Chapter 15

53 13 0
                                    

Chapter 15
Azryle Braite POV.

"A-ahh, a-aray dahan-dahan naman masakit kaya." nakangiwi na sabi sakin ni Ace.

Nand'to kami ngayon sa kotse nya. Hinatak kasi nya ko bigla nung umalis na si Trevor kanina sa harap namin.

"Tiisin mo. Bakit ba nagkaron ka ng pasa sa gilid ng labi mo?" tanong ko.

"Natamaan ng bola." simpleng sagot nya kaya napanakunot naman ako.

Sa galing nya maglaro ng basketball ay malabong mangyari yong natamaan sya ng bola.

Palusot nya laus na.

Hindi ko pinahalata na nagdududa ako sa sagot nya sakin. Marahil ayaw lang talaga nya sabihin kahit girlfriend nya ko may privacy pa rin naman sya hindi naman lahat ng tungkol sa kanya ay dapat alam ko.

"Tatanga-tanga pala yung bola no." paborito ko na sabi.

Bigla naman sya natawa pero napangiwi ulit dahil sa sugat nya sa gilid ng labi. "Shit!" daing nya.

"Tapos na. Mabilis na gagaling yan. Kamusta pala yung practice nyo?"

"Ayos naman katulad pa rin ng dati. Babe pwede ba layuan mo si Trevor?"

"Pero kaibigan ko sy--"

"Babe!" iritang sabi nya kaya napahinto ako.

Bakit parang napapadalas ang pagiging mainitin ng ulo nya?

"Ano ba talaga problema nyo sa isat-isa? Mag kaibigan kayo ni Trevor. Hindi dapat kayo nag-aaway."

"Look Babe, I know Trevor is my friend pero malapit na tayo mag third monthsary baka dahil sa kanya ay baka masira ang relasyon natin." May pag-aalala sa boses ni Ace.

Pero bakit naman sya mag-aalala? Hindi naman magagawa ni Trevor na sirain ang relasyon namin.

T'saka kaibigan nya si Trevor pero pinag-iisipan nya ng masama.

Talagang may mali sa nangyayari. Sa reactions ni Ace parang takot na takot sya.

"Niloloko mo ba ako?" biglang tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko natanong yon. Bigla nalang kumawala sa labi ko ang tanong na yon.

Tinititigan ko si Ace kung ano ang reaction nya sa sinabi ko pero seryoso lang sya. Parang may malalim na iniisip.

Sana hindi mo nga ako niloloko Ace.

"May sinabi ba sayo si Trevor?" tanong nya sakin pero walang emosyon ang mukha nya.

"Bakit may kailangan ba sya na sabihin sakin?" Balik na tanong ko.

Mga ilang segundo bago sya magsalita.

"Wala." One word lang ang sinabi nya, wala pero halata na parang meron.

Ano ba ang dapat ko malaman? Ayoko sa lahat ang niloloko ako.

"Niloloko mo ba ako?" ulit ko sa tanong ko kanina na hindi nya sinagot.

Tinapatan nya ang tingin sa mga mata ko, ang blue nya mata nya nakakalunod tignan.

Naiwas ako ng tingin dahil parang maluluha ako habang tinignan ko sya. Parang bumalik ulit lahat ng mga sinabi nya sa panaginip ko.

Kung kanina nawala iyon dahil sa tulong ni Trevor ngayon naman ay bumalik dahil sa nakikita ko sya.

Hindi pa man ako sigurado sa hinala ko ay nasasaktan na ko.

Secret ang relasyon namin ni Ace walang ibang nakakaalam bukod kay Trevor. Mag-isa ako magdudusa kung totoo nga.

"Hindi." napabalik ang tingin ko sa kanya. "Hindi kita niloloko lahat ng pinapakita ko sayo ay totoo, walang halong pangloloko." napatulo naman ang luha ko dahil sa sinabi nya.

