33-II

3.6K 121 1
                                    

II


Five more minutes, tumayo na si Leighton mula sa kanyang seat. Afternoon break niya at ngayon sana nila napagkasunduan ni Meir na i-to-tour siya nito sa Tennis clubroom. Ine-expect niya na susunduin siya nito pero mahigit labinlimang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa ito dumarating.


Sumulyap siya sa hawak niyang cell phone. He can text or call Meir but that won't happen. Siya na lang mag-isa ang pupunta doon with or without company.


"Going somewhere, Eight? Another macaroon?" Alok sa kanya ng isa sa mga kaklase niyang nag-stay sa classroom para maghintay ng next Prof.


"Club duties," He answered with a smile. "And no thanks."


Basically, wala siyang idea kung nasaan ang pupuntahan niyang clubroom pero ayaw niyang magtanung-tanong kaya ang h-in-unting niya ay ang mga bulletin boards. There are maps on them. He found one near the stairs.


He ran a finger across the courts and fields on the map because that's more likely where he can locate the room. Within a minute, he found it.


Hindi naman na siya pinipilit ni Kay na ipagpatuloy ang pagiging active sa isang club pero hindi rin siya sumali sa Tennis club dahil wala lang. He had something he liked to confirm with Meir that's why he wanted to see him today.


Puno ang halos kalahati ng Tennis court ng mga nakapilang estudyanteng naka-puting uniform at may hawak na rackets.


Nakapaskil sa may fence ang 'New Member Orientation' at pagkabasang-pagkabasa pa lang nu'n ni Leighton ay gusto na niyang bumalik ng classroom. Iyon na nga ang gagawin niya, he just decided to see what the tennis clubroom was like.


He heard voices as he entered inside. Wala naman siyang nakikitang mga tao. They are probably behind one of the lockers.


"Sinabi ko lang naman na bawal manigarilyo rito, bakit ba galit na galit ka na?"


Nabosesan ni Leighton ang nagsalita. It's definitely Meir.


"Ewan ko nga ba? Nakikita ko lang iyang pagmumukha mo, naiirita na ako! Oh, wala akong ashtray, paano ba iyan? Akina iyang kamay mo!"


Sumungaw si Leighton sa pinakadulong hilera ng locker kung saan niya napakinggan ang mga nag-uusap. As he did, he confidently leaned on one of the closed locker.


"Hello, Dennis. Nice to see you here. Ikaw pala ang cause of delay kung bakit hindi ako sinundo ni Meir."


Dennis was Meir's cousin, another Tennis enthusiast—na marahil ay nasa pamilya na nila. Noong, grade school days, past time yata nito na markahan ng pasa si Meir.


Nagulat sa kanya ang dalawa, lalo na si Dennis. "I-Ikaw? A-Ano'ng—?"


Hinawakan ni Leighton ang suot na uniform. "I transferred here. It's not the best university in town but I know this is the best school to have friends."


"Friends? Huwag mo akong pinaglololoko, Eight!" Sinugod ni Dennis si Leighton. Kinuwelyohan siya nito pero nanatili isyang kalmado at nakatitig sa mga mata nito. Then his eyes shifted to a fine scar on Dennis' forehead.


"Baka nakakalimutan mo kung ano ang ginawa ko sa'yo dati?" Leighton said warningly.


"Bakit, kaya mong ulitin?! Ha! Takot mo lang!"


Hindi pa rin natinag si Leighton. "Magaling ang mga lawyers namin. Can you imagine what happened before? Ikaw na ang nasaktan, ikaw pa ang nagtransfer ng school. Kawawang bata."


Dennis looked like he wanted to murder Leighton but after few moments, he lets go. "Fuck you!" He cussed as he walked away.


"You'll pick a fight with him? Paano kapag sinuntok ka ng siraulo na iyon?" Tanong kaagad ni Meir kay Leighton.


Leighton shrugged. "Eh, 'di masakit. Hindi ko alam kung makakalaban ako sa kanya. Pero gaya ng sabi ko, magagaling ang lawyers namin. Makakaganti ako sa ibang paraan."


"Seryoso ako, Eight," ani Meir.


"Pumasok ka sa university na ito kahit alam mong dito nag-aaral iyong pinsan mo na 'yun? That's so stupid of you."


"Yeah..." mahinang tugon ni Meir. The both of them fell silent.


Then Meir suddenly embraced Leighton.


"Hey, get off!" Utos ni Leighton sa kanya.


Saglit na humigpit ang pagkakayakap ni Meir kay Leighton. "I wonder what's your reaction if he's the one doing it to you..." he whispered before letting go. Nagtuloy-tuloy siya palabas ng clubroom, leaving Leighton partly thinking.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon