Chapter Thirty Four

2.1K 64 4
                                    

~

"Ang haba naman ng pila dito!" Sabi ni Kris na nagpapaypay gamit 'yong kamay niya

"Kaya nga eh. Next time na tayo bumili" Sabi ni Clare

"Next time? Tita naman eh, ubos na 'to nyan sa next time na sinasabi mo" Sabi naman ni Maxx

Ako? Eto nakatingin lang sa iba't ibang tao, ang dami grabe. Ganito na sila kasikat, kilala pa kaya nila ako? Syempre, hindi na. 

"Ayan na! Ayan na! Galaw na!" Sabi ko sa kanila nung gumalaw 'yong mga tao

Pagkatapos ng isa't kalahating oras, nakabili na kami ng apat, VIP lahat :)

"Yesssss! Picturan ko dali, post natin sa IG, Twitter, Facebook, Myspace, tumblr at iba pa." Sabi ni Maxene

Natawa naman kami pero pinahawak na namin sa kanya 'yong mga ticket namin. Bigla naman ako na-excite, nahawa na ako sa kanila.

"Na-excite ako. Sht! Makilala kaya ako ulit ni Louis?" Tanong ni Kris

Si Kris, ayun hindi parin niya nakakabonding si Kris gaya ng pagkakabonding namin sa kanila ni Clare. Sayang nga eh.

"Excuse me, Miss? Makilala? Bakit naman? Friends ba kayo?" Tumatawang sabi nung isang fan, nang-iinis ata

"Aba! Baka hindi mo ako nakikilala?" Tanong ni Kris

"Hindi talaga, Sino ka ba?" Tanong niya

"Friend ni Louis." Pagmamayabang ni Kris

Jusko! Pinatulan pa niya.

"Hay nako, Ate! Wag kang managinip ng gising." Sabi nung kasama nung bitch na fan

Tapos nagulat ako sa ginawa niya, tinapat niya sa mukha nung fan yung phone niya. Pinakita niya 'yong picture nila ni Louis noon, nagulat naman yung fan.

Hindi na namin sila hinintay pang magsalita, umalis na kami. Pinagtitinginan na kami ng mga tao eh, nakakahiya.

"Grabe Kris! Nakailang palit ka na ng phone pero anjan parin yang picture na yan?" Komento ni Clare

"Uy, dapat tinatago to no. Fangirl with the love of her life, napakaimportante nito sa buhay ko." Sabi ni Kris at nagpara ng taxi

Sumakay na kami tapos sinabi ko yung address.

"Hi Tita!" Bati ni Clare at Kris

"Ano? Nakabili na ba kayo ng ticket??" Tanong ni Mama

Suportado niya kami sa pagiging fangirl naming apat kaya ayos lang sa kanya. 

"Opo Momsie" Sagot ni Maxx

"Osige. Kumain muna kayo. Mukhang pagod kayo" Nakangiting sabi ni Mama

Pumunta naman kami sa kusina at kumain. Tama nga si Mama, pagod kami.

~

After 2weeks.....

"AYOKO NA PUMUNTA!" Bigla kong sigaw habang nag-aayos 'yong apat

Napatingin naman sila sa akin.

"Ma, Bakit na naman ba?" Tanong ni Maxene

Tinignan ko ulit 'yong phone ko, 'yong tweet kasi ni Harry

@Harry_Styles: Philippines! We're gonna party hard tonight! Woooooh!

Tapos 'yong isa pa niyang tweet, 

@Harry_Styles: Hope to see you soon, I will come back to you.

Sino kaya tinutukoy nito? Ako ba? Or may nakilala siyang ibang babae dito sa Pilipinas? Jusko! Sakit sa puso nung huli kong naisip.

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Where stories live. Discover now