Special Chapter, Pt. 3: ClarexZayn

2K 70 13
                                    

~

C L A R E' S P O V

"Tita Clare, nasabi ko na ba sa'yo na nayakap ko na si Zayn?!" Sabi ni Maxene

"Nayakap? Aba'y nananaginip kang bata ka." Sagot ko naman sa kanya at nire-ready 'yong fireworks para mamaya

Oo, andito ako kila Ally ngayon. New Year na, alangan sa bahay ako mag-isa diba? Nasa London family ko.

Ayoko naman umuwi, ang dami kayang tao sa airport and mapapagod lang ako new year na new year.

"Hindi ako nananaginip. May sinabi pa nga siya na 'yong mah--"

"Ay nako kang bata ka! Hanap ka ni Momsie mo, nasa kusina. Tulungan mo daw siya sa pagluluto since Cullinary naman course mo." Tinakpan ni Ally 'yong bibig ni Maxx at pinapasok 'sya

"Hayaan mo na nga 'yong batang 'yon. Nasobrahan sa fangirl. Siya nga pala, may darating pang mga firecrackers mamaya, idadaan nong limang lalake na nagtatrabaho sa pinagbilihan ko non. Paki-set up na lang, Clare." Bilin ni Ally sa akin

Aba, ganito na lang ba ang ginagawa sa mga singles ngayon? Maging utusan? De biro lang. Nabibitter kasi ako sa dalawa kong kaibigan, nakuha na nila 'yong mga pinapangarap nila, tapos ako? Jusko. Lubog sa nakaraan.

Bagong taon, bagong buhay daw dapat. Hayy pero ako ata bagong taon, kailangan mabuhay. Feeling ko kasi wala nang saysay 'yong buhay ko, biro lang ulit. Nagdadrama lang ako.

"Hoy, ano dinadrama drama mo jan?" Bigla naman lumitaw si Kris sa harap ko

"Wala. Aba'y hindi mo kasama si Louis ngayon? Naghiwalay na kayo 'no?" Pang-aasar ko

"Wag mo akong idamay sa kabitter-an mo ha. May ginawa lang siya para sa kaibigan niya." Sabi niya na parang umiiwas

"At ano naman 'yon? Baka nambabae na." Pagpapatuloy ko

"Basta. Hayy bahala ka jan. Lumipad ka sana sa langit kasama 'yang mga paputok." Sabi niya tapos pumasok na sa loob

Malapit na ako matapos sa pag-aayos ng may humintong puting van sa harap ng gate. May lumabas na limang lalake, nakatakip 'yong mga mukha.

"Ano po 'yon?" Tanong ko

Bumulong naman 'yong isa doon sa isa. Ewan ko ba, kinakausap ko tapos bubulong bulong.

"We're here to deliver this." Sabi nong isa, pinakita 'yong hawak nilang paputok

"Aba english speaking pa tindero lang naman ng paputok." Bulong ko

Binuksan ko 'yong gate tapos pinapasok sila, sakto naman lumabas si Ally at Kris.

"Oh? Andito na pala. Thank you." Sabi ni Ally tapos nginitian 'yong isa

Aba may boyfriend na tapos ngumingiti pa sa tindero.

"Let's try if it is working." Sabi nong isa sa limang lalake, 'yong boses 'nya biglang naging familiar

Sinindihan naman niya, ang ganda tapos biglang nag-form ng

"I miss you, Clare."

Napatingin ako sa nagsindi, nakatanggal na 'yong balot sa mukha niya

O______O

Si Zayn Javadd Malik..

Totoo ba to? Sinampal ko 'yong sarili ko pero andoon parin 'sya. Paanong?

Hinawakan 'nya 'yong kamay ko 'nong akmang sasampalin ko sana ulit 'yong sarili ko.

"Hi Clare. Do you miss me, too?" Sabi niya at nakangiti

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Where stories live. Discover now