Napaka emotional ko talaga kahit kailan.

Nag panic naman si Ace dahil sa nakita nya na umiiyak ako kaya bigla nalang nya ko niyakap.

"Shhh, don't cry Babe. I hate seeing you crying. Kung may nasabi man ako na nakakapag pag-iyak sayo ay sorry, sorry babe."

Bakit ba kasi ganyan ka sakin kung mag-alala Ace? Lalo akong napapamahal sayo.

Ako ang gumagawa ng ikakasakit ng damdamin ko.

Aaminin mo medyo nawala ang tiwala ko sa kanya. Pero masisisi nyo ba ako? Kung minsan kasi nahahalata ko na niloloko nya ko.

Pero dahil sa sinabi nya ngayon ay maaring mali ang iniisip ko tungkol sa kanya. Hindi naman ako dapat masaktan e, wala naman sya ginawa na ikakasakit ng damdamin ko.

Maayos naman ang relationship namin pero dahil sa naguluhan ako ngayon ay pwede na ito masira. Pano kung iwan nya ko kagaya ng nasa bangungot ko.

Kakayanin ko ba ?

Marahil ay hindi dahil masyado na kong nasanay sa presensya nya.

Sinanay ko ang sarili ko na palaging syang kasama.

Mga ilang minuto din kami na magkayakap tumigil na rin ako sa pag-iyak.

Ang maririnig nalang ay ang mabibigat na paghinga naming dalawa. "Hindi mo naman ako iiwan d'ba babe?" tanong ko.

Hindi ako nakakuha ng sagot sa kanya kaya napahiwalay ako sa pag yakap sa kanya. Tinignan ko naman sya na tahimik na nakayuko.

"Hindi kita iiwan Azryle Braite, pangako ko yan." Isang ngiti ang kumawala sa labi ko.

Iniangat nya ang paningin nya sakin kaya kitang kita ko ang sinseryo sa mga mata nya.

Bahagya pa nakalaglag ang bangs nya na malapit ng maitago ang mga mata nya.

Hinawi ko ito para mas makita ko ang buong mukha nya.

Kahit may pasa sya, gwapo pa din tignan.

Mas lalo syang nakaka attract.

Hinawakan naman nya ang magkabila kong pisngi at tinitigan maigi ang mukha ko parang kinakabisado nya ito sa klase ng tingin nya sakin.

"Maganda ka pala Babe, ngayon ko lang napansin. Sana matagal ko ng ginawa ang titigan ang mukha mo para makita kung gaano ka kaganda." hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha dahil sa sinabi nya.

Bahagya naman sya na napangiti. "Even when your blushing, you really beautiful. Pwede ko bang tanggalin ang salamin mo?" tumango naman ako bilang tugon.

Napapikit ako habang tinatanggal nya ang salamin ko. Pagdilat ko ay hindi ko maaninag ang mukha nya, hindi ko tuloy alam kung anong tingin ang ginagawa nya sakin.

Hindi sya nagsasalita, narinig ko nalang ang bahagya nya na pagsinghot.

Umiiyak ba sya?

Gusto ko malaman kung umiiyak nga sya kaya pilit ko inaaninag ang salamin ko na ipinatong nya sa ibabaw ng stereo, kukunin ko sana ito ng hawakan nya ang kamay ko.

"Bakit babe? Umiiyak kaba?" alalang tanong ko.

"N-no may naiisip lang ako."

Napatango nalang ako. Bahagya nya hinawakan ang kanang pisngi ko bago ko maramdaman ang labi nya sakin.

Mabilis lang ang halik nya sakin bago sya magsalita."I love you Braite, my girlfriend."

Ang lungkot ng boses nya, nakakahawa parang gusto ng katawan na maging malungkot kagaya nya para may karamay naman sya.

"I love you too Ace." nakangiti kong sabi.

Ash_Thone

No More I Love YouWhere stories live. Discover now