1

11 0 0
                                    

Ash's POV

Naglalakad ako sa hallway ng school na papasukan ko ngayon. Wala namang nag bubulungan o kung ano ang pagpaparinig ang ginagawa nila kaya okay lang. Palingalinga ako sa paligid kasi hinahanap ko ang Dean's Office. Habang hinahanap ko ang D.O. ay pinagmamasdan ko ang aking paligid.


Like what the fuck? May ibang mga babae na halos kinulang sa tela ang mga suot nilang uniforms. Well I'm not against revealing clothes but BLOODY HELL!! Nag suot pa sila ng uniform kung halos kita na ang mga dibdib nila sa sobrang iksi ng mga blouse at skirt na onting galaw mo lang ay makikita mo na ang langit.


Ganto na ba ang uso ngayon? Yung nasa loob ka ng school at naka suot ka ng uniform pero kailangan mga pokpok paden?


Aguy kayo mga leche!!


Napa-iling nalang ako at pinagpatuloy ang paghahanap ng D.O. Ilang saglit pa ay nakarating din ako at kumatok.


*KNOCK* *KNOCK* *KNOCK*


Well hindi talaga ako sanay gumalang at wala akong choice kaya pakitang tao nalang.


"Come in." binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Bumungad sa akin and isang babae na siguro ay nasa mid 30s. Ngumiti siya sakin pagpasok ko saka tumayo para makipag kamay.


"You must be Ms. Smith?" tanong niya sakin.


"Yes." maiksing sagot ko.


"Well, welcome to Leondale International School!" masiglang sabi niya. Hindi na ako nag abalang sumagot at tumango nalang bilang tugon.


"Here is your schedule." abot niya sa akin ng sched ko saka ako nagpasalamat at lumabas na ng D.O.


Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa kabilang building o mas kilalang Secondary. Kasi ang school na ito ay merong tatlong campus at ito ang Primary, Secondary, at Tertiary. Papunta ako ngayong Secondary Campus kasi andoon ang Grade 11.


Pag dating ko sa S.C. ay tinignan ko ang aking sched upang malaman ang aking section.


ICT 11-1.


ICT ang aking kinuhang strand, well si tanda to be exact. Psh.


*BOGSH*


Aray ko kingina!


"BULAG KA BA?!!" sigaw ng lalaking nasa harapan ko. Dahan-dahan akong tumayo habang pinagpag ang pantalon ng biglang may humablot sa braso ko saka nilapit ang mukha niya sakin.


"TINATANONG KO KUNG BULAG KA BA!!" sigaw niya sa mukha ko pero tinitigan ko muna siya ng blanko. Buti nalang nakalagay ang hood ko at naka-glasses ako kaya hindi niya masyadong kita ang mukha ko.

"ANO BA?! SAGOT!!" sigaw niya muli ng wala siyang matanggap na sagot niya sakin.


"Hindi."


"EH BA'T KA HUMAHARANG SA DINADAANAN KO?!!" sigaw niya muli.


"Di ako humaharang." mas lalo naman siyang nainis sa sagot ko kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak niya sa braso. Kung ibang tao lang ako ay baka natakot na ako at umiyak sa kinatatayuan ko but sorry siya kasi ako ito kaya bat ako matatakot?


"Sino ba siya?"

"Gosh! Di niya kilala ang kinabangga niya!"

"She must be new?"

Beyond those EyesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt