Panimula

21 5 1
                                    

Mariin 'kong idinilat ang aking mga mata. Tumambad sa'kin ang naghaharing sikat ng araw sa nakabukas na bintana. Dumadampi sa'kin ang init nito kaya napabangon ako para isara ang bintana. Inunat 'ko na rin ang balikat 'ko dahil nangalay ako sa kahoy na hinigaan 'ko. Inayos 'ko narin ang hinigaan 'ko at nagmartsa na palabas.



Nadatnan 'kong nagluluto ng umagahan si Ysmael. Kitang kita kung pa'no nya hiwain ang mga sangkap na parang bihasa sya sa kusina. Pumihit sya ng tingin sa'kin at tinigil muna ang ginagawa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita ako.



"Gising ka na pala" ani Ysmael. Tinapik nya ang isang upuan sa tabi nya kaya umupo ako 'don. Nakahapit lang itong kamiso kaya mas lalong nadedepina ang kanyang tila perpektong katawan. Hinawakan nya ang gilid ng bewang 'ko para mapalapit ang katawan namin sa isa't isa. Inihilig nya ang ulo nya sa balikat 'ko.



"Nakatulog ka ba ng ayos?" tanong nito sabay halik sa pisngi 'ko. Nagitla naman ako sa ginawa nya kaya napalayo ako ng kaunti sa kanya.



"Medyo, masyado kasing matigas yung higaan kaya sumakit ang likod 'ko" sagot 'ko sa kanya. Pinasadahan nya ng tingin ang katawan 'ko tsaka hawi ng katawan 'ko patalikod para hilutin nya.



"Pupunta nalang ako ng palihim sa bahay para kumuha ng kutson para makatulog ka ng maayos" aniya sabay yakap sakin. Nawala naman ang sakit sa likod 'ko ng kinulong nya 'ko sa kanyang bisig.



"Alam mo namang mapapahamak ka kapag pumunta ka pa sa bahay nyo, narinig 'ko pa ngang pinapahanap tayo ng papá nang minsang bumili ako sa palengke ng gulay" saad 'ko sabay harap sa kanya.



Nagsalubong ang kilay nya na parang may sinabi akong hindi maganda. "Hindi mo sinabi sa'king pumunta kang palengke" singhal ni Ysmael.



"Nagsuot naman ako ng salakot kaya 'di nila 'ko makikilala" paliwanag 'ko sa kanya. Bumaba naman ulit ang balikat nya sabay nguso. Tinuloy nya na ang pagluluto ng umagahan namin kaya tumungo muna 'ko sa veranda para magpahangin.



Tanaw na tanaw sa labas ang mga ibong malayang lumilipad sa kumpas ng hangin, minsan naiisip 'ko na sana ay para rin akong ibon na nakakalipad ng malaya, na walang nagdidikta nang mga desisyon sa buhay. Pero 'di ako katulad ng ibong malayang nasa himpapawid, isa 'kong ibon na nakakulong sa hawla at tinanggalan ng kalayaan para makalipad. Lumanghap ako ng preskong hangin para matanggal na ang problema 'ko sa isipan. Sakto namang may yumakap sa'kin patalikod.



"Kain na tayo sa baba" ani ni Ysmael sabay yakap ng mahigpit sa'kin. Ginantihan 'ko naman sya ng yakap, nakaramdam ako ng kalayaan sa mga bisig nya. Humarap ako sa kanya kaya naputol ang yakapan namin. Ipinulupot 'ko ang kamay 'ko sa leeg nya habang ang kamay nya naman ay namamahinga sa bewang 'ko.



"Ipangako mong mawawakasan natin ito ng magkasama" saad 'ko kay Ysmael. Pinasadahan nya lang ako ng tingin at sa halip na sumagot ay ginawaran nya lang ako ng halik. Nagtaka naman ako sa ikinikilos nya. Namuo ang mumunting pawis sa kanyang noo kaya pinunasan nya kaagad 'yon.



"K-Kain na tayo sa baba" pagiiba nya ng usapan. Napataas naman ang isa 'kong kilay sa kanya. Diretso syang lumabas nang veranda. Sinundan 'ko sya pababa at nagsimula na kaming kumain.



"May inililihim ka ba sa'kin?" tanong ko.



