CHAPTER 24: DILEMMA

1.9K 47 2
                                    

Jennie's Point of View

       Napaaga ang uwi namin ni kuya sa Pilipinas pagkatapos kong mabasa ang sinend sa akin ng unregistered number.

       I also tried to call the number but it wasn't ringing anymore. Malamang sa malamang, itinapon na nito ang SIM na ginamit pagkatapos maisend sa'kin ang picture ni Lisa na nakagapos.

       The sender warned me not to communicate with any officers dahil malalaman din nila ito, at binantaan din nila akong mapapadali lang ang buhay ni Lisa kapag nagsumbong pa ako sa mga otoridad. But still, here I am, contacting my friends that has a lots of connections.

       “What shall we do now, Mandu?” tanong ni Irene sa akin. I honestly don't know where to start. I'm worried and scared at the same time but I still need to try this. This is all for Lisa anyway.

       “May paliparan kayo sa Thailand, diba? Pwede mo bang ipa-check lahat ng may flight na papuntang Pilipinas? And can we also check the footages inside each plane?”

       Irene nodded. “Sure. Sure. Ako na ang bahala diyan.” Lumayo ito sa amin at may tinawagan sa telepono niya.

       Sunod naman akong lumapit kay Seulgi. “Seulgi, diba mataas ang ranggo ng papa mo sa military?” tanong ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango. “Pwede bang magpalagay kayo ng checkpoints?”

       “Sige, ipapaalam ko kay papa kaagad.”

       “Great, thank you.”

       “'Yong kaibigan ng pinsan ko, baka makatulong sa'yo,” sabi ni Jisoo at lumapit naman sa akin ang isang lalaki.

       “I'm Kim Hanbin and I've got knowledge in computer hacking, tracing, searching and such,” anito at tumango-tango naman ako sa lalaki. He can be a big help also.

       “Can you track the last location of my girlfriend's phone or this number?” I showed him Lisa's digits.

       “Alright!” sagot niya at may tinapa-tipa ito sa kanyang laptop. Minutes later, he called me and said that he already found Lisa's phone location but it's still in Bangkok. Means, my conclusion was right, they already disposed her phone somewhere in Thailand.

       Bumalik naman si Irene sa tabi ko. She wasn't smiling. All I can see on her face is sympathy for me but I cannot lose hope. I'll do everything for Lisa.

       “Wala silang makita sa lahat ng footage. Kung tama ang hinala ko, baka private plane ang ginamit nila paalis sa Thailand.” She hugged me and tapped my shoulders. “I'm so sorry, buddy.”

       I just smiled at her to hide my disappointment. There are no traces. Where will I find you, Lalisa?

       Lumapit si Sehun sa akin habang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. “Can we talk in private, Nini?”

       Naguguluhan man ay tumango pa rin ako rito. “Okay.”

       Pumunta kami sa kusina kung saan malayo sa mga kaibigan ko. I don't know but I have this feeling that Sehun is hiding something to us, to me to be exact.

       “What is it about, Hun?”

       “I know where Lisa is,” sagot niya na nagpaawang sa aking bibig.

       “What? W-Where is she? Nasaan siya, Sehun?!” Hindi ko na mapigilang mapasigaw sa kanya. Hindi ko na alam, halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko ngayon. I'm fucking worried for Lisa and nobody can blame me for feeling this misery right now.

Forbidden | JenLisaWhere stories live. Discover now