Chapter Eleven

3.2K 99 11
                                    

This is it! Finally! Aalis na kami, simula na ng tour nila next week so aalis na kami sa London papuntang Ireland, excited nga si Niall eh, syempre hometown :D

Actually, kagagaling lang namin sa Mall para bumili ng mga gagamitin ko sa tour, medyo tatlong oras pa naman bago kami umalis, alas kwatro pa lang , excited lang kasi ako lol, konti lang dala kong damit eh kasi hindi ko naman alam na magiging ganito pala buhay ko sa London <3

"Are you ready to leave Ally?" Tanong sa akin ni Niall habang naglalaro ng FIFA kasama si Louis at Liam, si Zayn nag-paalam muna kay Perrie, si Louis nagpaalam na kahapon, si Harry ewan ko

"Yeah Nialler! I wanna see your hometown soon" Nakangiti na sabi ko sa kanya

"I will tour you there" Sabi ni Niall tapos naghigh five kami nang bigla namang bumukas yung pinto, si Harry

"Hey Guys!" Umupo siya sa tabi ko, madikit to sa akin this past few days

"Where did you go?" Tanong ko sa kanya

"Outside. Why? You miss me?" Panunukso niya

"Kapal nito! Pasalamat ka gwapo ka kundi nasapak na kita." Sabi ko sa kanya

"I observed that whenever you're angry or what you're using that alien language" Sabi niya sa akin

"Don't mind it!" Sabi ko na lang

Nanahimik siya saglit pero nagwawala na yung puso ko nung bumulong siya sa tenga ko "Remember that we're going on a date?" Yung mainit na hininga niya at kumiliti sa tenga ko kaya nanginig yung buong katawan ko

"U-uh! Ye-yeah!" Nauutal na sagot ko

Hinila niya yung kamay ko at nagpaalam sa mga tao na kasama namin na lalabas lang kami saglit. Nagpatangay lang ako sa kanya pero nung nasa elevator na ay nagising ulit yung diwa ko

"Where are we going?" Tanong ko at napatingin naman ako sa kamay namin, magkaholding hands kami. Kyaaaaaaaaaaaaaaah. Nakalimutan ko na kung paano huminga, paturo? >/////////////<

"Just a walk in a park since we don't have much time" Nakangiti niyang sabi labas dimples pa

Okay, aaminin ko Inlove na ako sa kanya. Mali! Let me rephrase. Aaminin ko MAS LALO NA AKO NAINLOVE sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero every moment, every seconds, every minute, every day It feels like Im getting so close to him. It's been a month or ewan na magkasama kami, ewan ko ba kung tama yung nararamdaman ko kasi ang bilis naman, every move he make makes me feel so loved and special. Every words na bibitawan niya ay nakakaflutter <3 Part ba yung ng pagiging flirt niya or talaga bang gusto niya ako?

I really can't even explain kung ano din tong nararamdaman ko, Do I like him kasi nasa isang boyband siya na matagal ko ng hinahangaan o gusto ko siya kasi dahil siya si Harry Styles, yung tao na ibang iba kapag walang spotlight na nakatutok sa kanya, yung tao na ginagawa lang ang gusto niya at walang pakealam sa sasabihin ng iba, yung lalake na gumagawa parin ng mabuti sa kapwa niya kahit walang nakaharap na camera. I don't know what is this yet. Basta Im so happy na kausap at kasama siya. Too complicated -__-

Hindi ko nga alam kung ano iniisip at nararamdaman niya ngayon. I wish I could read minds.

Naglakad lang kami papunta sa park kasi may malapit naman sa hotel eh, and binitawan niya na din ako and nakaramdam ako ng parang nawala yung isang bahagi ng katawan ko, Corny talaga kapag inlove :D

"Let's sit there" Turo niya sa bench na nakasilong sa isang malaking puno

Naglakad naman ako papunta doon at umupo.

"So relaxing!" Maririnig mo lang ay yung mga ibon at bell ng ice cream at tawa ng mga bata na naglalaro

"I know! I wanna relax. We've been in a lot of works, recordings and interviews. Too tired" Sabi niya

"I guess it's too hard to be famous then" Sabi ko sa kanya

"You could say that but it has a lot of fun too, making music for people is so much fun" Nakangiting sabi niya

"Sobrang famous mo na pero ang bait mo parin. Sana magstay ka lang na ganyan. Gusto na ata kita, hay ewan ko ba" Nakangiti na sabi ko sa kanya

"You're weird. Want some ice cream?" Natatawang tanong niya

Tumango naman ako kaya tumayo siya at pumunta sa ice cream stand para bumili, pagbalik niya ay inabot niya sa akin yung strawberry flavored na ice cream

"Thank you, Harry!" Sabi ko

"No problem, Babe" Nagwink pa ang loko

Nag-usap lang kami habang nagtatawanan kasi nagknock knock jokes siya pero ang corny naman nung iba :D Nagmemake face siya minsan. Siya lang nakakapagpatawa sa akin ng ganito. Promise! Si Ano din dati napapatawa niya din ako ng ganito pero sinaktan niya lang ako, bakit ko ba kwinekwento to? Nevermind -__-

Nagyaya siya na pumunta sa tabing dagat, may beach kasi dito, ewan ko ano pangalan, kinaladkad lang naman ako eh :D

"Let's watch the sunset, it's already 5:30" Sabi niya sa akin at umupo sa buhangin

"That would be cool. I love the color of orange" Sabi ko sa kanya

Tumawa naman siya, nakatingin lang kami parehas sa papalubog na araw ng magsalita siya

"What is 715/5?" Bigla niyang tanong

"Uhm. I don't do Math. I hate that subject, dude. Don't ask me" Sabi ko sa kanya

Ang romantic na sana ng scenario na to eh tapos bigla tanong about sa Math

"Stupid! Why not just divide it and analyze the answer" Sabi niya pero hanggang Stupid lang narinig ko kasi bulong na yung iba -__-

"I don't like Math. Can't blame me" Natatawang napatingin naman ako sa kanya

Napatingin din naman siya sa akin, papalapit yung mukha niya. Hahalikan niya ba ako? OMG! Kapag nahalikan ako ni Harry tatalon na ako sa dagat at pwede ng mamatay. Malapit na oh

"Krrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiing"

Lumayo naman siya at kinuha yung cellphone niya sa bulsa niya at sinagot

"What?... Yeah!.. We're on our way... Okay.. Bye.. Love you too Liam" Pang-aasar niya kay Liam, kasi Liam sabi niya

"Is that Liam trying to tell us to go back now?" Panghuhula ko

"You're very smart but not in Math though" Natatawang sabi niya 

"I know" Pakikisakay ko at natawa din

Naglakad na kami pabalik sa hotel na tahimik lang, nung medyo malamig lamig na ay tinakip niya sa akin yung jacket niya, yung brown <3 Tapos naglakad na kami patuloy sa hotel.

Napakasimpleng date lang nito pero sobra sobrang memorable, except sa last part sa tabing dagat :D Pero all in all masaya tong araw na to pero hindi ko parin alam nararamdaman ko -__- Sana malaman ko na rin nyan to eventually. 

---------------------------

Hiiiii. Yayy! Nasa 11th Chapter na tayo, medyo mahaba haba pa kaya bear with my kacoryhan :D Sana magustuhan niyo yung mga kilig moments (para sa akin) at hindi nakakakilig moments (para sa inyo kasi corny) hahaha sorry :) I'll try to make it better pa. Basta read, vote and comment po kayo. Thank youuuu and Godbless <3

(c) 1DrctnFrvrStyls

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Where stories live. Discover now