Chapter Thirty Eight, Pt. 2

1.7K 56 9
                                    

~

L A L A I N E's

Busy ako sa pagttwitter, facebook at panonood ng funny moments ng One Direction ng biglang may nareceive akong email

"We have received your fan art and it's good but not qualified. Thanks for joining. Hope you can win next time. Have a great day! -One Direction xx"

Ayan 'yong bumungad sa akin pagkabukas ko ng email galing sa One Direction, ano daw? Hindi maaari 'to. WAAAAAAAAAAH!

"Whyyyyy?" Humahagulgol na ako, OA na kung OA pero si Niall ko

"Ano ba? Ano bang gusto mong gawin ko para magkita tayo? Ano ba dapat kong gawin?" Halos mabaliw na ako habang kausap 'yong poster ni Niall na nakapalibot sa pader ng kwarto ko

"Tapos ano? Hindi ka sasagot? Tapos ngingiti ngiti ka pa 'dyan." Binato ko 'yong poster sa sobrang disappointment

Para na akong tanga, pati poster sinisisi ko na. Binigyan ko ng effort at lahat lahat 'yon pero wala rin pala.

"Niaaaaaaaaall! Huhuhu!" Gumulong gulong na ako sa kama habang ngumangawa parin

"Lalaine! Kakain na, bumaba ka na jan." Sigaw ng Mama ko galing sa labas ng pinto

"Ayoko Ma, masakit puson ko." Sa totoo lang, hindi PUSON ang masakit sa akin kundi PUSO

"Bahala ka! Andito si Neill sa baba" Dagdag pa ni Mama, Jusko naging kuko na naman si Niall

"Ma, pwede ba? Wag 'nyo ako ijoke dito." Sabi ko habang gumugulong parin

"Hindi nga ako nagbibiro. Bumaba ka na kasi naghihintay siya." Sabi ni Mama

May narinig naman akong mga tao sa baba, di kaya totoo 'yong sinasabi ni Mama?

Bumaba ako sa kama at pinunasan 'yong luha ko, pagbaba ko

"Neill?!" Sigaw ko

"Oh diba sabi sa'yo andito 'sya." Sabi ng Mama ko

Napakamot ako sa batok. Eh hindi naman si Niall 'to huh? Si Neill to, literal na Neill talaga ang pangalan 'nya, 'yong bwisit na manliligaw ko na ayaw ako tantanan.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ko

"Sungit naman nito! Bakit ba ayaw mo sa akin? Kapangalan naman ako ni Niall." Sabi 'nya

"Pwede ba? Wag kang mafeeling. Umalis ka na, ayaw kita makita." Sabi ko at pumunta sa kusina

"Ma, akala ko ba si Niall? Eh si Neill naman 'yon? Tanong ko sa Mama ko

"Aba'y Lalaine, sinabi ko bang si Niall? Sabi ko Neill, diba?" Tanong niya habang nagbabalat ng patatas

"Eh ganon din tawag mo kay Niall eh! Hayyyy Ma, ewan ko. Akyat na ako! Magbalat na kayo ng patatas." Sabi ko at padabog na umakyat

~
N I A L L's

"Okay, we've picked a girl." Kris told me, holding her phone

"The winner is Sandy Lopez. She made a video for you." Ally told me

"Okay guys, I'll date her but after this I don't want you to do this again." I told them

"Yes, Niall. We promise." Sabi ni Clare

"Uh-oh!" Zayn blurted

"What?" I asked him

"Sandy can't come. She's sick." Liam answered

"Yay! Okay, bye. I'm gonna eat foo--"

"Stay Niall! We still have the second place winner, she's....-" Ally scrolled through her phone "She's Lalaine Ligan. She made a photobook with unique pictures."

I groaned. I thought I was safe but hell NO.

"We'll try to contact her and get you two on a date." Harry smiled at me

"Fine! Fine!" I agreed

~

L A L A I N E's

Nakahiga parin ako sa kama ko, hindi ako gumalaw, ni hindi nga ako nag-fangirl buong maghapon.

Bigla naman tumunog 'yong phone sa tabi ko. Hinayaan ko lang tapos bigla tumunog na naman.

"Aish!" Kinapa ko 'yong cellphone sa gilid ng kama ko at may email na naman

"You're chosen to be Niall Horan's girl for a day. Here's our number 09*********, just text us and we'll give you the details.- One Direction xx"

Napabalikwas ako ng bangon habang paulit ulit na binabasa 'yong email.

"Is this real?" Tanong ko 'don sa poster pero syempre hindi ako sinagot

"WAAAAAAAAAAAH!" Sigaw ko pagkatapos kong kurutin ang sarili ko para makasigurado na hindi panaginip 'to

"Ano ba 'yan Lalaine?" Bumukas 'yong pinto ng kwarto ko at iniluwa ang Mama ko

"MAAAAAAAAAA!" Tumakbo ako at niyakap ang Mama ko

"Aba'y anong problema?" Tanong 'nya

"Ano kasi Ma eh, ang ganda mo ngayon tapos parang pumayat ka, ano sikreto mo Ma? Blooming ka ha." Pambobola ko

"Hay nako! Ano kailangan mong bata ka?" Nahimigan na ni Mama

"Ma, pahinging pera ha?" Todo ngiti pa ako

Naglalambing ako ngayon kasi paano ako makikipag-date kay Niall kung wala akong pera? Huhuhu

"Aray Ma, pahingi lang ng pera eh." Sabi ko, pinalo kasi ako sa pwet

"Ikaw bata ka, matulog ka na nga." Sabi 'nya at lumabas na

Hindi ko ma-contain ang excitement ko sa katawan para sa date namin ni Niall. Ito na 'yong pinakahihintay ko.

Makikita ko na 'yong sunshine ko, si Niall Horan.

~

Okay. May katuloy pa 'to :) At napagdesisyunan ko na wag munang tapusin 'yong story baka may mga 10+ chapters pa ;)

Btw, may pasok na ba kayo? Ako wala pa. Sa January 11 pa kaya baka makapag-update pa ako ng mabilis tapos slow na pag may pasok. Hindi ako pwede papetiks petiks sa College huhuhu ㅠㅠ

-lukeyyyismypenguin xx

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt