13-II

6.7K 225 5
                                    

II

Hindi pa rin makapaniwala si Leighton na nasa loob ng kuwarto niya si Kay at ngayon ay sumisilip sa kanyang Celestron. Perhaps he was just hallucinating even though he did not drink anything alcoholic at Meta Haven?

What about Kay’s question?

 

Hindi niya iiwasan ang tanong pero gusto muna niyang makasiguro na hindi talaga siya nag-iisa sa kuwarto niya at hindi niya kinakausap ang sarili.

Lumapit si Leighton sa kinaroroonan ni Kay. Hinawakan niya ang isa nitong braso. Kay was solid to his feel. Totoo ngang kasama niya ito ngayon.

Kay was startled at what he did. Eksaktong binalingan siya ni Kay, nakatalikod na siya sa binata. Binuhay niya ang ilaw at naupo sa harap ng kanyang study desk.

“What does it feel?” Panimula ni Leighton habang iniisa-isa niya ang mga pinned notes sa kanyang corkboard. “At first, it was stressful seeing you on the opposite window by accident… but later on, I started to enjoy watching your every move… then one day, it became stressful again. Satisfied with my answer?”

Bahagya niyang nilingon si Kay. Nakaupo na ito sa gilid ng kanyang kama at nakatingin sa kanya. “How long are you going to stay? Magrereview pa ako.”

“Can I answer ‘as long as I want to’?”

“Why?”

Nag-focus na si Leighton sa binuklat niyang libro. Narinig niya ang buntong-hininga ni Kay bago ito muling nagsalita. “I realized I appreciate you. Yeah… I came here because I appreciate your presence—”

“—In short, you missed me,” Leighton pointed out. Nakatalikod siya kay Kay kaya hindi nito nakikita ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi ngayon lang.

“If you put it that way… I guess so,” tipid na sagot ni Kay.

“Fine. Stay as long as you want. Pero huwag mo akong sisihin kung matataasan kita sa exam bukas. Choice mo na huwag magreview. Don’t expect me to lend you my books.”

More on equations ang coverage ng exam bukas sa isang subject at walang masyadong terminologies na dapat intindihin. Isinara ni Leighton ang kanyang jotter pad pagkatapos niyang mag-solve ng ilang problems na naturo na sa kanila at idinamay na rin niya pati iyong mga hindi pa naituturo. He’ll definitely pass without even trying hard.

Tinungo niya ang banyo para magsipilyo. Nadaanan niya si Kay na naroroon pa rin sa kinauupuan nito at nandoon pa rin pagbalik niya.

Sumampa ng kama si Leighton at nahiga na. Ipinikit niya na ang mga mata ngunit hindi pa naman talaga siya inaantok. He was partly waiting for Kay to do something. Whatever it was, Leighton was silently thrilled.

Mayamaya ay naramdaman niyang humiga si Kay sa tabi niya. Naramdaman din niyang dumagan sa kanya ang braso nito.

Leighton could hear Kay’s relaxed breathing. It soothed him, nothing like any mellow song on his player could.

The warmth of Kay’s breath in his ears hinted he’s going to say something… so Leighton waited patiently.

“Isang matabang tupa…”

Napakunot-noo si Leighton. Tama ba ang naririnig niya?

“Dalawang matabang tupa…”

 

Nagmulat na siya.

“Tatlong matabang tupa…”

He gently nudged Kay. “Stop that, asshole! Ano’ng akala mo sa akin, bata?!”

“Napansin ko lang na tensed ka habang nakapikit. Parang pinipilit mong makatulog dahil maaga ang pasok bukas. Tinutulungan lang kita… At ganito lagi ang ginagawa ko tuwing bago ako matulog. It helps me practice my Filipino numbers,” paliwanag ni Kay.

Tinalikuran ni Leighton si Kay saka nagtalukbong ng kumot. It may look like he’s annoyed but he was glad Kay continued counting sheeps for him.

Kay’s voice sounded weary… but eager enough to carry on… eargasmic.

Kung gaano karaming tupa ang nabilang ni Kay bago siya nakatulog, hindi na niya eksaktong maalala. Basta pagmulat niya, mag-isa na lamang siya sa kanyang kuwarto.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon