Chapter 22: Telling to him

32 4 0
                                    


Angel's POV

Nandito pa rin ako sa lobby ng building namin. Hinihintay si Darren. Katagal naman! Ilang tubig ba inilabas non?! Isang galon? =__=

"Sorry for waiting." Sabi nya habang naglalakad papunta saken.

"Tsk. Okay lang!" Sabi ko. Hahaha.

"Tara? Uwi na tayo?"

Napatingin naman ako sa kaniya bigla. Uuwi na? Parang ayoko pa, tinatamad pa kong umuwi!

"Parang ayoko pang umuwi eh. Mag isa na naman ako sa bahay."

Napatigil sya sandali at tumingin din saken. Ano kayang iniisip nito?

"Saan mo ba gustong pumunta?"

O_____O

Tinatanong nya kung saan ko ba gustong pumunta? Waaaahh! Nakaramdam! Oh well..

"Ahmm.. sa.."

San nga ba?

"Sa?" Pagtatanong nya.

"Park."

Sandali kaming napatigil na dalawa. Sa park? Bakit sa park yung sinabi ko? Nababaliw na ba ko? May aning na ata talaga ako -___-

"Sige. Tara?" Pag-aalok nya.

At nagsimula na kaming maglakad patungong park.

Habang naglalakad kami, hindi ako mapakali. Pupunta na naman ako sa park! Nagsimula na naman akong kabahan. May mga alaala na naman bang papasok sa utak ko? Dyosko Lord! Nakakatakot. Haaayy.. nakakaloka.

"Hey? What's wrong?"

O______O

Napatingin naman ako sa kaniya. Mas lalo akong kinabahan sa mga tingin nya.

"H-ha? Ah wala." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

Binilisan ko ang lakad ko para hindi na nya ko matanong ulit. Malapit na naman na kame sa park kaya kunwari nagmamadali akong pumunta.

Pagkadating ko doon, umupo ako sa isang bench na nakita ko. Wala namang naka upo kaya okay lang. Malilim, maraming puno at ang sarap ng hangin. Nakaka antok tuloy. -_-

Tumabi saken si Darren at nagsalita.

"Angel?"

"Hmmm?"

"May problema ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. Yan nga yung iniiwasan kong tanong tapos tatanungin mo ko? Dyoskopo!

"Wa-wala.."

"Wag kang magsinungaling."

O______O

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.  Paanong? Napatingin ako sa kaniya bigla. Tumingin sya saken ng diretso sa mata. Kung kinakabahan ako kanina, mas lalo ngayon. Napakaseryoso ngayon ng awra nya. Hindi kagaya ng mga nakikita ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Nakakatakot yung side nyang ganito! Napalunok tuloy ako ng laway ng di oras.

"Ano.. kase..." kinakabahang sabi ko. Nakakatakot si Darren! Waahhh! Wala akong kasalanan! Huhuhu.

"Tell me, ano yung problema mo?"

Nagdikit ang dalawang dulo ng kilay ko. Problema? Paanong nalaman nyang may problema ako? Eh kay Loisa ko lang naman sinabi yun. Hindi kaya sinabi nung babaeng yun? Hindi pwede! Ayokong malaman nya.

"Huh? Wala ah.."

"Don't lie. Halata ka."

Napanganga ako sa harap nya. Halata? Ako? Yung totoo? May lahing tsismoso ata to eh! Gwapo pa naman. -____- Sige patawa ka pa.

Huminga ako ng malalim. Sa mga sinabi nya, interesado syang malaman ang problema ko.

Sasabihin ko ba?

Sige na nga. Mapagkakatiwalaan naman sya at isa pa! Kaibigan ko na sya. Wala naman sigurong masama kung ikukwento ko sa kaniya yung mabigat na pinagdadaanan ko ngayon. Baka sakaling gumaan. Sabi nga ni Loisa, 'wag mong solohin ang problema mo'. Oo na! Sasabihin ko na! Nangongonsensya pa eh. =____=

"Alam mo dito sa park, may kakaibang nangyayari saken pag nandito ako." Nakita kong nakatingin sya saken at nakikinig sa mga sinasabi ko. Hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkukwento. "May mga alaala akong naaalala. Hindi ko alam kung para saan ang lahat ng iyon. Kung bakit ganoon. Nakapaloob si Loisa doon at.. isang lalaki na hindi ko man lang malaman kung sino. Minsan iniisip ko na baka may amnesia ako dahil wala nga akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Na may sakit ako sa ulo. Kada may naaalala ako, bumibigat ang pakiramdam ko, yung parang ang sakit sa puso, tagos sa puso. May sakit nga kaya ako? Nakakaloka at nakakabaliw diba? Pala isipan ang lahat. Hindi naman ako manghuhula para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sakin." Tumigil ako sandali at tinuloy uli. "Yung pinagdadaan ko ngayon, parang larong puzzle, walang kasiguraduhan kung mahahanap ko pa ang mga piece kung nagsiwalaan na."

Nagkaroon ng konting katahimikan saming dalawa. Siguro pinoproseso pa ng utak nya ang mga sinabi ko. Tumingin na lang ako sa kawalan.

"Kaya kitang tulungang hanapin ang mga piece."

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Unti unti akong tumingin sa kaniya. Tutulungan nya ko? Nagpapatawa ba sya? Eh ang sarili ko nga di ko matulungan eh!

"Ang hilig mo talagang magpatawa. Seryoso tayo dito tapos magjo-joke ka? Hahahahah! Infairness! Nakakatawa."

"Sa tingin mo ba nagpapatawa ako?"

O______O

Napatigil ako sandali. Kinabahan uli ako.

"H-ha? Seryoso ka ba diyan?"

"Oo."

Literal na napanganga na ko sa mga sinabi nya. Hindi ako makapaniwala, tutulungan nya ko? Talaga? Totoo? Napakaseryoso ng mukha nya. Desidido talaga syang tulungan ako.

"Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo pero tignan na lang natin kung ano ang mga mangyayari."

Tumayo na ko at sinimulang maglakad. Pupunta ako sa tree house. Tama! Pupunta ako doon at isasama ko sya.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Sa tree house, sa dulo ng park na to." At tinuro ko sa kaniya kung saan iyon.

"Sige.. pero bakit tayo pupunta doon?"

"Isa ang lugar na yun kung saan may bumabalik na alaala sa utak ko. Baka sakaling may maalala uli ako."

At nauna na kong naglakad. Nasa likod ko lang sya at sumusunod saken. Bakit noon kapag pumupunta ako dito kinakabahan ako ng sobra? Pero ngayon pupunta muli ako doon, bakit parang wala akong kabang nararamdaman? Dahil ba, sanay na ko? O dahil may kasama lang ako? =___= hayyy.

Habang naglalakad ako palapit sa gate. May naaninag akong dalawang taong pamilyar ang mukha.

O______O

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko nang napagtanto kong kilala ko ang mga taong iyon.

Loisa? Terren?

"Angel! Darren!" Sigaw ni Loisa samin.

Napatingin naman ako sa lalaking katabi nya. Nagtama na naman ang mga mata namin.

"Si Loisa oh!? Sino kasama nya?" Sabi ni Darren saken.

Si Terren, ang lalaking iniyakan ko nung nakaraang araw.

---

KeychainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon