Chapter Five - Stare Game

111 17 10
                                    

Dalawang araw na din ang nakakalipas simula ng nakalabas ako sa ospital. And I'm really glad that I don't have to stay any longer in there. Ayaw na ayaw ko lang ang atmosphere ng ospital. Pakiramdam ko mas lalo akong nagkakasakit at humihina kapag andun ako. Nakakasawa na din. Suki na kasi ako ng ospital na yan. Hindi ba pwedeng sa circus naman ako ma-confine sa susunod para hayahay naman ang buhay ko? 

Gumising na ko. Naligo. Nag-ayos. At kumain mag-isa. Lalakwatsa din naman ako para makalanghap naman ng sariwang hangin at hindi pawang aircon ng ospital at nitong bahay na to ang nasisinghot ko. 

Hinanap ko na sila Mommy at Daddy para naman makapagpaalam man lang pero di ko sila makita.

"Si Mommy at Daddy?"  tanong ko sa maid na kasalukuyang nagpupunas ng mga furniture.

"Aa.. eeh. Kanina pa po sila umalis Ma'am. Tulog pa daw  po kasi kayo Ma'am kaya di na po sila nagpaalam." paliwanag niya sakin.

Kahit naman siguro gising ako, hindi pa din sila magpapaalam. Haaay.

This house is so big but it feels so empty.

"Asige. Pagdating nila pakisabi na umalis din ako. Wala na kasi sila kaya di na ko nakapagpaalam." bilin ko sa aming maid at naglakad na palayo. "...salamat pala."

Paglabas ko naman ng bahay e sinalubong ako ni Kuya Driver. 

"Ma'am. Saan po kayo pupunta? Hatid ko na po kayo." parang ang boypren lang peg nitong si Kuyang.

"Hindi na. Kaya ko na tong mag-isa."

"Pero Ma'am~" then I looked at him with my let-me-go-or-else-you're-dead stare. "...Sige po, Ma'am Aerith."

At nginitian ko siya. Pero saglit lang, mga 2 seconds. Nagulat si Kuya Driver maybe he was like... May masamang ispirito bang sumanib kay Ma'am Aerith? Syempre they seldom see me smile. Pero masama bang ngumiti, its a reward for him na din. Reward? Ngiti ko? Umm. Pwede na. It's rare so it's precious.

Naglakad-lakad na ako. Bahala na kung saan ako dalhin nitong mga paa ko. 

Ganito pala pag mag-isa kang naglalakad sa daan. Though lagi naman akong mag-isa pero ngayon ko lang naramdaman at napagtanto yung talagang meaning ng pagiging 'mag-isa' . Dahil bawat detalye pinapansin ko, tinitignan ko. Sa makakasalubong mo yung mga taong walang pakealam sayo at wala ka din namang pakealam sa kanila, maririnig mo din yung mga pinag-uusapan nila ng hindi sinasadya na yung iba eh nakakainis at yung iba nakakatuwa. Mapapangiti ka na lang mag-isa.

Sa unang tingin mo sa isang tao, hindi mo naman malalaman kung mabuti o masamang tao sila, kung mamamatay tao o kaya isang samaritano man, kung mayaman o kaya mahirap. At kapag sila naman ang tumitingin sa akin, ano kayang naiisip nila. I don't actually care though. Dahil alam ko naman na I was not born to please people. Hindi naman ako mababago ng judgements nila.

Kaya naglalakad lang ako at naglalakad hanggang sa kung saan man ako mapadpad. Tinitingnan ako nung iba kaya napapatingin din ako sa kanila. Tapos titingin sila sa ibang direksyon pag napatitig na ako sa kanila. Yung iba naman nakikipagtitigan pa.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now