Chapter 14: Algebra ✘

29 4 0
                                    

Lunes na naman. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagpasok ko. Bakit? Kase first subject namin ay math! College Algebra. Anga-anga pa naman ako sa math. Tanungan mo na ko ng kung anu-ano wag lang math! Dyosko! Huhuhuhuhu.

Lord? Tulungan nyo po ako sa math. T__T hindi lang ako, kundi yung mga mahihina din duon.

Bumaba na ko sa kwarto ko at lumabas na, sakto naman ang dating ni Loisa sa gate namin at nagsabay na kami pumasok sa school.

"Best! Excited na ko makita si Sir Harold!" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

Si sir Harold pala yung prof namin sa math! Mukha pa namang syang masungit at istrikto! Kakatakot!

"Ako hindi. Hoy Loisa! Prof natin yun sa math! Nakalimutan mo na ba?" Nanlaki ang mga mata nya. Huminto sya sa paglakad at hinarap ako.

"Waaahh!? Totoo? Patay tayo nyan! Eh boplaks tayo sa math eh!" Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Mag pray na lang tayo."

"Tama! Tama.." at pumikit ang mga mata at nagsimula ng magdasal.

Basta Lord, tulungan nyo po kami ni Loisa.

Nang makarating kami sa University, dumiretso na kami sa room. Maingay, magulo at may kanya kanyang mundo ang mga kaklase namin. Ano bang bago? Hay..

Umupo na kami sa likod, occupied na kase yung mga nasa harap.

Maya maya dumating na din si Darren. Napalingon ako sa kanya at tumingin naman sya saken.

Akala nya ba nakalimutan ko na yung ginawa nya at sinabi nya saken? Hah! Hindi ah! Boyfriend ko pala sya ah? KAPAL! Baka sya lang ang nakaka-alam.

Tinignan ko sya ng masama dahil lumapit sya saken at tumabi.

Kapal talaga ng mukha.

"Good morning Angel!" Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. Ang lakas ng loob nyang mag 'good morning' saken ah! Parang walang nangyari.

"Tse! Anong maganda sa umaga?" Sambit ko. Nakakabadtrip kase!

"Ang paggising mo ngayon." Natahimik ako sa sinabi nya. "Masuwerte tayo dahil ginising pa tayo ni God. Every gising is a blessing."

Natulala ako sa sinabi nya. Pumikit ako at nagdasal.

Lord? Sorry po kung nakalimutan ko po kayong pasalamatan sa paggising nyo sakin ngayong araw. Maraming salamat po dahil binibigyan nyo po ako ng pag-asa araw-araw. Patawarin nyo po ako dahil nakalimutan ko po kayong pasalamatan.

"Good morning Darren!" Napamulat ang mga mata ko ng binati ni Loisa si Darren.

"Good Morning." Sabay ngiti sa kaniya.

Nakaramdam naman ako ng hiya kay Darren dahil sa mga sinabi nya. Sana di na lang ako nagtanong. Hay.

"Sorry." Sabi ko kay Darren. "Hindi ko naisip yung sinabi mo."

At hindi na lang sya nagsalita dahil dumating na pala si Sir Harold.

Ayan na! Umpisa na ng kalbaryo namin ni Loisa sa Algebra.

Nagsimula nang idiscuss ni Sir harold ang 'Polynomials' ayan pa naman ang isa sa pinaka ayaw kong topic nung 2nd year high school ako! Waaahhh!!! T____T

"What is Polynomial?" Napatingin kami ni Loisa kay Sir. Kinabahan ako bigla, lumamig bigla ang kamay ko. Umiwas ako ng tingin kay Sir at tumingin sa notebook ko para hindi ako matawag. Sana naman.

"You!" Napatingin ako bigla kay sir, buti na lang yung nasa gitna yung tinawag nya.

"Best! Nakakatakot si Sir! Nagtanong agad! Buti di tayo tinawag." Sabi saken ni Loisa.

"Kinakabahan ako." Mahina kong sabi kay Loisa at nag fighting sign na lang sya.

Nakinig na ko sa lesson nya. Puro English ang naririnig ko sa kaniya. Mabilis at parang easy lang kay sir ang lahat ng tinuturo nya. Ang astig nya tuloy tignan. Medyo na-gets ko naman ang tinuro nya dahil basic pa lang ang tinuro nya.

3 hours ang gugugulin namin sa subject na to at 30 minutes pa lang ang nakakalipas nabuburyo na ko!

Habang patagal ng patagal, padagdag ng padagdag at pataas ng pataas ng exponent na tinuturo nya. Dumadami na din ang mga numbers at variables sa mga tinuturo nya.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatulala sa board dahil hindi ko na tuluyang naintindihan ang lesson.

Sa umpisa, oo! Naintindihan ko dahil basic. Pero ngayon? Dumudugo na ang utak ko sa mga nakikita ko.

Napuno ni Sir ang dalawang white board na puro equation at solutions. Iba't ibang gamit sa polynomials at checking kuno.

Waaahh!! Nakakabobo!

Hind ko na napigilan ang sarili kong mapakamot sa ulo ko. Nakakaburyo! Promise! Wala na kong maintindihan!!

Tinignan ko si Loisa at punong puno ng pagkadismaya ang mukha nya. Siguro parehas lang kami ng nararamdaman ngayon. Totoo pala na kapag nasa college ka na, sobrang hirap na pala talaga.

Tinignan ko ang relo ko at 2 hours and 15 minutes na pala sya nagtuturo. At parang nakaramdam ako na malapit ng matapos ang lesson nya. Inayos ko ang sarili ko at tumingin kay Darren.

O___O

Base sa pagkakita ko sa mukha nya, mukhang naintindihan nya lahat ng tinuro ni Sir. Eh di sya na!

"Now, who can solve this?" Napatingin ako sa whiteboard ng nagtanong si Sir. Unang kita ko pa lang sa equation na tinuro nya gusto ko nang kainin na ko ng lupa! Oo now na please! Hindi ko alam kung paano i-solve yan! Ayokong tawagin ako ni Sir! Huhuhuhu.

Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng puso ko ng tumingin sya sa likod, sa pwesto namin. Nagtama ang mga mata namin at umiwas ako ng tingin, itinuon ko ang mata ko sa notebook ko para kunwari nag-sosolve ako. Hashtag studyante moves! Waaaahh!!

"Sige ikaw!" Naptatingin ako kay Sir. Akala ko ako ang tinawag. Si Darren pala.

Pinagmasdan ko lang si Darren kung paano nya i-solve ang binigay ni Sir sa white board.

"Very Good." At bumalik na si Darren sa tabi ko. Napanganga ako sa ginawa nya. Ang galing! Matalino!

"So for your assignment." Nagsulat sya ng tatlong equation na iso-solve namin. At kinopya naman namin yun.

"Kayong tatlo sa likod ang sasagot at magpalaliwanag nito next meeting." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir. Napunok ako ng laway. Bakit kasama ako? Huhuhu T___T

Nakita ko rin si Loisa na parang kinabahan din. Hala? Paano na to? Waaahh!!

Napalingon naman ako kay Darren at parang hayahay lang sya sa nangyari.

Lord? Tulong!

"That's all for today, Goodbye."

"GoodBye Sir"

Nanlambot ang mga tuhod ko ng tumayo ako.

GoodLuck na lang samin ni Loisa. ~T_T~

---

(Sariling karanasan ko yan! Wahahah! #studyantemoves

Sabay sabay tayong manalangin na maging ayos ang paguwi ni pope francis sa vatican )

KeychainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon