Chapter Twelve

579 13 2
                                    

Kathreen POV.

"Kung hindi mo gustong manira ng pamilya bakit ka nandito?ahhh..alam ko na ..siguro sinabihan ka ng lola mo na pupunta dito para manghuthut ng pera ano...diba ganyan namn ang pamilya mo ngayon? .nangilabot ako sa sinabi niyang yun...

"Hindi ako pinapunta ng lola ko dito..hindi niya alam na nandito ako kaya pwede ba kung galit ka sa akin ako ang saktan mo huwag mong idamay ang lola ko" nawalan na ako ng respeto sa kanya...

Mas gugustuhin ko pang saktan niya ako ng paulit ulit basta huwag lang niyang idamay ang mga taong nagpalaki sa akin...

"Pwes kong ganoon,magkano ba ang gusto mong pera? ibibigay ko sayo..layuan mo lang ang asawa ng kapatid mo.."  ang tingin talaga niya sa amin mukhang pera...akala niya lahat mabibili ng pera...

"Pasensya na po pero hindi ko magagawa ang sinasabi mo" padabog ko siyang iniwan at umakyat na sa taas para pumasok sa kwarto namin....

"Alam mo na kung ano ang kaya kong gawin Kathreen.." rinig ko pang sigaw niya sa baba...

Humiga nalang ako sa malambot na kama at nagsimula na namang tumulo ang aking mga luha...

Zyrus POV.

Pagkatapos akong tawagin ni mama...sumunod ako sa kanya sa garden...umuwi na si daddy kaya magpapakuha nalang daw siya sa driver namin...

Naka upo kami ngayon sa garden...
Nakatingin lang ako sa langit...

"Anak...naiintindihan ko ang sitwasyon mo ngayon..minsan ko narin yang naranasan noon..." panimula ni mama..

"Iba lng yung sa akin dahil hindi ako kinasal pero ikaw kasal ka na..
sana intindihin mo nalang ang daddy mo..."  sabi niya sa akin...

"Pano ko siya intindihin mom kung ako hindi niya maintindihan?ang gusto niya lang ang gusto niyang masunod..pano naman ang kagustuhan ko?malaki na ako mom ..kaya ko na ang sarili ko..."..saad ko sa kanya...

Palagi nalang si mommy ang nakakaintindihan ko..siya lang ang kakampi ko..si daddy puro negosyo lang ang alam...walang pake kung may masasaktan man siya...

"Okay son...I'll try my best para matulungan kita" masayang sabi ni mommy sabay yakap sa akin...

"Thank you mom..I love you.." sabi ko tsaka ko siya yinakap pabalik...

Humiwalay na ako sa pagyakap sa kanya ng dumating na ang driver namin para sunduin siya...

Hinatid ko siya sa labas at inalalayan papasok sa backseat...

"Bye son" sigaw ni mommy tsaka kumaway...

Nang papasok na sana ako ay nakasalubong ko si Mr. Harris...halatang galit ang mukha...
Nagmadali itong lumabas ng gate tsaka pinahrurot ang sasakyan...

Agad akong pumasok sa loob para hanapin si Kathreen pero hindi ko siya makita sa living room pati sa kusina kaya umakyat ako sa kwarto namin...

Pagpasok ko nakita ko siyang nakahiga sa kama..mahimbing na natutulog...lumapit ako sa kanya kaya kitang kita ko ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata..nagsimula nang mamaga ang kanyang mga mata...

Umupo ako sa tabi niya at pinag masdan siyang natutulog...

Ngayong nalaman ko na ang totoong pangyayari nawala na lahat ng katanungan sa aking isipan noon...nalaman ko rin na walang alam ang mga pamilya namin sa nangyari...

Lahat ng ito ay pakana ni Kathleen dahil kung di siya nag suggest kay Kathreen hindi mangyayari ang lahat ng to ngayon...

Sisiguraduhin kong hindi nila kami mapaghihiwalay hindi ako papayag lalo na ngayong alam ko na mahal din ako ni Kathreen...

Alam kong wala akong kaya kapag kinalaban ko si daddy pero wala akong magagawa kong gusto niya kaming paghiwalayin..mapipilitan akong kalabanin siya...

Habang pinagmasdan ko si Kathreen..di ko maiwasang isipin ang mga bagay bagay noong bagong kasal palang kami...

Para kaming aso at pusa...sobra kong magbangayan...maliit na bagay pinapalaki..basta ang hirap e explain..

Nagbihis nalng ako ng pantulog pagkatapos tumabi na sa pagkakahiga  sa kama namin...mabilis din namn akong di alaw ng antok kaya nakatulog din ako kaagad...

Kathleen POV.

"Dad mag devorce nalang kaya kami ni Zuyr-" naputol ako sa pagsasalita ng biglang nagsalita si dad..

"Hindi pwede!alam mo namang may kasunduan kami ni Mr.Smith...pwede ba sumunod ka nalang..gusto mo rin si Zyrus hindi ba?" Paliwanag ni daddy na halatang galit na sa akin...

"Oo may gusto ako sa kanya noon hindi na ngayon..may mahal na akong iba...huwag mo naman akong ipilit sa taong ayaw ko dad." Pagmamakaawa ko sa kanya pero mukhang wala lng eto sa kanya...

Kung akala niyo sobrang kontrabida na ako dito pwes hindi...may konsensya din ako na dumadalaw sa akin ngayon...kaya lang mukhang wala akong laban sa daddy ko...

"No!try to annul. your wedding...itatakwil kita bilang anak ko." pagbabanta ni daddy sa akin...

Padabog akong pumasok sa kwarto ko tsaka humiga sa kama ko...
Basta si daddy ang magsalita hindi ka na makatanggi pa...

Hi readers...muahh😘...sorry for the typos.😐...
Need friend..just like and follow me😊

Fb:Dimple Angela Cadavos
IG:lhung_lhung04
Tiktok:@dimple0250..

Thank you po..😘😍🤗




My Fake Wife [Completed]Where stories live. Discover now