Chapter 23: Fulfillment ♥

29 3 0
                                    

Nakatingin ako ng diretso sa mga mata ni Terren. Kahit sya ganoon din. Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko nung nakita ko sya. Bigla na naman akong kinabahan.

"Angel..." Napatigil ako sandali at lumingon kay Darren dahil tinawag nya ko. "Ayos ka lang?"

Hindi ako nakasagot dahil biglang lumapit si Loisa sa harapan ko para yakapin ako. Kumalas naman sya agad.

"Bakit kayo nandito?" Tanong nya samin ni Darren.

Napa-isip ako sandali ng nakita kong sumunod sa likod nya si Pitchi. Si Pitchi?

"Ikaw? Bakit ka nandito? Bakit nandito si Pitchi? Akala ko ba manganganak sya at---"

"Joke lang yun! Hahaha! Di ka naman mabiro!"

=_______=

Napapoker face sa sinabi nya. Joke lang yun? Talaga? Sayang naman. Hihingin ko pa naman sana yung isa sa magiging anak ni Pitchi -___-

"Baliw ka talaga Loisa! Nagsinungaling pa!" 

"Hahaha Sorry na! Last na yun Promise."

=_______=

Lakas talaga ng topak nitong babaeng to. Buti na lang bestfriend ko to, hindi ko natitiis.

"Teka? Kilala mo yung lalaking kasama mo?"

Nakita kong nagulat sya sa tinanong ko. Ano naman nakakagulat doon?

"Ah... oo, Matagal na."

"Hah? Ano?"

"Sabi ko kilala ko."

"Ah."

Napaharap kaming dalawa ni Loisa ng lumapit saming dalawa si Terren.

"Angel? Kamusta ka na?"

Napalunok ako ng laway.

"A-ah... okay naman." At nginitian ko sya. Tumingin naman sya kay Darren.

"Ah, Terren! Si Darren, kaibigan namin ni Angel. Darren si Terren." Pagsasalita ni Loisa.

Napansin ko ko lang, may pagkakahawig sila ng pangalan? Darren at Terren. Parehong may 'ren' ang pangalan nila.

Napatigil ako sandali at napatulala ng may naalala ako bigla.

***

"Ren-Gel."

***

O_______O

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko uli yun. Yung inukit ng lalaki sa dingding ng tree house! 'Ren-Gel'. Anong ibig sabihin non? Di ko maindtindihan.

"Angel?"

Bakit pumasok uli yun sa isip ko? Anong kinalaman nun? Ang gulo!

"Angel!!"

Napalingon naman ako kay Loisa ng bigla nya kong tinawag.

"Ba-bakit?" Nauutal na sabi ko.

"Ayos ka lang?"

Ako? Maayos?

"Gusto ko pumunta sa Tree house."

Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. Nakita kong pati si Darren at Terren ay napatigil sandali dahil sa sinabi ko.

"Ano? Sasama ba kayo?" Pagtatanong ko sa kanilang tatlo.

Tumango sila at hindi nagsalita.

Nagsimula na kong maglakad patungo sa gate ng Tree house. Nakasunod silang tatlo sa likod ko. Hawak ni Loisa si Pitchi at yung dalawa naman ay katabi nya. Napansin ko lang, ang weird nilang tatlo. Bakit kaya? Daig pa yung nararamdaman ko ngayon.

KeychainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon