CHAPTER 11: DRESSING ROOM

3.4K 79 5
                                    

       “UNNIE, nakalimutan ko pala 'to sabihin sa'yo,” panimula ni Jennie. Kaharap nito sina Jisoo at Rosé na parehong abala sa pagkain, ni hindi manlang siya sinusulyapan ng mga kaharap.

       “Ano?” tanong ni Jisoo at sinimot-simot pa ang sarsang dumikit sa kanyang daliri. Enjoy na enjoy ang dalaga sa pagkain ng dala ni Jennie. Madami kasing sobra kagabi sa niluto ng kuya niya kaya ininit lang niya ang mga 'yon ulit at binigay sa mga kaibigan. Siyempre, tuwang tuwa naman ang mga ito dahil kainan nanaman.

       “Noong araw na nagpasundo ako kay Chaeng doon sa bahay nila Lisa, nagkita kami ni Jinyoung doon,” sabi ni Jennie.

       Napairap naman si Jisoo, halatang hindi interesadong makinig dahil tungkol nanaman sa ex niya. “Oh tapos? Ano sabi?”

       “Comeback daw kayo.”

       Napaubo si Jisoo dahil nabulunan ito sa sinagot ni Jennie. Agad naman siyang inabutan ni Chaeng ng baso ng tubig na kaagad niyang ininom.

       “Ayos ka lang, Chu?” tanong ni Jennie sa kanya habang malakas ang tawa.

       “Ano sa tingin mo?” Sinamaan niya ito ng tingin at tinapunan ng buto ng manok.

       “Yah!” reklamo ni Jennie at tinapon ang buto pabalik sa kanya pero kay Chaeyoung iyon tumama.

       “Aish! Narwawamay narwnawman ako sa karwaliwan niyowng darawa!” sigaw nito habang punong-puno ng pagkain ang bibig. Lumaki lalo ang pisngi nito at nagmumukha nanamang chipmunk.

       “Ngongo languange,” sambit ni Jisoo at pareho nilang ginaya ni Jennie ang pagsasalita nito at nagtawanan.

       “Balik tayo sa topic! Charot lang talaga 'yong comeback, unnie. Ang sabi niya talaga ipakamusta ko daw siya sa'yo.”

       “K.”

       “Ayaw mo sa kanya?”

       “Wala na akong pakialam doon. Pagkatapos niya akong iwan ng bigla-bigla na parang multo, bigla siya ngayong magpaparamdam na parang walang nangyari? Eh kung ilibing ko kaya siya ng buhay?!” Napangiwi nalang si Jennie dahil sa sagot nito.

       Sayang, sila pa naman ang superior ship ko!

       “Ship ko pa naman sana kayo ni Jinyoung oppa,” sambit ni Chaeng.

       'Nababasa ba niya ba iniisip ko?' tanong ni Jennie sa sarili.

       “Well, lubog na ang barko niyo. Bet ko si Jin eh.”

       “Sino na Jin? Si Jinyoung ba? Sabi na magcomeback na kayo eh,” pang-aasar ni Jennie at pinandilatan naman siya ng mata ni Jisoo.

       “Hindi 'yong letseng 'yon! Kuya mo, si Seokjin ang ibig kong sabihin!”

       “Hilig mo sa mga Jin, ayaw mo sa Chaeyoung?” biglang singit ni Chaeng kaya nagkatinginan silang dalawa ni Jennie.

       “Ha?!” At sabay pa silang dalawa napasigaw ni Jennie kay Chaeng.

       “Seryoso, ang creepy mo, Park Chaeyoung.” Hinaplos-haplos pa ni Jisoo ang braso dahil sa nananayong balahibo niya.

       “Tama na nga 'yang pagkain!” Inagaw nito sa kamay ng dalaga ang plato kaya nagdadabog naman si Chaeng sa nakakatanda.

       “Nasobrahan kana sa pagkain eh kaya kung ano-ano na lumalabas sa bibig mo,” dagdag nito.

       “Oo nga, Chaeng. Dapat prutas naman kainin mo, try mo abokado,” sabi ni Jennie at nagtawanan sila ni Chu nang makita kung paano napangiwi si Chaeyoung.

Forbidden | JenLisaWhere stories live. Discover now