Chapter One - The Trip

259 23 24
                                    

It is three o’clock in the morning. I have to wake up now and catch the bus by 5AM.

Ang hirap bumangon pag mga normal na araw. Pero kung may mga bagay na sadyang magtutulak sayo na gumawa ng mas makabuluhan kaysa sa pagtulog. Napakadali nga namang gumising.

4:00 na at tapos na akong mag-ayos. I have to be careful sa galaw ko baka mahuli ako nila Mommy.

Dahan dahan lang yung paghakbang at pag-galaw ko. Kumbaga parang mga ninja lang sa mga napapanuod ko. Sa bawat galaw nila Mommy habang natutulog, eh napapatigil  naman ako.

Nakarating na ako sa pinto, dahan dahang binuksan. And Alas! Nakalabas na ko.

Kumaripas na ako ng takbo. Ngunit sa paraang wala akong magigising na kahit sino. Naglakad na ako papunta sa bus terminal na malapit lang sa amin. 

Bumili ako ng ticket at ibang pangalan ang ni-register ko para hindi ako matunton nila Daddy kung sakali man. Sumakay na ako sa bus, umupo ako sa may pangalawa sa dulo. 

4:45AM. Umalis na agad yung bus. Hindi na ito pinuno.

“Yes. Sa wakas. Malalayo na ako kina Mommy.” Bulong ko sa sarili ko.

Sumakay ako sa bus papuntang Ilocos Norte. Iiwan ko na ang Baguio.Iiwanan ko na ang malamiig na paligid at ang malalamig na mga karanasan ko. Lalayo na sa buhay kong parang naka-preso.

Hindi pa masyadong nakakalayo ang bus, tumigil ito at sumakay ang isang lalaki at isang babae. Mukhang mag-on tong dalawang ito. Inalis ko na yung tingin ko sa kanila at tumingin na uli sa labas.

Hindi pa sumisikat ang araw. Madilim at pawang hamog ang nakikita ko.

“Uhmm. Excuse me Miss? Pwede bang makitabi?” tanong ng isang babae sa akin. Napaka-angelic ng face niya at naka-smile pa. Sino ba namang makakatanggi sa kanya.

Tumango na lang ako. At umupo na sila ng boyfriend niya sa tabi ko.

Oo, tama. Yung lalaki’t babaeng sumakay kanina ay tumabi sakin. Kainis naman. Maglalampuchingan pa tong mga to sa tabi ko.

“Titus,  alam mo ba na takot akong sumakay sa bus? Last akong sumakay sa bus nung bata pa ako. Muntik na kaming na-aksidente nun kaya nagka-phobia na ako.” Sabi nung babae.

“Kaya ka pala nanginginig. Akala ko dahil sa lamig…” Sagot nung lalaki tapos nginitian siya nung babae. Ang ganda niya talaga. Mato-tomboy na ata ako. Niyakap bigla nung lalaki yung babae tapos hinalikan niya sa noo. “…Wag ka  ng matakot. Andito naman ako. Hinding hindi ako mawawala.”

T*ngunu. Ang korni nila. Sabi ng dakilang bitter.

Siguro nga sinasabi ko ito kasi hndi ko pa nasusubukang sabihan ng mga katagang yan.

Tinignan ko yung mukha nung lalaki. Seryoso siya. Kitang kita na sincere siya dun sa sinabi niya dun sa babae. At yung babae naman, bakas sa mukha niya yung tuwa.

Nakakainggit naman yung babae. I never had such kind of happiness in my whole life. Yun bang ligayang mararamdaman mo kasi alam mong may nagmamahal sayo? Kahit pa galing sa pamilya ko kung matatawag man iyon na pamilya. Wala.

Tumingin ako pabalik dun sa lalaki at nakita ko siyang nakatingin sakin na pinagmamasdan sila. Ibinaling ko uli ang tingin ko sa may bintana. Kinuha ko yung earphones ko sa bag at sinimulan ng makinig…

 (play the video for the song. hehe ----> )

No I’m never gonna leave you darling…

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now