Napatulala ako sa narinig ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. Puno ng gulat at katanungan ang nasa isip ko ngayon. Pumunta sya dito kase dito namatay ang babaeng pinaka importante at pinakamamahal nya? Pero sino? Sino yun? At sino sya?
"Miss?"
"Pwede ko bang malaman kung sino sya?" Sabi ko. Hindi naman sa pakelamera pero gusto ko lang talagang malaman. Huwag nya naman sanang masamain.
Tumingin sya saken ng diretso sa mata ko na tila bang binabasa ang nasa isip ko. Bakit bigla akong kinabahan?
"Girlfriend ko sya."
O_____O
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Bakit sya namatay? Paano? Kailan? Ano?" Sunod-sunod na tanong ko. Bahala na kung makulitan sya saken. Basta gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong na iyon.
"Hindi ko alam ang lahat ng pangyayari, pero alam ko lang.. namatay sya dito dahil sa isang car accident."
"Dito?"
"Oo."
Hindi ako halos makapaniwala sa mga narinig ko. May kaso pala ng car accident dito?
"Bakit hindi mo alam ang buong pangyayari?" Pakelamera na kung pakelamera. Gusto ko lang talagang malaman.
Bumuntong hininga sya bago magsalita.
"Bago kase mangyare ang aksidente, nasa California ako para dalawin ang mga magulang ko. Hanggang sa nakatanggap na lang ako ng text na ... patay na sya."
Nakaramdam naman ako ng lungkot sa narinig ko. Kahit siguro ako yun, malulungkot din ako ng sobra sobra.
"Pasensya ka na kung tinanong ko ah. Hindi ko naman sinasadyang marinig yun. Sorry." Napayuko ako ng di oras.
"Ayos lang." Sabi nya ng may malungkot na boses.
"Pwede bang magtanong ulit?"
"Ano yun?"
"Pangalan mo?" Sabi ko.
Nakitingin ako ng diretso sa mga mata nya. Ano nga kayang pangalan nya?
"Ako si..."
Si?
"Terren."
Ter-ren?
Ter-ren?
Ter-ren?
"Miss?"
Ter-ren?
"Miss?!"
***
"Wait lang! Katawagan ko yung boyfriend ko eh!"
"Ano ba kaseng pangalan nya ah? Pakilala mo nga saken! Di ko pa nga sya nakikita eh."
"Wala kase sya dito nasa California sya ngayon."
"Ah, oh? Ano nga pangalan? And daya mo naman eh!"
"Terren, sya si Terren."
***
"Miss!? Huy!?"
"AyTerren!" Gulat kong sabi. Masyadong na-occupied ang isip ko.
"Oo ako si Terren." Sabay ngiti saken. "Lalim ng iniisip mo ah? Mai-stressded ka niyan." Sabi nya.
Oo nga. Masyadong malalim ang mga naiisip ko. Kumbaga mga alaalang hinuhukay sa isip ko para maalala ko.
"May problema ba?"
Napatingin naman ako sa kaniya bigla.
"Wa-wala."
Tinignan nya ko sa mata. Bigla naman akong umiwas at tumingin sa iba.
"Una na ko. Mag ga-gabi na din pala. Sige.." Paalam ko sa kaniya.
Tumalikod na ko at naglakad na paalis doon ng bigla nyang hinawakan ang braso ko.
"Ano..."
Napaharap naman ako sa kaniya.
"Ano yun?" Sabi ko.
"Pwede ko din bang malaman ang pangalan mo?"
Napahinto ako saglit. Hindi ko akalain na tatanungin nya din ako.
"Angel." Ngumiti ako sa kaniya at binitawan na nya ko.
"Ah.. okay na. Sige Ingat ka! Gusto mo ba ihatid na kita?"
"Hah? Hindi. Hindi na! Wag na. Kaya ko.. sige babay!" At naglakad na ko palayo sa kaniya.
Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang mag-isip. Para bang wala ako sa sarili.
Pagka-uwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Wala akong pakelam kung hindi pa ko nagpapalit ng damit o basa man ng pawis ang katawan ko. Masyado akong napagod ngayong araw, physically and mentally.
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko na may painting na heaven.
"Napakaganda." Banggit ko. Biglang gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ito.
Habang nakatingin ako doon, biglang pumasok sa isip ko si Terren.
Sino ka ba Terren? bakit nasa alaala kita?
Hindi ko malaman ang mararamdaman ko ngayon. Parang ang bigat na hindi ko maintindihan.
"Hik*Hik*"
Napahawak ako sa mata ko. Umiiyak na pala ako. Bakit? Bakit ako umiiyak? Ano to? Hindi ko maintindihan.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Iyak lang ang kaya kong magawa ngayon. Bakit? Bakit ganito nararamdaman ko?
Sino ka ba talaga Terren?
Iyak pa rin ako ng iyak. May amnesia ba talaga ako? Wala akong matandaan sa nakaraan ko tapos ngayon unti-unting bumabalik ang lahat. Kumbaga sa isang Puzzle, kulang kulang ang mga pieces. Mabubuo ko lang yun kapag hinanap ko isa isa.
Pero saan ko hahanapin?
Iyan ang malaking hamon na haharapin ko. Kailangan kong mahanap ang mga iyon para matapos na, matapos na ang mga katanungang bumabagabag sa isip ko tungkol sa nakaraan ko.
Pero paano?
Napapikit ako ng mga mata. Nakakapagod at nakakabaliw. Gusto ko munang magpahinga.
Alam kong binigay ng Dyos itong pagsubok na ito dahil alam nyang kaya kong lagpasan ito.
I trust you Lord. Just give me more strength.
At tuluyan na kong nakatulog.
---
(Follow me on twitter! @FMEG14
Follow me on Instagram! @aniof_aniofMore chapters pa! Abangan! ♥)
BINABASA MO ANG
Keychain
RandomTwo pictures inside a keychain that fulls of memories and hurt. An angel sent from God to know what my past is.