Chapter 10: Guardian Angel ♡

61 6 0
                                    

Nagtatakang nakatingin pa rin ako sa katabi ko ngayon. Si Loisa ang nasa kaliwa ko at sya naman ang nasa kanan ko.

"Baka matunaw ako."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Hah! Grabe! Ano bang iniisip nya?

"Hoy! Hindi kita tinitignan no!" Palag ko kahit alam kong nakatingin talaga ako sa kaniya. Mahangin din pala tong loko na to. Akala ko mabait! Hmmmphh!

"Hahaha joke lang. Eto naman high blood agad."

Inirapan ko na lang sya at tumingin ako kay Loisa.

"Huy! Ano yan ah?!" Pilyang tanong nya. Ano bang iniisip ng babaitang to? -_-

"Ano?"

"Anong pinag-usapan nyo? Nagpakilala ba sya sayo?"

-____-

"Hindi." Seryosong sabi ko, napaka-tsismosa talaga nitong babaeng to.

"Weh? Anong pinag usapan nyo? Ano nga?! Dali kwento mo!"

"You two!"

Napatingin kaming dalawa ni Loisa sa prof namin.

"Kung magdadaldalan lang kayong dalawa, bukas ang pinto lumabas kayo." Sabi ng mataray naming prof. Nakakahiya! Lahat ng kaklase namin ngayon nakatingin samin! Waahh!! Ayoko nang ganito eh, attention seeker!

"Sorry po Ma'am" Labas tengang sambit namin ni Loisa.

Inirapan lang kami ng 'Mataray' naming prof at tinuloy na lang ang pag discuss nya ng rules and regulation sa loob ng klase nya. -_- feeling high school! College na kami eh -____-

Hindi na muna kami nag imikan ni Loisa. Second day na second day ng klase na award agad kami!? Waaaahh!! Kakahiya amp!  ̄︿ ̄

Dakdak lang nang dakdak si mam hanggang sa natapos na rin sya.

Hayy salamat naman.

Lunch na kaya naman pumunta na lang kame sa Mcdo. Humanap kame ng mauupuan at si Loisa na ang um-order.

Habang nakaupo lang ako, hindi ko mapigilang mapa isip sa mga nangyari kanina. Ngayon masasabi ko na talagang totoo ang mga multo. Pero pano kung hindi pala sya multo? Alien? Ewan! Demonyo? Parang di naman.

Angel?

Di kaya sya'y isang angel? pwede.

***

"Kung gaano kadami ang mga tao sa lupa, ganoon din kadami ang anghel sa langit."

"Talaga lola?"

"Oo apo! At bawat isa satin may tinatawag na guardian angel."

"Ano yun Lola?"

"Yung ang anghel na pinapadala ng Panginoon para magbantay at magprotekta sa isang tao."

"Pwede ko po ba syang makita Lola?"

"Hindi, pero minsan ang mga anghel ay nagiging tao din. Hindi lang natin alam dahil nagkakatawang tao sila."

"Ah..."

"Malay natin nakita na pala natin ang guardian angel natin pero hindi lang natin alam."

"Ah..."

***

Napa-isip ako sa sinabi saken ng Lola ko 7 years ago.

Guardian angel ko kaya yun?

"Uy!"

"Ay Guardian Angel!" Si Loisa lang pala. -___-

"Iniisip mo naman ang tungkol sa mga angels." At binaba na nya ang tray ng pagkain namin.

"Ah.. eh.. hehe.. ahaha!" tawang pilit! Hahaha -_-# kumain na lang ako. Aba! Kakagutom kaya tong araw na to!

Nakatingin lang saken si Loisa na parang sya ang naloloka hindi ako.

"Nga pala Angel, anong nangyari sayo kanina? Anong mayroon sa park.?"

Sasabihin ko ba?

"Ahmmm, ano.. ah..."

"Eh? Ih? Oh? Uh? Ano nga!?"

"Sa park..." napabuntong hininga ako.

"Ano?" ?.?

"Sa park... kami nagkita ni Jake kanina." Nagulat sya sa sinabi ko.

Hindi ko muna sasabihin sayo, hahayaan ko muna na ako lang ang nakaka-alam nito.

Kahit gustong gusto ko nang sabihin sa kaniya hindi muna pwede, Hahayaan ko ang sarili kong mahulaan at mahanap ang mga sagot sa isip ko.

I know God give me strength para makaya ko lahat ng ito.

"Ano nangyare? Kayo na? Sinagot mo na sya???!!!" Napakalakas talaga ng bunganga nitong si Loisa, buti na lang na sa sulok kami at walang gaanong tao.

"Hindi! Hindi..."

"Huh?"

"Simula ngayong araw hindi na nya ako liligawan pa." At kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa amin ni Jake.

"Hah! Sabi na nga ba aayon sakin ang kapalaran eh. Ang kapal kase ng mukha nya! Buti nga sa kaniya! Saming dalawa ako ang nanalo at talo sya! Nakaganti rin ako sa kanya sa wakas!" Masaya na may galit na sabi nya.

"Ano? Anong nakaganti? Anong panalo?"

At kinuwento nya din saken ang tungkol sa kanila ni Jake. Simula noong bata pa sila at kung ano ang napag usapan nila ni Jake sa resto kahapon.

Ewan ko ba kung matatawa ako sa mga kwento nya o mahihiya eh. May ibang tao na palang nakakita ng pwet nya? At kay Jake pa! Sa kaaway nya. Hahaha *^O^*

"At ngayon? Umayon sakin ang tadhana! Hahaha sabi na nga ba eh hindi mo yun sasagutin. Buti nga sa manyak na yun!"

"Hindi naman talaga sa 'ayaw' ko sa kaniya, pakiramdam ko lang kase hindi nya deserve ang tulad ko."

"Hahahha! Tama best! At hindi sya deserve para sayo!"

Tumango na lang ako tinuloy ang pagkaen ko.

Haayyy nakakatakot na araw to para saken. Huhuhuhu ~T_T~

Babalik pa kaya ako doon?

---

(Sorry sa matagal na update! •﹏• )

KeychainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon