Chapter Thirty Eight

Start from the beginning
                                    

"Ikaw Lalaine ha! Ke-aga aga, si Neil na naman." Sabi ng Mama ko

"Ma, Niall 'yon hindi Neil." Sabi ko, ano siya kuko?

May sinabi 'sya pero hindi ko pinansin, tumalon ako sa kama at kinuha lahat ng materials na magagamit ko sa gagawin ko.

Oo nga pala, ako si Lalaine Ligan. Isang fangirl katulad 'nyo, si Niall Horan naman ang asawa ko este sunshine ko. Okay, enough info may gagawin pa ako.

Nag-search ako sa net ng mga pwedeng gawin pero wala akong makita.

"I need help!" Frustrated na sigaw ko tapos kinuha 'yong cellphone ko

(Hello?) Sabi sa kabilang linya, tinawagan ko bestfriend ko

"Diobelle, help me. Sige na!" Nagmamaka-awang sabi ko

(Ano na naman ba problema mo? Ilang beses ko ba kasing sasabihin na hindi kayo pwede ni Nia--)

"Pwede ba? Ang bitter mo ha, ikakasal lang si Harry pati ako idadamay mo pa." Sabi ko sa kanya

Oo, fangirl siya ni Harry pero simula nong mabalitaan 'nyang ikakasal na ay naging ampalaya na ang paborito niyang pagkain, ewan ko ba. Magulo siya, ayaw nya ikasal si Harry pero bet niya si Ally. Jusme!

"Magpapatulong sana ako sa gagawin kong fan art." Sinabi ko na 'yong bagay na dapat kong sabihin

(Para kanino?) Tanong 'nya

"Kay Niall." Sagot ko

(At bakit mo naman siya gagawan?)

"Diobelle wag na maraming tanong. Hintayin kita dito sa bahay ha. Bye" Nag-hung up na ako

Lumabas ako ng bahay para abangan si Diobelle eh nasa ikalimang block lang 'yong bahay nila.

Kinaladkad ko na 'sya papunta sa loob ng bahay, bawal mag-aksaya ng oras baka may mapili ng iba para i-date si Nialler.

"Kumalma ka nga!" Natatawang sabi ni Belle, 'yon nickname ni Diobelle, nung nasa kwarto na kami

"Eh kasi naman eh baka may mapili na." Nakapout na sabi ko

"Okay. Gumawa ka na lang ng parang book tapos punuin mo ng pictures 'nya, tapos 'yong message mo sa dulo." Suggest ni Belle

Tumango tango naman ako.

"Parang ang common?" Pagtatanong ko

"Edi gawin mong unique, ilagay mong pictures ay 'yong mga pinag-eeedit mong magkasama kayo. Oh, diba?" Sabi 'nya

"Pwede naman 'yon kaso nakakahiya kay Niall baka sabihin 'nya mafeeling ako."

"Ano ba Lalaine? Gusto mo manalo o hindi?" Tanong ni Belle

"Syempre gusto. Oo na, gagawin na." Sabi ko

Pina-print ko lahat ng pictures na meron ako at nagdikit dikit sa bond papers na gagawin kong libro.

Dikit dito...

Dikit doon...

Gupit dito...

Gupit doon...

Sulat dito...

Sulat doon...

Tape dito...

Tape doon...

Bura dito...

Bura doon...

Kiss sa picture ni Niall dito...

Kiss sa picture ni Niall doon...

"I'm done!" Sigaw ko

"Sa wakas! After 1236373 years." Pagbibiro ni Belle

"Thank you sa idea, Belle! Pipicturan ko na lang 'to tapos isesend sa email na ibinigay." Sabi ko at bumaba na kami

"Nag-effort ka pa eh picture lang naman pala kailangan, edi sana 'yong cover na lang ginawa mo at ilang pages?" Nagtatakang tanong ni Belle

"Malay mo may pag gamitan ako. Basta! Tara dito ka na kumain ng dinner." Sabi ko

Pumayag naman sya kahit di pa sya nagpapaalam sa Mama nya kasi kilala naman ako sa kanila at matalik na magkaibigan din ang parents namin.

And BAM, We just spend the whole day fangirling.

~

So, ayan na ulit, nag-update na ako. To be continue pa 'to hahaha just wait :)

Dedicated 'to kay LalaineLigan kasi siya 'yong partner ni Niall dito and si  DiobelleMabalot na kagaya kong Harry's girl as Lalaine's bestfriend. Thank you sana i-vote at magcomment kayo kung ano ang nasa isip 'nyo about this. Hahaha

Pasensya kung napakacorny or lame basta. Hehe

-lukeyyyismypenguin xx

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Where stories live. Discover now