"W-Wala naman Cecilia" aniya.



Tinapunan 'ko lang sya ng tingin sabay hawak sa kamay nya. "Kung may gusto kang sabihin. Sabihin mo na"


"Kinausap 'ko ang papá mo" diretso nyang sabi.



Nagulat naman ako sa sinabi nya. "A-Anong ibig mong sabihin?" napadiin ang hawak 'ko sa kubyertos.



"S-sinabi 'ko kay papá ang pinagtataguan natin" aniya ni Ysmael sabay tingin sakin. Nakita 'ko sa mga mata nya ang pinaghalong lungkot at pagsisi.



"B-BAKIT!?" singhal 'ko sa kanya sabay tayo para pumunta sa silid namin.



"San ka pupunta?" tanong ni Ysmael sabay hawak sa balikat 'ko.



"Maghahanap tayo ng ibang pagtataguan. Magimpake ka na. May alam akong matutuluyan sa kabilang baryo." saad 'ko sabay agaw sa kanya ng balikat 'ko. Ano bang sumagi sa isip nya at simabi kay papá ang tinutuluyan namin? Akala 'ko ba tutuparin pa namin ang mga pangarap namin? Makukulong nanaman ako sa mansion!



"Itigil mo 'yan" may diin nitong sambit tsaka marahas akong pinihit paharap sa kanya.



"Bakit mo 'to ginagawa? Kala 'ko ba mamumuhay tayo ng magkasama? singhal 'ko sa kanya.



Marahas na bumukas ang pinto at iniluwa non ang mga guardia sibil kasunod si papá. Nakaguhit sa mukha nito ang galit.



"Ibigay mo na sa'kin ang anak 'ko, Ysmael" madiing saad ni papá. Nilagay naman ako ni Ysmael sa likuran nya at hinarap si papá.



"Ang kapalit Don Arturo, huwag mong kakalimutan" malamig na saad ni Ysmael. Tinitigan 'ko naman sya na nagtataka. Tiningnan nya naman ako at sinabing magtiwala lang sa kanya.



"Ah! 'di 'ko makakalimutan 'yon" saad ni papá sabay pilyong ngiti.



"Ibibigay 'ko sayo ang anak mo at ang kapalit ay ang kalayaan nya, Hahayaan nyo syang magdesisyon sa sarili nya" madiing sambit ni Ysmael. Humalukipkip naman ako at hinampas sya sa braso.



"Nahihibang ka na ba?!" saad 'ko.



Tinitigan nya naman ako sabay halik sa noo 'ko. "Ito nalang ang natitirang paraan para makamtan mo ang kalayaan mo" aniya.



Hinila na ako ng isang guardia sibil palayo kay Ysmael..... palayo sa kalayaan 'ko. Inaagaw 'ko ang sarili sa mga guardia sibil pero mas malakas ang pwersa nila kaysa sa'kin. Nang makarating sa panig nila papá ay nakita 'ko nalang si Ysmael na nakaluhod, umiiyak.



"Iuwi nyo na si Cecilia. Para maituloy na ang kasalan" saad ni papá sa isang guardia sibil. Nagulat naman ako at lalo na si Ysmael. Akmang lalapit si Ysmael sakin pero hinawakan na sya ng mga guardia sibil.



"Ang kasunduan! Kaya tumakas si Cecilia dahil ayaw niya magpakasal! Siya na ang magdedesiyon! Nakasaad yon sa ating k-kasunduan!" sigaw ni Ysmael.



"Anong akala mo't susunod ako sa pesteng kasunduan na 'yan!" madiing sambit ni papá. Huli na nang nilabas ni papá ang baril sa bulsa nya. Binalot ng takot ang sistema 'ko ng itinutok iyon kay Ysmael.



Dahan dahan 'kong pinihit ang tingin kay Ysmael. Nakatingin lang ito sa'kin. Tingin na punong-puno nang pagmamahal. Bumuhos naman bigla ang mga luha 'kong kanina 'ko pa tinatago.



"La Segunda Vez, Mamahalin parin kita, Cecilia" ang huling sambit ni Ysmael kasabay ang kinakatakutan 'kong pagputok ng baril.












La Segunda Vez -
Sa Pangalawang Pagkakataon

--//--

La Segunda VezTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang