Chapter Twenty One - The Good Book

Start from the beginning
                                    

Hoy ikaw babaeng naka-uniform!

I know it's me. But... Srsly Eros? Lahat ng babae dito sa school na ito ay naka-uniform. Napahawak na naman ako sa noo ko. Narinig kong natawa yung mga nag-iisip. Yung iba naman, nasobrahan sa pag-iisip at nag-aassume na sila yun.

Hoy ikaw babaeng maganda!

At nagsimula na namang magtilian ang mga assuming. All hail the self-proclaimed pretty ladies! 

I was just smiling. Pinipigilan kong matawa kaya tumingin na lang ako sa libro ko.

Ayun. Yung nagbabasa!

Eros stop. Natatawa na talaga ako. Malamang asa library kami so halos lahat eh nagbabasa. Pinapataas mo lalo yung pag-asa ng mga assuming dito.

Yung babaeng napapangiti-ngiti na diyan at alam kong natatawa at nahihiya na sa ginagawa ko.

Wala pa din akong reaksyon sa ginagawa niya. Nagkukunwaring hindi ko alam na ako nga ang binabanggit niya.

Hoy Aerith Kristen! Oo, ikaw nga! Pangalan mo nga ang binabanggit ng pogi kong boses.

Magkita tayo sa may harap ng gate. Okay?

Tapos narinig sa stereo ang pagtayo niya sa upuan. Pupunta na siya sa harap ng gate panigurado. Oh well. Magbabasa pa ako.

(Ano ba naman yun! Hindi man lang marunong patayin to. Bigla-bigla na lang umaalis.) - sunud-sunod na sinabi nung personnel. Habang naririnig pa din siya sa stereo. 

...

Wala pang dalawang minuto nang biglang nagtilian yung mga babae dito sa library. Na para bang may artistang dumating... Uuuh wait... Artista? Oh no.

At bago ko pa man ding maisipang tumakas e nasa harap ko na siya. "Tara!"

"Akala ko ba sa harap ng gate? Bat andito ka?" tanong ko sa kanya.

"Syempre alam kong hindi ka pupunta." nag-smirk siya then kumindat pa. 

"Ang witty mo today Eros ha. But... May klase pa ako mamayang hapon so hindi kita pwedeng samahan sa plans mo ngayong araw." paliwanag ko.

Inilapag niya ang isang papel sa harap ko. And he smiled. Pa-cute na naman to. Porke alam niyang madaming nanunuod e. Binuksan ko yung papel at napahawak na naman ako sa noo ko.

"Okay. So can we go now? Wala ka ng class this afternoon. You have a fever." tuluy-tuloy niyang sinabi habang itinuturo ang pekeng Medical certificate na pinagawa niya kaya na-excuse ako sa klase ko.

Inabot niya yung kamay niya sa akin at ngumiti na parang nagsasabing Sorry Aerith, I win.

"Salamat sa Med Cert. Now I can rest at home." tumayo na ako at nire-ready ko na yung mga gamit ko. I walked pass him. 

"Babe." napatigil ako sa sinabi niya.

"...Huwag mo namang gawin sakin to. Huwag mo naman akong iwan sa ere habang ang puso ko e nakatali pa sa pagmamahal ko sayo..."

Tss. Ang korni. Sinasabi niya yung mga lines na yun with all-sincerity at teary-eyed pa siya. Woah. Artista nga talaga. Tinignan ko siya with a death glare na nagsasabing stop-doing-that-or-i-will-kill-you. Pero hindi siya tumigil...

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now