Dulo

16 0 0
                                    

Dulo







Matapos ang noche buena, puno ng saya ang aming mga mukha. Mula sa ngiti ng labi, aliwalas ng mukha hangang sa repleksyon nito sa aming mga mata. Pero sa aking loob, nakatago lang ang naghihintay na lungkot.

Ayaw kong matapos ang gabing iyon. Subalit sadyang mabilis ang oras.

Umuwi rin kami pero hindi ako nakatulog. Magdamag kong inisip ang pangyayari sa loob ng nakalipas na anim na taon, magmula noong una kong makilala si Jillian. Ang mga ginawa namin at ang mga salitang lumabas sa bibig niya na talagang tumatak sa akin. Pati ang mga sinabi ni nanay at tatay na may koneksyon sa mga ito.

Mula sa tahimik na pag-iisip, mga kongklusyon at paghahalintulad ang nabuo.

Masaya ako na malungkot. 

Namalayan kong tumulo ang mga luha ko. Mabuti na lang wala ako sa gitna nila nanay at tatay. Pinili kong humiga malapit sa butas ng pintuan. Nang sa ganoon ay sakto lamang para masilayan ko ang nakasinding Christmas lights doon kay aling Mina.

Tama. Christmas lights.

Kinaumagahan, nagising ako na wala na sa may pintuan. May sapin na sa aking likuran at nakapatong na ang aking ulo sa nag-iisa naming unan.

"Gio! Gising na! Maaga ang alis nila Jillian kung kaya't bumangon ka na d'yan!" Alingawngaw na boses ni nanay. Pinatunog pa niya ang takip ng kaldero kaya nagtakip ako ng tainga.

Kusot-kusot ko aking mata nang lumabas. Bumungad ang mga kapitbahay na nagpapalitan ng handa kagabi. Maging si aling Mina ay naroon.

"Mga hampaslupa? Ito lang handa niyo? Oh ito, shanghai para makatikim naman kayo!" Anito't binigay sa kumpulan ang dalawang tupperware ng shanghai. 

Nagkuhaan ang mga tao at wala pang ilang minuto ay ubos na ito.

Nang luminaw na ang paningin ko, napansin kong nakatingin na si aling Mina sa akin. Mataray ang mukha niyang lumapit sa akin.

"Oh regalo ko sa hampaslupang anak ni Rio!" Napangiti ako nang umiwas siya ng tingin.

"Salamat po, aling Mina!" Sa tuwa ko ay niyakap ko siya.

Ni walang nakapansin kaya ayos lang sa kaniya.

"Mag-aral ka ng mabuti para makaalis na kayo dito sa estero, hampaslupa!" Paismid siyang tumalikod sa akin.

Sobrang gulat ko nang mabuksan ang regalo niya. Ito ang bag na pinag-iipunan ko noon para gamitin sa susunod na pasukan!

Napailing na lamang ako habang may naglalarong ngiti sa labi. 

"Aling Mina ang pangalan ng taong kabaligtaran ng pakitang tao at hampas lupa ang paborito niyang salita." Bulong ko sa sarili.

Alam kong isa ito sa mga dadalhin ko sa mga dadating na araw.

Nag-ayos ako pagkatapos. Hinanap si nanay at nagpaalam na pupunta na kila Jillian.

Habang naglalakad, sigurado akong purong kaba na may halong saya't lungkot ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga kamay at nagwawala rin ang aking mga lamang loob. Hindi ko alam ang dahilan nito. Siguro ay dala ng naghihintay na pangyayari.

Kahit ilang metro pa ang layo ko ay tanaw na ang van nila sa labas. May isang babae na naka uniporme ng pang katulong ang naglalagay ng mga maleta sa compartment nito.

Sa mismong gate din ay nandoon ang daddy ni Jillian. May kausap sa telepono pero nang makita niya ako ay binaba saglit para kumaway.

"Kanina ka pa hinihintay ni Jillian, iho. Akala niya hindi ka pupunta." 

Christmas Lights beyond the Wall (Childhood Lane Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα