkot sa isang kidnapping.

"By the way, you can call me K." biglang pagpapakilala ng estudyante. Hindi sanay si K na makipag-usap at magpakilala sa isang estranghero pero sa sandaling iyon, naramdaman niyang gusto niyang pawiin ang takot ni Twilight kaya isang letra ang sinabi niyang pangalan niya.
"Ilang taon ka na pala?" He's trying to start up a conversation.

Pasimpleng nagpunas ng luha si Twilight at sinagot ang tanong ni K. "Twelve po kuya."

She knew she just have to stay strong hanggang sa palabasin sila. Wala na siyang magawa kundi magtiwala kay K na papalabasin sila kapag nakuha na nila ang pera. Somehow, K's presence beside her is calming her down.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now