Chapter 3

7.4K 355 75
                                    

3:

Matapos manggaling sa RedMoon ay dinala na ni Jax si Rose sa M-Light. Namangha ang babae pagpasok nila sa loob.

Dinala siya ni Jax sa opisina nito. Umupo muna siya sa sofa malapit sa personal na mesa ng lalaki, hinihintay na mahanap nito ang kontrata na papapirmahan sa kanya.

"Ayan," tsaka nakangiting nilapitan siya nito at inabot ang mga papales na hawak.

"Pirmahan mo na para maging opisyal na talent ka ng M-Light."

Inabutan siya nito ng isang ballpen na siyang ginamit niyang pampirma.

"Okay na," sabi naman niya tsaka ibinalik ang ballpen at yung papeles.

"Welcome to M-Light Entertainment, Rose."

"Thanks."

"Why don't we celebrate? Kung okay lang sa iyo ay pwede bang imbitahan kita sa bahay ko?" excited na tanong ni Jax. Balak nitong pagsamahin uli si Rose at si Eira sa iisang lugar.

"Boss parang ang sama naman kung pupunta talaga ako sa bahay niyo. Ang bago-bago ko pero ganyan na agad ang treatment mo sa akin. Tsaka baka may magalit sa akin kapag nagpunta ako doon," nag-aalalang saad ni Rose.

Hindi lingid sa kaalaman niya na maraming fans ang bagong boss niya. Kung gugustuhin nito ay sigurado kaya nitong patumbahin lahat ng mga lalaking artista kung mukha lang ang pag-uusapan. Kaya hindi kataka-taka kung may biglang sumugod sa kanya kapag nalaman na pumunta siya mismo sa bahay ni Jax.Tapos inaalala niya rin na baka may girlfriend ito at malaman nito ang pagpunta niya edi nalagot siya. Ayaw niyang madagdagan ang mga kaaway niya.

"Ano bang masama sa pag-celebrate sa pagkakatanggap mo dito sa M-Light. Tsaka pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong mo sa akin kahapon," paliwanag naman ng lalaki. "Tsaka kung girlfriend ko ang inaalala mo, don't worry wala naman siya dito sa bansa ngayon and if malaman man niya ang pagpunta mo ay sigurado hindi naman iyon magagalit. Hindi makitid ang utak ng girlfriend ko and now that I think about it, baka kapag nagkita kayo ay magkasundo pa kayong dalawa."

Kayong dalawa lang ang kayang i-reject si ate eh so baka magkasing wavelength kayo ng myloves ko.

"Sigurado ka ba diyan, Boss?"

"Oo naman. Alam na alam ng girlfriend ko na loyal ako sa kanya," paninigurado pa ni Jax. Napangiti naman si Rose.

"Kita ko nga, Boss. You really live up to your name Caleb," may bahid ng pang-aasar na sabi ni Rose. Nung una palang talaga ay magaan na ang loob niya kay Jax. Parang barkada niya lang kasi ito umasta. Pero still alam niya naman kung hanggang saan lang siya, she knows na may boundary parin sa pagitan nila lalo na at boss niya ang lalaki.

"Hey!" naasar naman ni Jax. Sumimangot pa siya at isinumpa sa isip niya ang W.I.T.C.H na comics na hilig basahin ng Mom niya noon. Dahil doon kaya siya pinangalanang Caleb at yun ang kinakainis niya dahil he's not a 'dog'. It's okay that dogs are loyal ang faithful but he's more than a dog! Sa guwapo niya?!

"Sige na wag ka ng maasar. Papayag na akong sa bahay mo magcelebrate, Boss."

Agad nawala ang simangot sa mukha ni Jax. Okay na pala siya na tawaging Caleb ng future sister-in law niya kung ang kapalit naman nun ay ang pagpayag nito sa alok niya.




Nakasakay na sila sa kotse ni Jax at papunta na sa bahay nito ng tanungin siya ng lalaki kung ano ang gusto niyang kainin para maka-order ito.

"I can cook if meron kang ingredients. If possible kasi ay iniiwasan ko talagang kumain ng mga fast food," sabi niya.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Kde žijí příběhy. Začni objevovat