Chapter 1

157 38 1
                                    

Hello, this chapter is dedicated to franzie_black
And unknownpen_mate
Muahhh!!!

Chapter 1
Azryle Braite POV.

"Sya nanaman ang top."

"Grabe talaga talino ni Azryle ."

"Ano pa ba sa tingin mo alam naman ng lahat na matalino sya simula palang ng mag transfer sya d'to ay sya na ang nangunguna."

"Kahit anong talino pa nya, ay hindi maikakaila na panget sya no, she's just ugly nerd with a brain."

Rinig ko ang bawat papuri ng mga nakapaligid sakin ngayon. Dumating na kasi ang result ng final exam at dito malalaman kung sino ang pasado at hindi.

At expected na ako pa din ang nangunguna sa lahat ng estudyante dto marami ang natutuwa sa aking talino ko pero marami ang nandidiri sa pagkatao ko.

Dto sa paaralan na ito mas marami ang mapang husga at dahil nga sa physical appearance ko na ang tingin ng lahat sakin ay panget minsan narin akong nakarinig ng mga masasakit na salita na galing sa iba.

Sanay na rin naman ako palagi naman ganon ang nangyayari. Maayos naman ako magsuot ng uniform pero hindi sa mukha ko wala akong balak mag-ayos ng sarili tuwing papasok ako naka messy bund ang buhok ko may salamin din ako na palagi kong suot dahil sa medyo malabo ang paningin ko at ang palda ko naman ay mahaba lagpas hanggang tuhod ko. Natatawag na nga akong manang dahil sa ayos ko at sa totoo lang ay talagang maiksi ang palda sa university nato sa tingin ko nga isang dangkal lang ang sukat ng palda dto yung parang palda sa Japan. Hindi ako sanay sa palda na ganon kaya nagpagawa ako ng sarili kaya ako lang ang naiiba sa lahat ng nandto sa university.

Dumiretsyo na agad ako sa Cafeteria para makabili na ng makakain habang hindi pa mahaba ang pila.

Wala akong naging kaibigan dto sa university simula ng mag transfer ako nung grade 7. Ilag sakin ang lahat hanggang ngayon na Grade 10 na ko at graduating na.

Umorder na agad ako ng dalawang slices ng pizza at strawberry yogurt. Naghanap agad ako ng bakanteng upuan pagkatapos ko kunin ang order ko,.

Pinili kong pumwesto sa pinaka gilid ng cafeteria kung saan walang masyadong estudyante at tahimik na kumain.

Napahinto ako sa pagkain ko o mas tamang sabihin na lahat ng nasa cafeteria ay napahinto sa pagkain dahil sa pagpasok ng mga varsity player ng paaralan na ito mukang kakagaling lang nila sa training dahil mga pawisan pa ang mga ito pero mas natuon ang pansin ko sa lalaking nangunguna sa paglalakad habang hawak ang isang bola masaya syang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya.

No More I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon