Chapter 29: Their Side

11 1 0
                                    

Loisa POV

Nang makaalis na kami sa bahay ni Angel ay hindi ko mapigilang mag isip.

Kailan nya kaya malalaman ang lahat?

Hayyy

Dumiretso ako sa park, sa may tree house.

Nagsimula na kong maiyak. Hanggang ngayon masakit pa rin sa loob ko ang lahat ng nangyari. Ang nangyari samin.

Napagdesisyunan kong lumabas at umupo sa isang bench malapit sa kalsada. Dito, dito nangyari ang lahat.

"Loisa?"

Napatunghay ako, lumingon ako sa taong nagsalita sa likod ko.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.

"T-Terren?"

Tumabi sya sakin at pinunasan ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya.

Ito, ito yung namiss ko. Yung pag aalala nya sakin. Yung sa tuwing iiyak ako sya yung nagpapahid ng luha ko.

Hindi ako nagsalita dahil niyakap ko sya. Sobrang miss na miss ko sya. Hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya dahil naisip ko baka hindi ko na uli ito magawa. Huling pagkakataon na to para mayakap ko sya. Baka kasi bukas, hindi ko na alam kung nandito pa ba ako sa lupa.

"Ah.. Loisa?"

Kumalas ako sa pagyakap sa kaniya. Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang ang mukha nya.

"Loisa?"

"Mahal na mahal kita Terren. Mahal na mahal."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Terren.

"A-Ano?"

"Alam ko hindi mo ko maalala sa isip mo. Pero diyan." At tinuro ko ang puso nya. "Sa puso mo, mananatili akong nandyan."

Kumunot ang noo nya.

"Hindi kita maintindihan. Kailan lang tayo nagkakilala. Ano bang pinagsasabi mo?"

Nangilid bigla ang luha ko sa mga mata ko. Ang hirap ng ganito. Nasasaktan ako. Hindi nya ako matandaan.

"I'm Sorry."

We just follow what God said. Na walang makaka-alala samin habang nandito kami sa lupa.

Si Angel? Pinakilala ko ang sarili nya na ako ang bestfriend nya simula pa nung bata kami. Alam ko sa sarili ko na hindi nya ko naaalala pero nagdasal ako kay God na 'sana kahit si Angel, makilala ako bilang bestfriend nya'.

"I will always love you. Isa ka sa dahilan kung bakit ako bumalik dito, para sabihin na mahal na mahal kita. Walang may gusto sa nangyaring aksidente sa amin. Kahit si God. After this, I know wala na. Kailangan mo nang tanggapin ang lahat ng nangyari. You need to accept everything then move on. Dahil wala na. Nanyari na."

Sa kabila ng mga sinabi ko, binigyan nya lang ako ng nakakalito at naguguluhang mukha.

"I will always be your loving girlfriend. You'll stay in my heart forever."

---

Darren POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa Park. Kung saan naganap ang lahat. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Parang may iba akong kutob. Malungkot na kutob.

Hindi. Hindi pwede.

Nang makarating ako sa Park, pinuntahan ko ang Tree house. Nakaramdam ako ng kakaiba. Parang bumigat ang loob ko na hindi ko maintindihan. Parang may mangyayaring ikakabibigla ko.

O____O

Nang nakatingin ako sa Tree house. Napatingin ako sa langit.

O____O

Lumiwanag ang langit.

Lumiwanag ang langit.

Lumiwanag ang langit.

Sandali akong napatigil.

Tuluyang gumunaw ang mundo ko.

Hindi. Hindi! Hindi Maari!

Tumakbo ako patungo sa bahay nila Angel. Ayokong umalis dito hangga't hindi ako nagpapa-alam kay Angel. Lord Please! Ayoko! Ayoko.

Habang tumatakbo ako nakita ko ang mga kamay ko na unti-unting naglalaho.

Hindi ko na napigilan maiyak habang tumatakbo ako.

Oras na...

Unti-unting naglalaho ang ibang parte ng katawan ko pero binilisan ko parin ang ang takbo ko.

Nawawalan na ko ng pag asa.

"Angel! Mahal na mahal kita! Sobrang mahal! Bumalik ako dito dahil sa pagmamahal ko sayo. Ikaw lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko noon hanggang ngayon. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Lahat kaya kong gawin para sayo. Nagawa kong bumaba sa lupa para sayo. Pero ngayon kailangan ko nang bumalik. Wala na kong magagawa pa. Masakit para sakin na iwan ka ulit sa pangalawang pagkakataon pero ito ang tandaan mo, Na sa puso ko ikaw lang ang laman nito. Nabubuhay ako dahil minamahal mo ko. Pinaglaban mo ko at pinatunayang mahal na mahal mo ako. Na kahit mawala ulit ako sa tabi mo, gusto kong sabihin sayo na palagi kitang babantayan mula sa taas. Angel, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo dahil sa mga nangyari samin. Wala kang kasalanan. Wag mong hayaang masira ang pagkatao mo at habang buhay mong dalhin ang sakit na nararamdaman mo dahil sa nangyari sa amin. Bumalik kami dito para makaramdam ka muli ng kasiyahan at pagmamahal sa kabila ng sakit na nararamdaman mo. Alam ko na pagkatapos nito, gagawin mo ang mga sinabi ko dahil mahal mo ko. Hindi man ako pormal na nakapagpa-alam sayo pero alam ko dito sa puso ko na maririnig mo ang mga sinabi ko. I love you Angel ko, Always and Forever."

Sambit ko bago ako tuluyang mawala dito sa lupa.

Nakakalungkot at masakit mang isipin. Pero kailangan kong tanggapin na hindi na ako muling makikita ni Angel. Na hindi ko na ulit mararamdaman ang pagmamahal nya.

Forever may not exist, true love does.

---

A/N: Short UD lang sya. Alam ko medyo magulo pero I'm sure na sa next update maiintindihan nyo na ang totoong nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KeychainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon