21-I

5K 160 1
                                    

I

“Now’s your turn,” untag ni Meir kay Leighton pagkatapos nitong i-swipe sa screen ng hawak nitong iPad ang daliri.

Saglit na nag-isip si Leighton habang nakatingin naman sa hawak niyang iPad. Using his finger, he moved his white Knight on the virtual chess board.

Kahit bumaba siya ng kotse kanina, sinundan siya ni Meir at nagsabay pa rin sila sa iisang taxi. Nang nasa entrance na siya ng kanyang college building, he felt like not going to class so he dragged Meir to the library and they sat on some comfortable couch to play virtual chess.

They used to play chess in grade school using real chess pieces in real chessboard. Madalas ay iisa lang ang result—

Checkmate,” anunsyo ni Meir. Wala pang ten minutes nang ma-mate nito si Leighton.

“Let’s play again,” ani Leighton.

“Wala kang kadala-dala,” komento ni Meir. “It’s not Math equations so you can’t beat me here.”

Sinimangutan siya ni Leighton. “Huwag ka nang marami pang sinasabi. I already moved a pawn.”

Imbes na mag-comply sa tira ng opponent, ibinaba ni Meir sa mesa ang hawak na iPad. “Wala ka naman talaga sa mood na maglaro. Nawala na rin ako sa mood. Mas maganda siguro kung pinasukan mo na lang ang subject mo.”

Tumayo na si Meir. Kinuha nito ang mga gamit at umalis.

Leighton thought he could excuse himself from visiting Duchess’ tower if Meir could keep him company. Left alone, his struggles became serious.

Tumungo siya sa isang sulok at inilabas niya ang cellphone niya. He dialled Kay’s number. Nagring iyon. Alam ni Leighton ang consequences kapag tinatawagan niya si Kay. Either hahayaan lang nitong magring ang cellphone hanggang sa magsawa siya sa kaka-redial o sasagutin nito ang tawag pero bubuwisitin naman siya.

Kay picked up the call in three rings. “What? Nababaliw ka na?”

“It’s the third day.”

“So?” Kahit na hindi nakikita ni Leighton si Kay, na-i-imagine niyang maigi ang sarcasm nito. “Ang isang linggo ay katumbas ng pitong araw, ‘di ba?”

Leighton ended the call before he could say anything worse and they may end up fighting. He gritted his teeth. Hindi na siya nadala. Siya naman ang nagsabi na hihintayin niya si Kay pero hindi siya makapaghintay.

Nang makalma niya ang sarili, binalikan niya ang gamit niya sa couch at lumabas ng library. Pinasukan niya ang next subjects niya kaya kahit paano ay nalibang siya.

Hindi na siya nagulat nang puntahan siya ni Meir sa room ng last subject niya pero nagsalita na siya. “Hindi ko alam kung saan ninyo na-a-access ang schedule ko na supposedly ay para sa akin lang.”

“You can’t blame tita if she’s being sneaky,” ani Meir. “Ni hindi mo pinapaalam sa kanya ang phone number mo. Tinawagan niya ako dahil hindi ka pa rin niya ma-contact.”

“Okay. I’ll let her have my number and you stop talking to her,” after he said that, he started walking only to find out Meir followed him in the waiting shed.

Iisa lang ang nag-aabang na taxi doon at nauna na siyang sumakay. He looked up at Meir. “Tara, umuwi na tayo.”

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon