11-III

7.3K 226 3
                                    

III

“Does it matter?” Nonchalant na balik-tanong ni Kay kay Yael. Tiningnan niya ang mga rosas na hawak niya… at ngayon lang siya may na-realize; in few years’ time, nakikini-kinita niya si Leighton bilang isa pang Yael. “At nagkalat ka pa?”

Gusto ni Kay na mag-facepalm. Hindi porket gusto niya ang mga rosas ay dapat iyon ang ibigay sa kanya para i-please siya. Mas gusto niyang nakikitang buhay na nakatanim sa lupa ang mga rosas. It seemed no one in the urban understood that sentiment.

Pinulot muli ni Yael ang nalaglag na bouquet at lumapit kay Kay. Humakbang patalikod si Kay kaya nabigo si Yael na makuha sa kanya ang roses na hawak niya. Dahil doon ay naging mabalasik ang anyo ni Yael. “Kay… are you having an affair with someone?”

Kay lets the roses fall on the carpet, joining the other petals. “Hindi ka inaano ng mga rosas, Yael… and by any chance, are you into some kind of divination using roses? Tigilan mo na iyan kung puwede.”

“Y-You’re being sarcastic with me, I might take that as a yes,” Yael now looked pained.

“I’m not being sarcastic. You’re just starting to be irrational,” Kay cut his distance with Yael. He placed his hands on top of his shoulders. “Let’s end this already.”

“No…” It’s like Yael is about to break down; which really happened after a couple of minutes. Napasalampak ito sa sahig nang may mga luha sa mata. “Y-You-re just kidding, right?”

Isang mahabang paltang ang naging tugon ni Kay. Mayamaya ay kumapit si Yael sa baywang ni Kay. “Please, Kay, don’t leave me. It’ll kill me! I’ll do anything you want… please.”

Nagsalubong ang kilay ni Kay. “Kill you? No! Someone’s waiting for you, Yael.”

“B-But, Kay—”

“I’VE HAD ENOUGH ALREADY!” sigaw ni Kay na umalingawngaw sa buong kabahayan. Kinuyom niya ang kanyang kanang kamay at inundayan ng suntok si Yael sa panga nito. Napahiga si Yael sa sahig.

“I don’t really know how to answer your question if I’m having an affair… I just kissed someone this week, at hindi lang iisang beses nangyari iyon. Sapat na dahilan na siguro iyon para maghiwalay na tayo. Kung hindi na ako honest sa’yo ngayon, hindi na kahit kailan, regardless sa mga nagawa natin sa isa’t isa noon at sa tagal nating nagkasama. Somewhere in our relationship… hindi ba napag-usapan na natin ang paghihiwalay? Kung hindi ikaw ang mauunang magpakasal, ako ang magpapakasal. Mas preferred mo pa ba na ikaw ang iwan ko kaysa ang iwan mo ako? Just accept our reality, Yael.

 

Hindi na nakita ni Kay ang mukha ni Yael. Nakatungo itong tumayo at parang zombie na lumabas ng pinto. Naupo si Kay sa paahan nang kama nang mapag-isa na siya.

May sanib ng ispirito ng alak si Yael kaya hindi niya alam kung naintindihan nito ang mga sinabi niya pero kahit nag-aalala siya, hindi siya sumunod dito. Pumunta dito si Yael nang lasing na malamang ay humulas na nang bahagya kaya naman makakaya na niyong makauwi kung saan man iyon tumutuloy. Isa pa, may taxi naman. Wala pang kotse si Yael kaya hindi iyon makakapagdrive.

Kumirot ang kamao ni Kay. Doon lang niya napansing namumula ang likod ng palad niyang ipinanuntok niya kay Yael at nagtuklap pala ang bahagi ng daliri niya na gawa ng singsing na suot niya.

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon