CHAPTER 34: I'm sorry and thank you

Start from the beginning
                                    

"Let's go." Sabi niya habang umu-umupo sa kabayo at inilahad ang kamay sakin para tulungan akong sumakay.

"Hindi ba tayo mahuhulog? Hindi ba yan maninipa?" takot kong tanong.

"Pag hindi ka pa sumakay, sisipain ka niyan dahil pinaghihintay mo siya" agad akong umakyat ng sabihin niya yun na ikinatawa niya.

"Huwag kang tumawa diyan! Bastedin kita e."

"Whatever."

Sinimulan niya nang paandarin ang kabayo. Nasa likod ko siya kaya pakiramdam ko nakayakap siya sakin ngayon dahil hawak niya nag tali na nakakabit sa kabayo.

"Ikaw ah! Tsina-tsansingan mo ako." pangaasar ko sakanya.

"Tsk." napalingon ako sakanya at nakita kong namumula ang tainga niya.

"Uy! Nagbublush ka! Hala! Pipicturan k--"

"No. I'm not blu--"

"Pipicturan k--"

"Stop--"

"Sagl-- AHH!" Biglang gumalaw ang kabayo kaya nahulog kaming dalawa. Napapikit nalang ako dahil alam kong mahuhulog ako. Hindi ako nakaramdam ng sakit sa katawan kaya napadilat ako.

Nakapatong ako sa kanya! Pero imbis na makita kong nasasaktan siya dahil sa pagkahulog, nakangisi pa siya sakin.

"A-anong ngini-ngisi ngi--"

"Akala ko flat-chested ka, hindi naman pala." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Napatayo agad ako.

"MANYAK!" Tinwanan niya lang ako.

Letse! Napakamanyak!

----------------

Kakauwi ko lang kahapon pero niyaya ako ni Jacob na lumabas. Linggo naman ngayon kaya okay kang.

Hindi kami naguusap ni Jacob. Kapag may tanong lang siya, yun lang din ang sasagutin ko. Hindi ko alam pero kapag si Kupal ang kasama ko ang ingay ko pero kapag sa kanya... hindi ko na alam.

"Ayos ka lang ba Madam?" Nandito kami ngayon sa garden ng mall. Kakatapos lang namin kumain kaya dito muna kami tumambay.

"Ha? Ah oo.."

Hindi ko mapigilang ipagkumpara ang panliligaw ni Jacob at ni Kupal.

Si Jacob pinapasaya niya naman ako pero pag si Kupal mas buhay ako. Mas nalalabas ko talaga kung ano ang ugali ko.

Hindi ko nakikita ang sarili ko na makakatuluyan ang bestfriend ko. Alam ko sa sarili ko na mas lamang si Kupal kaysa kay Jacob.

Hindi ko lang talaga alam paano sasabihin...

"Madam?" napatingin ako sa kanya, nakita ko nanaman ang ngiti niya pero malungkot naman ang mata niya.

"Huwag kang ngumiti kung hindi mo naman talaga gustong ngumiti. Minsan pwede ding maging malungkot kasi hindi lang naman puro saya ang buhay may lungkot din. May problema ka ba?" sabi ko.

Nakatitig lang siya sakin at napabunting hininga.

"M-madam. Alam ko naman na mas lamang siya. Naiintindihan ko..."

Nagulat ako ng sabihin niya yun.

"Jacob... ano bang si--"

"Huwag kang maawa sakin Madam. Kaya ko naman. Naiintindihan ko... siguro meron talaga siyang katangian na gustong gusto mo na wala sakin. Na hinihiling ko na sana meron din ako."

"Jacob...."

"Ako ang kasama mo pero siya ang iniisip mo. Alam ko yun... Nararamdaman ko... hindi ko lang pinapahalata kasi masaya na ako makasama lang kita. Kahit iba ang isipin mo basta ako ang kasama mo, ayos na sakin. Pero pagod na ako Madam... pagod na ako."

"Jacob.... I'm sorry...."

"Huwag kang magsorry Madam.. hindi mo naman kasalan."

Nakita ko ang pagtulo ng luha galing sa mata niya. Ayoko nito. Hindi ako sanay. Gusto ko lagi ko siyang nakikita na nakangiti. Hindi umiiyak!

"Jacob, sorry talaga. Kaibigan lang e. Yun lang. Sorry.."

"Ouch! Alam ko naman yun Madam hindi mo na kailangan ipamukha.." sinubukan niyang tumawa pero may nalalaglag na luha pag tumatawa siya.

"Jacob, wag ka namang umiyak..." sabi ko at pinunasan ang luhang pumapatak sa pisngi niya.

"Sabi mo e. Tara uwi na tayo" sabi niya at pilit na pinapatatag ang boses.

Hinatid niya ako sa bahay. Buong byahe ay hindi kami nagusap hanggang makarating kami sa bahay. Nagpasalamat ako at baba na sana ng magsalita siya.

"Madam, maging masaya ka sana. Pinapalaya na kita. Sana maging masaya ka sa piling niya." malungkot siyang ngumiti sakin.

"Paano ka?" hindi ko napigilang lumuha sa harap ng kaibigan ko.

"Kailangan ko lang ng pahinga. Lilipas din to. Wag mo akong alalahanin. Basta maging masaya ka ah! Pag hindi ka naging masaya sakanya sabihin mo lang, hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sakanya."

Napatango ako sakanya at hindi napigilang yakapin siya...

"Jacob... Salamat."

"Maging masaya ka sana... Madam" mas lalo akong napaiyak ng tawagin niya akong Madam. Pakiramdam ko kakaiba ang pagtawag niya sakin ng Madam ngayon.

Magkayakap pa kami ng sandali hanggang sa humiwalay na ako at bumababa. Hinintay ko ang pagalis niya hanggang sa mawala na ang kotse niya sa paningin ko, bago bumulong...

"I'm sorry and thank you... Jacob"

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now