10-III

8.6K 293 5
                                    

III

Nakatunganga si Leighton sa harap ng coffeemaker, kaparehong eksena mga ilang oras na ang nagdaan. Ngunit kung kanina ay ginugulo  lang niya ang buhok, ngayon ay parang gusto na niyang iuntog ang ulo sa pader hanggang sa mawalan siya ng malay.

Since nakipagpataasan siya ng ego kay Kay, kailangan niyang harapin ang consequences ng mga bagay na hindi na naman niya pinag-isipan.

Tumungo siya ng kanyang sala at inilapag sa mesita ang isa sa dalawang mug na dala niya. Bahagya siyang naupo sa armrest ng sofa. He cannot sit because Kay was still sleeping on the cushion.

May klase sila sa university in two hours kaya kailangan na niya itong gisingin. Five minutes.

He was about to sip coffee when he noticed the ring he’s wearing. He never took it off that’s why it somehow became a natural part of him and it seldom mattered. For the record, he’s wearing it since the day it was given to him by his deceased grandmother; it was a purity ring.

Isang Relihiyosong Matron ang namayapang abuela ni Leighton at pumanaw itong may sama ng loob sa anak ito, na ama niya. Babaero ang papa niya at mayroon na itong mga naanakang babae bago nagpakasal sa mama niya.

Because of his grandmother’s frustrations on his father, she saw to it that Leighton would grow up a righteous man.

Naalala pa ni Leighton, kinukulit siya noon ng kanyang abuela na magpari na lang, na wala sa mga balak niya. He was not like his father but he wasn’t good either. He may be worse. His father was a ladies’ man while he was a bully. Iritable siya sa mga babae at sa mga kaartehan nila. 

Leighton does not see himself a selfless man. Hinding-hindi niya maiaalis sa sistema niya ang pagiging makasarili niya.

Inilapag ni Leighton ang kanyang mug at hinubad ang silver na singsing. He stared at the encrusted words in it:

True love waits.

“True love my ass, gran’ma,” Leighton mumbled to himself as he purposely dropped the ring somewhere on his carpet. Bahala na ang mga housekeeper kung ano ang gagawin doon sakaling makita nila iyon.

For a while, Leighton stared blankly at Kay. Walang anu-ano’y pinulot niya ulit ang hinulog niyang singsing. Nang makita niya iyon ay ibinaba niya ang comforter at kinuha ang isang kamay ni Kay.

Isinuot niya ang purity ring sa palasingsingan ni Kay. Maluwag. Sinubukan niya sa middle finger, may kaunting allowance pero hindi na iyon mahuhulog.

Naalimpungatan si Kay “W-What?” Nagugulumihanan nitong tanong. Bumangon ito at naupo pagkatapos ay pinansin ang singsing na nasa daliri nito.

Leighton placed a hand on top of Kay’s head and made it bob up and down. “It’s my purity ring. Naisip ko lang na mas bagay sa iyo iyan. Para maalala mo ang mga sinabi ko sa iyo kagabi.”

“Marami kang sinabi kagabi.” Tumungo si Kay. Halatang inaantok pa ito ngunit pinipilit na maging sober.

“That…” Kumilos si Leighton. Inalis niya ang kamay sa ulo ni Kay at kinuha niya ang isa pang mug. Iniabot niya iyon kay Kay. “—I’ll make you fall in love with me.”

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon