Chapter Thirteen - Unexpected

76 14 9
                                    

Sabay uli kaming pumasok ni Tamica ngayon. Nakasalubong na naman kasi namin siya kaya isinabay na namin siya. Nag-uusap lang kami sa loob ng kotse hanggang sa papunta sa classroom. 

"Congrats."

Biglang sinabi ni Tamica out of the blue habang pinag-uusapan namin yung mga professors namin. Nabigla naman ako. Anong problema niya?

"Ha? Anong cino-congrats mo Tamica?"

"Kasi medyo dumadaldal ka na. Hindi ka talaga kasi nagsasalita dati e. Ni hindi mo nga ako kinakausap kahit seatmates pa tayo. Pero ngayon. Iba na."  nakangiti pa siya habang sinasabi para talagang amaze na amaze siya sa mga nangyayari.

"Ewan ko din e. Siguro kasi mas na-iinvolve na ako sa mga tao ngayon. Hindi naman sa hayop ako ha. Pero sanay lang talaga akong mag-isa dati.." at napangiti din ako "...masaya din pala." 

Totoo naman. Akala ko masaya na yung mag-isa ko. Yung walang gugulo sa buhay mo. Walang may interes sa kahit ano mang ginagawa, sinasabi o iniisip mo. Masaya nga yung mag-isa. Pero iba din pala yung saya kung may nakakausap ka at may mga ibang tao ding gumagalaw sa mundo mo. Sabihin na nating magulo. Pero yung gulo na yun ay nagdudulot ng saya. :)

"Masaya din ako na naging close na tayo. Wala din kasi akong kaibigan dito. Ikaw lang..." nabigla ako doon. Akala ko ako lang yung introvert dito. "...Ano kasi. Puro lang ako aral. Aral. Aral. Iniisip ko kasi yung kinabukasan ko. Gusto kong makapagtapos at matulungan ang pamilya ko."

"Obvious naman sa grades mo e. Ang tataas." papuri ko sa kanya. Totoo naman yun. Seatmate niya ako kaya alam ko.

"Mataas din naman yung sayo ah. Atleast ikaw kahit hindi ka nag-eeffort, mataas nakukuha mo." pambobola pa ng babaeng ito. Hindi naman.

"Wasus. Hindi kaya."

"Oo kaya."

Nagtalo pa kami at nagtawanan pa. Hanggang sa nakarating na kami sa classroom. Maingay na yung klase namin. Para bang may nagpa-party sa loob. Ano kayang meron?

Pagkapasok namin e, tinignan namin yung pinagkakaguluhan ng iba pa naming kaklase. 

"No classes for today. Emergency meeting of the faculty."

Leche. Nag-effort pa akong gumising ng maaga. "Wala palang klase. Pupunta ako ng library. Sama ka Aerith?" aya sa akin ni Tamica.

"A hindi na. Mag- iikot ikot na lang muna ako sa campus. Tapos sunod na lang ako sa library kung hindi ko pa trip umuwi. Text na lang kita." nagpalitan na din kasi kami ng number ni Tamica kanina. Parang dati, si Mommy at Daddy lang nakakaalam ng number ko. Pero ngayon, alam na din ni Tamica, Eros at Titus. Iba na talaga.

At ganun nga. Naglakad lakad ako sa campus. Hindi ko pa ito completely na naiikot since nung first day ko dito. Nalaman ko na may swimming pool pala dito, mayroon pa palang isa pang canteen dito sa may bandang likod, mayroon ding park, mayroon ding dance studio, sa tabi nito ay isang Music room. 

Sinilip ko. Ang daming instruments. Iba't iba. Mayroon pang mini-stage. Ang ganda sa loob. 

Accidentally kong natabig yung doorknob ng pinto at bumukas naman ito. Bukas pala. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Parang magnet, nahila ako papasok ng Music room.

Yung paa ko. Nagdire-diretso ako sa may piano. At umupo. At nadala ako ng nararamdaman ko para sa first love ko, ang musika. Nagsimula na kong tugtugin ang River Flows in You (play the video -->) 

Habang tumutugtog ako. Ramdam na ramdam ko lahat. Nakapikit lang ako. Ang sakit ng buhay ko.

Ang hindi pagpapahalaga sa akin ng mga magulang ko.

Ang pagiging mag-isa ko.

Ang lahat ng buhay na nawala dahil sa akin nung aksidente.

Ang mga luha ng nawalan. Ang mga luha ni Titus.

Hindi ko alam kung deserve ko nga ba lahat ng kasiyahan na nangyayari sa buhay ko ngayon. Mula sa pagiging mag-isa ko lang, ngayon may mga kaibigan na ako. Deserve ko nga ba itong lahat?

Hindi ko namalayang napaluha na pala ako.

Yung sakit. Nanunuot. Naninikip na naman yung dibdib ko sa sakit.

Biglang may pumalakpak. Na siyang naging hudyat ng pagbabalik ko sa realidad. Naimulat ko bigla ang mata ko para tignan kung sino yun.

"Ang galing mo palang mag-piano. Hindi mo sinasabi." sinasabi niya habang papalapit siya sa akin. Tuwang tuwa siya. "...Ramdam na ramdam mo yung tugtog. Ano bang iniisip mo at napaluha ka pa?" 

"Wala ka na dun." isa ka sa mga naiisip ko Titus. Bakit ba kahit ang sungit ko sayo eh napakabuti mo pa din sa akin. Bakit.

Nasa tabi ko na siya. Tumayo na ako. At umiiwas na ako sa mga susunod pa naming mapag-usapan. "I'm the President of the Music Club here. Baka gusto mong sumama?" alok niya sa akin.

"No thanks." agad kong naisagot.

Nang biglang may dumaang daga sa paa ko. "ANAK NG GWAPONG BAKLA!" napasigaw na lang ako at napayakap sa kanya.

Tumingin ako sa kanya. Nakayakap pa din.

Bigla niya akong hinalikan. 

Nanlaki ang mga mata ko. Isang halik na hindi ko inaasahan.

Oo nga pala. Napasigaw ako.  "ANAK NG GWAPONG BAKLA!"

Totoo ba ito?

Nanghihina ang mga tuhod ko. Parang nablangko bigla yung utak ko. Parang nagwewelga yung puso ko sa kaloob-looban ko.

Anak ng gwapong bakla naman talaga oh. Nagka-first kiss ako ng wala sa oras.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now