Chapter Forty Seven

1.7K 53 5
                                    


Nagliliwaliw lang ako dito sa beach house kasi wala na akong ibang magawa, kaysa naman sa umiyak ako hindi ba?

May nakita akong magazine, familiar yung nasa cover.

One Direction... Nakalagay sa front page. Si ano 'to eh, si ano, yung ano, shet yung lalake sa beach na umupo sa tabi ko. So, Liam pala ang pangalan 'nya.

"Nice name. Liam... Liam... Liam!" Nakahawak pa sa baba ko habang nag-iisip

Sobrang sikat pala nila like omg bakit niya ako kinausap noon? At parang hindi siya pinagkakaguluhan, sabagay private 'tong resort dito.

Siguro kung may nakapicture lang sa amin ay nahunting na ako ng mga fans nila. Jysk!

"Hija, 'yong mga cupcakes nga doon, pakibantayan. Lalabas lang kami ng Daddy mo." Sigaw ni Mommy

"Opo Mom. I will. Take care!" Sabi ko at binasa ulit yung mga articles

....

Nilalabas ko na 'yong mga cupcakes galing sa oven. It smells good.

Habang nilalabas ko ay may naisip ako.

"Sorry Mom! Hope you won't get mad." Bulong ko at isinagawa ang plano ko.

....

"Where the hell are you, Liam?" Bulong ko sa sarili ko habang ginagala ang mata ko sa paligid, nagbabaka sakaling makita siya.

Tinakas ko 'yong cupcakes ni Mommy at nilagay sa box para ibigay kay Liam bilang token of gratitude dahil sa pakikinig niya

"Baka umalis naman na sila? Baka bumalik na sa London? Saya-- Arayyy!"

Napa-upo ako sa white sand. Sakit ng balakang ko.

"OMG! I'm sorry. Hindi ko sinasadya!" Iniabot niya yung kamay niya sa akin

"It's okay. Ayos lang naman ako." I said to the girl, she's beautiful

"I'm really sorry. I'm looking for my boyfriend kasi and hindi kita nakita. Ako pala si Aleynna." She smiled sweetly

"Ahh! I'm Cristina." Sabi ko habang nagpapagpag ng shorts

"Oh! Nice to meet you Cristina pero I have to go! See you around" Sabi ni Ally at nag-iwan ng ngiti

Sinilip ko 'yong cupcakes at hindi naman masyadong nasira, konti lang haha pero ayos parin naman sila. 

Nagpatuloy parin ako sa paghahanap pero hindi ko siya nakita. Siguro sa susunod ko na lang ibigay hayyyy

"What are you doing here?" Bigla akong may narinig na boses nung umupo ako sa buhangin malapit sa dagat

Nagulat ako, kasi 'yong hinahanap ko kanina pa eh andito na ngayon. Pinaglololoko ba ako ng tadhana? 'Yong mga taong hindi mo hinahanap kusang lumalabas, para bang 'yong mga taong hindi mo ineexpect sa buhay mo eh dumarating na lang bigla. 

"Uh. Just relaxing. And you?" Casual na tanong ko

"I saw you and I thought you'll do something stupid than crying" Sabi niya, bakit parang gumwapo siya lalo? O napagod lang ako kakahanap sa kanya kanina?

"Na-uh! You want cupcakes?" Bigla kong naalala

"No! I don't eat sweets. It's not good for my body." Sabi niya

Napatingin naman ako sa body niya and o_O those biceps are killing me!!

"Oh!" 'Yon na lang nasabi ko

Pagkatapos kong itakas 'to sa Mommy ko, pagkatapos kong hanapin siya, pagkatapos kong mapagod, mabunggo, mahilo kakahanap tapos hindi rin naman pala siya kumakain ng sweets. Bigti na ba this? T_T 

"But I'm still going to get it." Basag niya sa katahimikan

Napangiti ako at dagliang sinaksak sa pagmumukha niya 'yong cupcakes. Natawa naman siya.

'Yong tawa niya omg ang cute. First time ko rin siyang nakitang tumatawa.

"Actually, I'm giving that as a token of gratitude because you listened to my problems the other night kahit sobrang hirap ako sa english na magkwento sa'yo non, hindi ko na nga alam kung mata ko pa yung lumuluha o 'yong ilong ko na dumudugo ang aatupagin ko" Natawa ako sa sarili ko

"Have you solved your problems already?" Seryoso na niyang tanong

"Actually...."

Hindi ko natuloy 'yong sasabihin ko kasi honestly hindi ko na nga pinroblema 'yon nung nakilala ko si Liam, pagkatapos kong iyakan 'yong ex ko ay nawala ng parang bula 'yong problema ko. Posible ba 'yon? Hindi ako masyadong nasaktan? Bakit ganon?

Dahil ba kay Liam? Aba'y sumasagot 'yong isip ko

Hindi. Bakit naman magiging dahilan si Liam?

Baka gusto mo na si Liam? 

Hindi naman. Masyadong mabilis.

Oo nga. Alam mo naman siguro 'yong 3-month rule no? Eh wala pa ngang 3 months na wala kayo nung ex mo. 

I know right. Siguro nawili lang ako na kausap si Liam noon, dahil rin siguro sa mga advice niya or mga napag-usapan namin noon that made me realize how stupid my ex is.

Jusko Cris! Ayusin mo 'yang puso mo, hindi nakikinig lagi sa akin kaya laging napapahamak eh.

Napabuntong hininga na lang ako, napatingin naman si Liam sa akin.

"You have problems again? Tell me." 

"No! It's nothing! You know everything about me but I know nothing about you." Bigla kong narealize

"I have a girlfriend." Simula niyang sabi

Tumalon 'yong puso ko. Pssh wala lang 'to

"But we broke up already. She left me." Dagdag niya

Tumalon na naman 'yong puso ko at gusto ko siyang i-comfort at yakapin dahil parang may hinanakit sa damdamin niya

"She's also an idol. A dancer. She left me for her career." Mapait na ngiti 'yong nasa labi niya ngayon

"I-I'm sorry..."

"I loved her so much. It hurts, Cristina! SO MUCH!" Nagpiyok na siya

Nataranta ako kaya hinagip ko siya at niyakap, hindi naman siya kumawala.

I drew circles around his back, at the back of his palm para pakalmahin siya, kumalma naman siya.

"I'm sorry. I just can't hold it all back. I need some shoulder to cry on." Sabi 'nya

"It's okay. Now we're just even." Napangiti ako

"I sound so gay." Pagpapagaan niya sa usapan

Natawa naman ako, so he does.

-----------------

Pasensya sa walang kwentang update ko :( HAHAHAHA Sobrang busy ako ngayon kaya ngayon lang ako naka-update. Thanks so much for waiting, voting, commenting and everything. Love you all <3 Pagkatapos ng thesis ko, I promise maga-update ako ng bongga :D

(C) lukeyyyismypenguin xoxo

Twitter: @LetMALIKYorFace follow me xx

IG: lukeyyyismypenguin follow me xx

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Where stories live. Discover now