Chapter Eleven

571 15 1
                                    

Kathreen POV.

Pauwi kami ngayon ni Zyrus sa bahay na tinutuluyan namin noon...
Pareho kaming walang imik..di ko alam kong ano ang sasabihin ko ngayon na nalaman na niya ang totoo..

Nakonsensya ako sa ginawa namin..maraming "pano" sa isip ko ...
Pano kong magalit siya sa akin,pano kong ipagtabuyan niya ako,pano kong iiwa-....

"Babe kakain muna tayo bago tayo babalik sa bahay....natigilan ako sa pag isip isip ng may biglang nagsalita..tumango na lang ako bilang sagot..

"huwag kang mag aalala everything will be okay "..nawala ang kaba ko sa sinabi niyang iyon..yun bang pakiramdam na nabunutan ng tinik..hayyss..

Hindi ko lubos maisip kong bakit namin nagawang lokohin ang lalaking to..

Inaamin ko hindi ko talaga gusto ang ugali niya noon..nong time na sobrang sungit niya,hindi ako iniimikan..basta yong time na hindi ko pa siya lubos na kilala..

Pero nang nakilala ko na siya..hindi pala siya ganoon...sa akin lang niya pinapakita ang ugaling yun dahil ayaw niyang makasal kay Kathleen na naging ako...

Doon ko nakita ang magandang ugali niya...kaya unti unti na akong nahulog sa kanya...kahit labag sa contract namin ng kakambal ko...

"Nandito na tayo baba ka na..una ka na sa loob" saad niya ng makarating na kami sa isang restaurant...

Bumaba na ako tsaka nagsimulang maglakad papasok...Pagpasok ko umupo agad ako sa bakanteng table...

"Ma'am here's the Menu " sabi ng waiter sabay abot ng menu..

"Ahmmm..may hinihintay pa kasi ako ehh..mamaya na siguro ako oorder.." sambit ko nalang...

Mayamaya pa ay dumating na si Zyrus...umupo siya sa kabilang side ng table tsaka nagsimulang tignan ang menu  ganoon din ako...

Pagdating ng order namin nagsimula na kaming kumain.. habang kumakain kami biglang nagsalita si Zyrus....

"Can you tell me the whole story Kathreen?" Malamig na sabi niya at tinignan ako sa mata...

Di na ako nagtataka kong bakit niya alam ang pangalan ko...sure akong pina embestigahan na niya ako/kami ng kakambal ko...

"Okay" mahinang sabi ko...sobrang kinakabahan ako...natatakot ako sa mga mata niya...

Yumuko nalang ako at nagsimulang mag salita...habang nagsasalita ako kitangkita ko sa kanyang mga mata ang halohalong emosyon na di ko maintindihan kong ano....

Di ko mapigilan ang aking mga luha..kusa lng itong umaagos sa aking mga mata habang nagsasalita ako...
Sobrang na-guilty ako sa aming ginawa...

"Sobrang gipit na kasi kami nang lola ko tsaka wala akong perang magagamit pang paopera niya kaya tinanggap ko ang alok ng kakambal ko...pag hindi ko naman tinanggap sigurado akong patay na ang lola ko ngayon..." dagdag kong sambit...

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo Kathreen...kung akala mo ay galit ako sayo dahil sa panloloko niyo sa akin at sa pamilya ko...hindi mangyayari yun dahil minahal na kita at ayokong mawala ka sa akin....hindi ako galit sayo..galit ako kay Kathleen...di ko lubos maisip kong bakit niya nagawang gawain yun sa inyo ng lola mo lalong lalo na sayo" natuwa ako sa sinabi niyang yun...

Nawala ang lahat ng pag aalala ko na baka iiwan niya ako...

"Thank You Zyrus,sobrang bait mo...Mahal na rin kita.." nahihiyang sabi ko...

