39-I

3.2K 94 4
                                    

I


"Eight, wake up..." Nakangiti si Kay habang nakatunghay sa kanya. At nang bahagya siyang gumalaw, Lumayo ito sa kanya.


Inilahad nito ang kamay, naghihintay na abutin niya. "Halika na..."


"Kay," Leighton called him as he reached onto his hand.


Kumurap-kurap siya. He was on a bed. His hand that hovered in the air has an IV catheter for dextrose. Nananakit ang buo niyang katawan at mahilo-hilo siya.


"Baby?" Beside the bed, his Mom was dumbfounded. "Y-You're finally awake!" Sandali siyang niyakap ng lumuluhang ina bago isya nito pinahigang muli.


"How are you feeling, baby? Nagugutom ka ba? May masakit? T-Teka, tatawagin ko ang doktor mo—"

"I'm fine," Leighton said but his mom was so hyped, she forgot to just use the intercom and darted out of the ward.


Nito lang ni napansin ni Leighton na may hawak-hawak siya sa kanyang kanang palad. It was a key with a tag. Pamilyar sa kanya ang susi na iyon.


He read the tag: To my emperor.


Leighton tightly clutched the key. "Kay..."


Napalakas yata ang pagsambit niya sa pangalan niyon at sigurado siyang narinig iyon ng taong kapapasok pa lang ng kanyang ward.


Saglit itong nagulat dahil hindi nito in-e-expect na gising na siya. Ang makabawi ay inilapag nito ang dalawang basket ng mga prutas sa mesita.


"Meir..."


Ngumiti si Meir. "Gusto mo ba siyang makita?" Ang tinutukoy nito ay walang iba kundi si Kay.


Leighton shook his head. "It's impossible for now. I'm sure he was now in his hometown."


He rubbed his thumb on the head of the Key he's holding. He's partly lying to Meir, and to himself. What's worse, he wanted to believe in that lie.


"Hindi ba last time, may gusto kang sabihin sa akin? What about it?"


Pumasok sa ward ang doktor na kasunod ng kanyang mama kaya hindi rin natuloy ang pag-uusap nila. Nalaman ni Leighton mula sa doktor na lumala ang lagay ng kanyang tuhod at isinemento iyon pansamantala para pahupain ang pamamaga.


Sinabi nito sa kanila na i-consider na ang pagpapaopera kung hindi ay baka maging permanente ang paggamit niya ng saklay o wheelchair.


Pagkaalis ng doktor, si Leighton na ang nagpaalam sa kanyang Mama na magpapahangin sa labas at sasamahan siya ni Meir. This time, hindi na siya nagprotesta kung gagamit siya ng wheelchair. Hindi rin naman siya sigurado kung makakapaglakad siya nang maayos dahil nananakit ang kanyang katawan.


Dinala siya ni Meir sa garden ng hospital kung saan puwedeng maglakad-lakad ang iba pang mga pasyente.


"I'm leaving next term," panimula ni Meir. Inihinto niya ang wheelchair sa tapat ng isang bench at doon siya naupo. "Pumayag na ang Daddy ko na sa kanya ako tumira."


"Good for you. That's what you've been wanting, right?"


Meir nodded, then he patted Leighton's shoulder. "We are still young but... let us get serious on what we really wanted in life habang hindi pa huli ang lahat. Ako, hindi nag-aaral mabuti dahil walang interes sa course na kinuha ko. Ikaw, pinipilit magkaroon ng interes sa course na halata namang boring para sa iyo. You end up ditching your classes. It won't do you any good kahit pa binabawi mo sa mga exams."


Meir extended his hand to his friend. "Let's meet again years later. Tingnan natin kung sino sa ating dalawa ang magiging mas successful."


Leighton shook hands with Meir. "Sure."


Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon