Chapter Six - You Again

107 17 16
                                    

"Isa kang mamamatay tao! Makasalanan! Wala ka ng lugar sa mundong ito. Dapat ka nang mamatay!" 

"Mamatay ka na!" 

"Ibalik mo ang kapamilya naming nawala panghabangbuhay dahil sayo!"

"Ikaw dapat ang nasa sementeryo ngayon hindi sila!"

Galit na galit na sigaw ng mga tao sa akin habang papalabas ako ng eskwelahan. Sila yung mga kapamilya nung mga namatay sa aksidente. Galit na galit sila na parang gusto nila akong ilibing ng buhay.

Umiiyak lang ako ng umiiyak. Nakadapa. Na parang may isang daang megaphone na nakatutok sa tenga ko na nagsasabing Mamatay ka na. Mamatay ka na! nang paulit-ulit.

Umiiyak lang ako. Umaasang may kakampi sa akin pero wala. Mag-isa lang ako. Wala si Mommy at Daddy dahil umiiwas sila sa gulo.

May lalaking naglakad papalapit sa kin. Ang mukhang iyon. Na ang sarap tignan. Lumapit siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay. Parang prinsipe na magliligtas sa akin. Pinatayo niya ako mula sa aking pagkakadapa at niyakap ng mahigpit. Si Titus.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na secure ako. Niyakap niya pa ako ng mahigpit. At bumulong. "Kahit mamatay ka pa, hindi mo na maibabalik ang buhay ng pinakamamahal ko." at ang mga salitang iyon ay parang isang napakalaking patalim na tumusok sa puso ko na sa sobrang sakit ay wala na kong maramdaman pang iba.

Itinulak ako ni Titus sa mga galit na galit na tao. Papalapit na sila sakin. Pupukpukin nila ako, sasabunutan, bubugbugin, sisipa-sipain.

*Baaaagggsh*

Nagising ako ng tunog ng dyaryo na hinampas sa tabi kong lamesa. Mabuti naman at nagising na ako. Napakapait ng panaginip na iyon at mmay namumuo ng mga luha sa gilid ng mata ko habang natutulog. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata para makita ang taong nakatayo sa tabi ng higaan ko... Si Daddy.

Muli niyang inihampas ang dyaryo at ngayon naman sa tabi ko. Nakita ko sa front page at headline nito ang picture ko at ng lalaki kahapon. "Eros Bustamante, Nagbakasyon sa Baguio at nakitang may Kasamang Babae kahapon. Sino kaya ito at ano ang koneksyon niya sa kanya?"

"Tss." nasabi ko na lang sa nabasa.

"Wala ka na lang bang magagawang maganda?!..." may nagagawa akong maganda hindi niyo lang nakikita. "...lagi ka na lang gumagawa ng iskandalo at lagi ka na lang sakit sa ulo sa pamilyang to." 

Iskandalo? Sakit sa ulo? Pamilya? Una, matatawag pa ba tong pamilya? Pangalawa, sakit sa ulo? Kayo ang nagpapasakit sa sarili niyong ulo dahil puros ang masasamang nagagawa ko lang ang napapansin niyo. Iskandalo? Dahil yung nakikita at naririnig niyo sa iba ang pinaniniwalaan niyo kaagad at kahit kailan ay hindi niyo pinakinggan ang panig ko. Pinapansin at kinakausap niyo lang ako kung magagalit kayo.

Anak niyo ba talaga ako? Bakit parang hindi? Mas mahal niyo pa ang pera kaysa sa sariling anak niyo.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now