Tumayo siya tsaka ako yinakap..yinakap ko rin siya pabalik..nagtungo na kami sa sasakyan niya tsaka siya nagsimulang magmaneho...

Pagdating namin sa bahay ay nakita ko ang sasakyan ni daddy sa labas...pati rin ang sasakyan ng parents ni Zyrus...

Huminto kami sa tapat ng gate...bumaba na si Zyrus tsaka ako pinagbuksan...Nag dalawang isip akong bumaba kasi natakot ako baka anong gawin nila sa akin pag pasok ko sa loob...

"Don't worry I'm here I'll protect you" saad ni Zyrus tsaka ako hinawakan sa kamay at inalalayan pababa ng kotse niya...

Yinakap niya muna ako bago kami pumasok sa gate ng bahay...

"Oww..look who's here...at may gana ka pa talagang magpakita sa amin huh.. mataray na bungad sa amin ni Kathleen...

"Kathleen stop it!" Pasigaw na sabi ni Zyrus..

"Kinakampihan mo pa talaga iyang KABIT mo" sigaw niya sabay turo sa akin...

"I said stop it..dahil first of all hindi ko siya kabit dahil siya ang BRIDE KO ng ikasal ako...secondly sa papel lang kita asawa dahil hindi ikaw ang dumating sa simbahn at lalong lalong hindi ikaw ang MAHAL KO..  and  lastly wala kang karapatan na sigawan ako dahil nandito ka sa teritoryo ko.." sigaw din ni Zyrus tsaka niya ako hinila papasok..

Narinig ko namang may umandar na sasakyan..paniguradong kay Kathleen yun...

"Anong ginagawa ng impostorang yan dito Zyrus?" Sigaw ng daddy niya ng makapasok na kami...yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan...

Naka upo silang lahat sa sofa..ang parents ni Zyrus tsaka si Daddy...halatang galit ang mga mukha nila lalong lalo na si daddy ...

"Dad huwag mo siyang duruin dahil wala siyang kasalanan dito..kung tutuusin si Kathleen ang may kasalanan sa lahat ng to dahil siya ang may pakana sa mga nangyayari" malamig na sabi ni Zyrus sa kanyang ama...

"Sege kampihan mo yan pero wala kang magagawa Zyrus..hindi siya ang tunay mong asawa dahil hindi siya si Kathleen...tandaan mo hindi mo kami kayang kalabanin Zyrus...alam mo kong ano ang pwede kong gawin sa inyo.." sigaw na namn ng kanyang ama tsaka nagsimulang lumabas ng bahay sumunod naman ang ina niya...

"I understand you son...halika muna sa labas mag usap tayo" mahinang bulong ng mama niya...

Tumango naman si Zyrus...sinenyasan ko siya na sumdan niya ang mama niya...

Paglabas ni Zyrus..agad akong linapitan ni dad tsaka ako sinampal ng malakas...napahawak ako sa aking pisngi dahil sa sobrang sakit...

"Bakit ka nandito?pinlano mo ba lahat ng to?gusto mo bang sirain ang buhay ng kapatid mo?walangya ka...at may gana ka pa talagang magpakita dito ano...kapal ng mukha mo..." sigaw niya sa akin..napahagulhol nalang ako...

"Hindi ko gustong manira ng buhay dad..lalong lalo na sa kapatid ko...siya ang nag offer sa akin na ako muna ang ikasal para sa kanya ..." lalo akong umiyak...

Masakit na nga ang pisngi kong sinampal niya dinagdagan pa niya sa mga pananalita niya..kong ituring niya ako parang di niya ako anak...



Hi readers❣..sorry po na sobrang bagal ko pong mag updates...sobrang bussy kasi...

Shout out po kay:laniesoncantinero

Thanks po sa comment...sana follow niyo rin ako at comment lng kayo kahit neg..okay lang..

Thanks ulit..lab u all..❣❣😊😘

My Fake Wife [Completed]Where stories live. Discover now