Chapter 21

4.1K 206 28
                                    


21:

Hindi na lumala pa ang sitwasyon sa pagitan nila dahil dumating naman kaagad ang may-ari ng coffee shop. Ito na ang humingi ng tawad sa dalawang babae at personal rin nitong pinagsilbihan ang mga ito.

Si Rose naman ay pinilit na pabalikin si Eira sa kinauupuan nito. Nang makaalis ito at makabalik naman sa counter ang amo niya ay agad na sermon ang ibinungad nito.

Bakit daw hindi siya nag-ingat lalo pa at kilalang tao ang nasa harap niya. Ano ba daw ang problema niya ng araw na iyon dahil hindi naman siya ganoon mag-trabaho.

Hindi maipagtanggol ni Rose ang sarili. Hindi niya masabi ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon sa harap ng dalawa dahil ayaw niyang malaman nito at ng mga tao na anak siya ni Irena Svensson at pinagtataguan niya ito hanggang sa mga oras na iyon.

Masama tuloy ang loob na umuwi siya sa bahay ni Eira. Maliban kasi sa hindi niya naipaliwanag ang side niya ay nasaktan siya dahil hindi man lang siya binigyan ng benefit of a doubt ng boss niya.

"Dahil mas sikat sila kesa sa akin kaya ako kaagad ang masama?"

Syempre tao lang siya kaya hindi niya napigilang hindi magtanim ng sama ng loob. Akala niya pagpapaliwanagin siya pero hindi imbes ay pinagalitan lang siya kaagad nito.

Matagal na siyang nagtatrabaho sa lugar na iyon kaya kahit papaano ay umaasa siya na kilala na siya nito. Na hindi siya gagawa ng ganoong mali ng walang dahilan.

Pagpasok niya sa bahay ay sumalampak siya sa sofa at tumingin sa kawalan. Hinayaan niyang lumipad sa kung saan ang isip niya.

Ilang minuto na ang lumipas pero nasa ganoong posisyon parin siya. At dahil masyadong ukupado ang utak ay hindi niya napansin na nakauwi na pala si Eira at kakapasok lang nito sa sala.

Nakita siya ng babae pagdaan nito sa sala. Imbes tuloy na dumiretso sa kuwarto nito ay lumapit ang dalaga sa kanya.

"Tell me what's your relationship with Irena Svensson."

Pagkarinig niya sa pangalang iyon ay bumalik ang isip niya sa realidad. Napaupo siya ng tuwid at napatingin kay Eira.

"Ano bang pwede kong maging koneksiyon sa sikat na taong tulad niya?" pagmamaang-maangan niya sa harap nito.

Nanginig siya sa loob-loob niya dahil harap-harapan siyang nagsinungaling kay Eira.

"You need to practice more if you want to lie successfully."

Seryoso itong tumingin sa kanya kaya naguilty lalo siya. Si Eira naman ay iniisip na si Irena ang susi na matagal na niyang hinahanap. Ang daan para mas makilala niya si Rose.

"Wala nga kasi."

It's her another attempt to lie in front of Eira. Nainis tuloy ang babae dahil doon.

At sa inis ay itinapon nito sa kung saan ang hawak nitong hand bag at nilapitan si Rose na nakaupo sa sofa. Tumigil ito sa mismong harapan niya at hinawakan ang baba niya para paangatin ang tingin niya dito.

Walang nagawa si Rose kundi ang tingnan nang diretso sa mga mata si Eira. Kinabahan pa siya dahil sobrang seryoso ng kaharap niya. Pero may something na nag-flash sa mga mata nito na naging dahilan para mawala ang kabang nararamdaman.

Tinitingnan kasi siya ni Eira na para bang sinasabi nito na sabihin niya kung ano man ang mga sekreto niya dahil pamagkakatiwalaan niya ito.

"Wala rin naman sigurong pakinabang sa kanya kahit malaman niya pa ang sekreto ko."

Nang maisip niya iyon ay hinanda na niya ang sarili na sabihin kay Eira ang tungkol sa totoong pagkatao niya. Magsasalita na sana si Rose...

"Hello people! Ano'ng ulam natin?"

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Where stories live. Discover now