Chapter 18

52 10 0
                                    

Chapter 18
Azryle Braite POV.

Nawala sa isip ko ang masamang nangyari sakin kahapon dahil napalitan iyon ng saya dahil sa mommy ni Trevor.

Nakakatawa dahil na-aalala pa ako ni Tita Phine kahit huling kita namin ay nung inilibing si Dad.

Nakakapagtaka lang kasi umuwi sya ng hindi kasama si Bully yung anak nya na palagi akong inaaway. Nakakamiss din ang isang yon kahit palagi akong pinapa - iyak ay hindi naman nya hinahayaan ang iba na i - bully ako ang sabi nya kasi 'ako lang ang may karapan na asarin si payatot' iyan palagi ang line nya tuwing may nang - aaway sa'kin.

Madami pang kinwento sakin si Tita Phine tungkol kay bully katulad nung palagi daw itong umiiyak dahil daw wala syang maasar don sa US. As in iyon talaga ang dahilan nya kaya tawa ng tawa si Tita habang kinukwento sakin ako naman ay nakasimangot. Si Trevor naman ay tahimik lang na nakikinig sa'min hindi na rin naman ako nagtaka na tahimik ang isang yon, alam ko naman na hobby nya ang pagiging tahimik.

Quarter to ten ng ihatid nya ako sa amin ni Trevor nagpasalamat naman ako d'to sa pagtulong sakin at nakatanggap naman ako ng isang tango at umalis na sya.

Feeling ko talaga may saltik si Trevor. Minsan iniisip ko na tatlo lang ang gawain ni Trevor.

Kain, tahimik, tulala.

"Miss nand'to na tayo sa University." napatingin naman tuloy ako kay manong driver ng magsalita ito.

Mukang kanina pa kami nakarating d'to. Tulala lang ako kaya hindi ko napansin.

Humingi naman ako ng pasensya d'to at ibinigay na ang bayad ko. As usual maaga na naman ako pumasok halata naman iyon dahil sa konti palang ang estudyante na nakikita ko.

Naisip ko tuloy na daan muna si Ace sa gymnasium para kamustahin.

Alam ko na parang baliktad, hindi naman sya dapat kamustahin kung hindi ako.

Pero may dahilan naman sya kaya hindi nya ako sinipot kahapon kaya okay lang, emergency naman yon.

Sobra na ata akong mabait dahil hindi ako nagalit sa ginawa nya kahit na muntik ko na ikapahamak ang pag - iintay sa kanya hanggang sa mag gabi.

Pagkadating ko sa gym ay hindi ko nakita si Ace kahit yung ibang ka team mates nya sakto naman na may janitor akong nakita na naglilinis kaya agad ko itong nilapitan.

"Kuya?" tawag ko d'to kaya napahinto ito sa sya pagma - mop sa sahig bago humarap sa akin.

"Bakit po? May kailangan po ba kayo?" takang tanong sakin ni kuya janitor.

"Ah eh, tatanong ko lang kung nasaan ang mga nagpra - practice ng basketball d'to?"

"May sarili pong locker ang mga player baka po nandon sila ngayon at nagbibihis." nagpasalamat naman ako dito bago umalis at pumunta sa locker na tinuro ni kuya janitor.

Pagkatapat ko sa pintuan ay kakatok na sana ako ng marinig ko nila.

"Ace, naks yung chicks kahapon no?" sa boses nito ay parang si Renz ang nagsasalita isa sa mga tropa ni Ace na babaero.

Anong ibig sabihin nya?

Kusa kong naibaba ang kamay ko at pinili na makinig nalang.
Tumalikod muna ako at sumandal sa pader malapit sa pinto.

"Ang ganda ng hugis ng katawan bro, nakaka turn - on buti nalang talaga at nagpunta tayo sa bar na yon dami kasing babaeng pwedeng iuwi." rinig ko naman na sabi ng isa pero hindi ko alam kung sino yon.

No More I Love YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt