ii

17 5 0
                                    

Ikalawang Kabanata



"Kung maaari lang naman, ngunit kung ayaw m-"



"S-Sige" sagot 'ko sabay kagat nang aking sariling labi. Gumuhit naman ang ngiti sa kanyang labi. Mas lalo tuloy na bigyang hulma ang kanyang panga. Umaliwalas din ang mukha nya. Nagiwas naman ako nang tingin.



"K-Kung ganon... ay sa kalesa 'ko na tayo sumakay" ani Ysmael.

"Nagkasakit ang kabayo sa kalesa ko. Hindi ko na makikita ang pagdiriwang ng reyna elena sa kabilang bayan"

"Kung ganon ay sa kalesa ko na tayo sumakay"

"Mabuti pa nga"

Napahawak naman ako sa ulo ko ng kumirot nanaman ito. Mayroon din akong naalala na senaryo pero malabo na ito. Tiningnan naman ako ni Ysmael na nagaalala.

"Ayos ka lamang ba?" aniya.

Tumango nalang ako sa pagsang-ayon. Tinahak namin ang daan palabas nang bukirin. Nagigitla pa ako kapag nagdidikit ang kamay namin dahil sa sabay kami maglakad. Mukhang wala naman sa kanya iyon at ako lang ang nagbibigay kahulugan.



Nakarating naman kami sa pwesto nang kalesa namin at nadatnan 'ko si Mang Fernando na pinapainom ang kabayo.



"Mang Fernando" ani Ysmael. Pumihit naman nang tingin si Mang Fernando at nabigla pa dahil sa nasa harap nya si Ysmael.



"Oh! Ysmael, ano't naparito ka" aniya.



"Ipagpapaalam 'ko po sana si Cecilia... Maglilibot lang po kami sa bayan" sagot ni Ysmael sabay kamot ng batok nya. Binigyan naman sya ni Mang Fernando nang nangungutyang tingin.



"Eh kung ganon ay mauuna na 'ko" saad ni Mang Fernando sabay pihit nang tingin sakin. "Madam, mauna na po ako para magbantay nang karwahe" tumango naman ako sa kanya. Tiningnan nya pa si Ysmael at sinabing bantayan ako. Uminit naman ang pisingi 'ko dahil umaakto parin syang parang bata ako.



"Ihahatid 'ko nalang ho sya sa mansion pagkatapos" ani Ysmael sabay yuko kay Mang Fernando.



Pinanood kong umalis si Mang Fernando sakay ang kalesa. Kumaway pa ito samin bago ituon ang tingin sa daan. Pinasadahan 'ko naman nang tingin si Ysmael. Natatamaan nang sikat ng araw ang mukha nya kaya mas lalong nadepina ang mukha nya. Nagiwas naman ako nang tingin nang humarap ito sa'kin. Narinig 'ko pa ang mahina nyang pagtawa.



Nakita 'ko naman ang isang kalesa sa may 'di kalayuan. Nagtungo kami don kaya nakita 'ko ang pamilyar na mukha ng kutsero.



"Mang Rosario?" tanong 'ko sa lalaking nakasandal sa kalesa. Nagpihit naman ito sakin at kinilala ako. Si Mang Rosario ang dati naming kutsero bago si Mang Fernando. Tinanggal siguro siya ni Papá sa mansion noong napagkamalan siyang nagnakaw nang pananim sa hardin.



"Madam Cecilia?" tanong nito at tumagilid pa ang ulo. Tumango naman ako sabay ngiti.



"Aba't anlaki laki mo na ija. Kamusta na ang Don Arturo? 'Di nako nakabalik sa inyo dahil napagkamalan akong nagnakaw" saad nito. Gumuhit sa mukha nya ang lungkot.



"Ayos lang po ang Mansion Mang Fernando. Nahuli na rin po ang totoong nagkasala. Magpapatawad po sana si papá sa inyo pero huli na nang makahanap ka na po nang trabaho" saad 'ko. Nakita 'ko naman siyang ngumiti sa narinig. Pinasadahan nya nang tingin si Ysamael. "Señor Ysmael, aalis na ho ba tayo?" tanong nito sa kaharap.


La Segunda VezWhere stories live. Discover now